PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sunshine Cruz evades questions about love life

Sunshine: "There’s nothing wrong naman with accepting a movie for Vivamax."
by Arniel C. Serato
Published Dec 8, 2022
Sunshine Cruz on her heart's status
At a recent endorsement launch, members of the press asked actress Sunshine Cruz if someone is loving her these days, but she politely refused to answer the question.
PHOTO/S: Noel Orsal

Apat na buwan na ang nakalilipas mula nang pumutok ang balitang hiwalay na sina Sunshine Cruz at San Juan City Councilor Macky Mathay.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng panayam o nagpu-post man lang sa social media ang aktres ukol dito.

Sa launching niya bilang bagong ambassadress ng Surge Fitness + Lifestyle na ginanap sa House Manila sa Newport World Resort, Pasay City, noong December 6, 2022, natanong si Sunshine tungkol sa estado ng kanyang puso.

Nakangiti niyang sagot, “I’m okay, lagi naman tayong okay. Ah, ano ba... yun lang.”

Nagkuwento rin si Sunshine tungkol sa pagmamahal sa sarili.

Parang nakalimutan daw kasi niyang mahalin ang sarili simula nang naghiwalay sila ng ex-husband niyang si Cesar Montano taong 2013.

May nagmamahal ba sa kanya ngayon?

Nakangiti pa ring sagot ni Sunshine, “My kids, my mom, my family, my friends…”

May sumingit namang nagtanong na ang "nagmamahal" na tinutukoy ay special someone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ng aktres na nakangiti pa rin, “No, ay naku, huwag niyo nang i-push.”

Bukas pa ba siyang mag-aasawa muli balang araw?

Ani Sunshine, “Ahm, ano ba ang masasabi ko tungkol diyan?”

Hindi na niya ito sinagot bagkus ay pinag-usapan na lamang ang latest endorsement niya.

Pumutok ang balitang hiwalay na sina Macky at Sunshine dahil sa “realizations” post ng aktres sa Instagram noong September 22, 2022.

Read: Have Sunshine Cruz and Macky Mathay called it quits?

Noong October 9, 2022, tila may malalim namang hugot ang aktres sa isang post nito sa Instagram.

Ito ay isang quote ng isang anonymous author tungkol sa pakikipaghiwalay.

Read: Sunshine Cruz posts new cryptic note fueling breakup rumors anew

GOING SEXY?

Sa nasabi pa ring event, ibinahagi ni Sunshine ang kanyang upcoming projects.

Sabi niya, “Ngayon pa lang January [2023], meron akong teleserye with GMA, it's starting on January, yung Underage with Ate Snooky Serna, with tatlong bata dito na anak ko sa iba’t ibang tatay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tatlo rin ang anak ko, no, puro girls.

"Si Lexi Gonzales, Hailey Mendez, and Elijah Alejo, sila yung mga daughters ko dito. So, abangan niyo yun sa January.”

Dagdag pa ni Sunshine, may isang independent film siyang nagawa na hindi niya alam noong una na ipalalabas pala sa Vivamax.

Kilala ang Vivamax sa mga sexy content nito.

Sabi niya, “And I did three indie films, actually yung isa for Vivamax. December 23 ang streaming.

“But it's so funny ha, sabi ko nga, there’s nothing wrong naman with accepting a movie for Vivamax.

“But they hid it from me, ha. When I accepted it, I didn’t know it would be shown on Vivamax.

“But sabi ko nga, 'There’s no problem, why did you have to hide it?' Kasi parang ang sa akin naman, maganda yung kuwento, maganda yung script, that’s why I accepted it.

“So, abangan niyo yun, An Affair to Forget with award-winning actor Allen Dizon, with award-winning director Louie Ignacio. So, abangan ninyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tanong kung sexy ba siya dito, natawa na lang at sinabing panoorin na lang ito sa December 23.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
At a recent endorsement launch, members of the press asked actress Sunshine Cruz if someone is loving her these days, but she politely refused to answer the question.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results