Tila nangungulila pa rin si San Juan City Councilor Macky Mathay sa ex-girlfriend na si Sunshine Cruz.
Kapansin-pansin kasi sa recent posts ni Macky sa Instagram ang paggamit niya ng salitang “sunshine,” na pahiwatig niya sa nobyang diumano’y nakahiwalayan niya nitong September 2022.
Read: Have Sunshine Cruz and Macky Mathay called it quits?
Noong Sabado, October 29, nagbahagi si Macky ng larawan niyang kuha sa beach nang nagkaroon ng seminar kasama ang buong konseho ng kanilang lungsod.
Bahagi ng kanyang caption: “I’ll always love the sand, sea and sunshine!"
View this post on Instagram
Kahapon, November 2, ibang view naman ng beach picture niya ang kanyang in-upload.
Aniya, kung kailangan niyang kumatok sa Langit para lamang muling sikatan ng kanyang “sunshine” ay garantisadong gagawin niya ito.
Buong caption niya: “If I have to reach for the heavens for my sunshine again and again I would.
“Heights from the beautiful Matukad Island of Caramoan, Camarines Sur.”
View this post on Instagram
Pumutok ang balitang hiwalay na sina Macky at Sunshine dahil sa “realizations” post ng aktres sa Instagram noong September 22, 2022.
Saad sa post ni Sunshine, “I experienced so much realizations and challenges while I was locked in for 35 days.
“It wasn’t easy coz there’s not much you can do but pray and hope for the best.
“Challenges and trials will always be part of our lives and at the end of the day, we just have to focus on positive things coming our way.
“So much blessings are being given to me and my family afterall.
“Wala akong karapatang mag reklamo.
“Everything happens for a reason, live it, love it, learn from it.”
Nag-unfollow na rin siya kay Macky.
Noong October 9, 2022, tila may malalim namang hugot ang aktres sa isang post nito sa Instagram.
Isang quote ng isang anonymous author ang kanyang ibinahagi tungkol sa pakikipaghiwalay.
Sabi sa quote: "Some people are only meant to stay in your heart, not in your life."
Sa caption ng kanyang post, ibinahagi ni Sunshine ang saloobin tungkol sa breakup at pagmu-move on.
Aniya, "People come and go, it may be hard to understand why things happen unexpectedly.
"For some of us, letting go of someone you loved with all your heart can definitely give us so much pain and sadness but in life, there are some things we cannot control.
"What matters is the lesson we learned, the love that was shared and the wonderful memories that will always be in our hearts. Life goes on. [emoji]
"A blessed Sunday to all. [emoji]"
Read: Sunshine Cruz posts new cryptic note fueling breakup rumors anew
Tikom pa rin ang bibig ng magkabilang kampo tungkol sa diumano'y hiwalayan nila matapos ang halos pitong taong relasyon.
Read: PEP EXCLUSIVE. Macky Mathay confirms relationship with Sunshine Cruz: "Yes, yes, yes, yes."