Kinumpirma ng pamilya ni Jovit Baldivino na limang araw na-comatose ang singer bago ito pumanaw nitong madaling-araw ng Biyernes, December 9, 2022.
Siya ay 29 taong gulang.
Read: Singer Jovit Baldivino dies at 29
Base sa pahayag na inilabas ng pamilya ni Jovit—mga magulang na sina Hilario at Cristeta Baldivino pati na ng fiancée niyang si Camille Ann Miguel—aneurysm o pagkakaroon ng blood clot sa utak ang dahilan ng kamatayan ng kauna-unahang winner ng Pilipinas Got Talent.
Ayon pa sa official statement na ipinadala kay Jerry Telan, dating handler ni Jovit sa Star Magic, isang linggo nang nagpapagaling ang singer mula sa hypertension nang imbitahan ito ng isang family friend sa Batangas noong December 3.
Ang payo raw ng doktor kay Jovit ay huwag muna itong kumanta habang nagpapagaling. Pero mapagbigay raw talaga si Jovit kaya hindi nito natanggihan ang hiling mga tao na maghandog siya ng awitin.
Kumanta si Jovit ng tatlong signature songs niya, kasama na ang sikat na awiting “Faithfully” ng bandang Journey.
Matapos ang isang oras, habang nakaupo, nag-iba raw ang mukha ni Jovit at tumulo ang laway nito mula sa kanyang bibig.
Isinugod ang singer sa ospital bandang alas diyes ng gabi.
Base sa CT (computerized tomography) scan, may namuo raw dugo sa kanyang utak, sintomas ng aneurysm. Sinalinan daw kaagad ito ng dugo.
Limang araw na-coma si Jovit, hanggang sa pagpanaw nito ngayong araw.
OFFICIAL STATEMENT
Narito ang buong pahayag ng pamilya ni Jovit:
"According to Jovit Baldivino’s parents Mr. Hilario “Larry” and Mrs.Cristeta Baldivino and fiancée Camille Ann Miguel (during our personal visit in the hospital on December 6, 2022) he was recuperating for a week with hypertension maintenance medicines.
"Doctor’s advice not to sing while recuperating. Knowing “Bundoy” (Jovit), he gave in to clamor of the crowd. He sang 3 signature songs including 'Faithfully' by Journey. He was gasping for breath on the 3rd song.
"After an hour while sitting, his face was deformed with flowing salivas. He was then rushed to the nearest ER at Nazareth of Jesus Hospital last December 3, 2022 around 10pm. CTscan showed a blood clot in the brain (sign of aneurysm).
"100cc of blood was suctioned 2:00 AM of December 4, 2022. He was In comatose for 5 days.
"Our dearest Jovit Baldivino joined our Creator 4:00 AM today December 9, 2022. He was 29."
Si Jovit, dating siomai vendor, ang itinanghal na kauna-unahang grand winner ng Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN noong June 13, 2010.
Ang nagpanalo sa kanyang awitin ay ang "Too Much Love Will Kill You" ng Queens.
Read: Former siomai vendor Jovit Baldivino is Pilipinas Got Talent's grand prize winner
