PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marc Pingris on mother-in-law Dina Bonnevie

Marc on Dina: Lahat talagang kakalkalin niya."
by Bernie V. Franco
Published Dec 10, 2022
marc pingris dina bonnevie
Marc Pingris on mother-in-law Dina Bonnevie: "Si Mommy D, parang ano yan, pulis yan, e. Lahat itatanong sa yo, lahat-lahat! ‘Saan ka galing, ganyan, blah-blah,’ lahat."
PHOTO/S: YouTube (GMA News), @dinabonnevie on Instagram

Inamin ni Marc Pingris na mas kinabahan siya sa mother-in-law niyang si Dina Bonnevie kumpara sa father-in-law niyang si Vic Sotto noong umaakyat pa lang siya ng ligaw sa asawa na niya ngayong si Danica Sotto.

Si Marc ay dating PBA player na nagretiro noong May 2021 pagkatapos ng 16 taon.

Si Danica ay ang panganay na anak ng dating mag-asawang Vic at Dina. Kapatid niya ang aktor ding si Oyo Sotto.

Sina Marc at Danica ay ikinasal noong 2007. Ipinagbubuntis ngayon ni Danica ang kanilang pangatlong supling.

Sa YouTube vlog ni Toni Gonzaga noong November 30, 2022, nagkuwento sina Marc at Danica tungkol sa kanilang love story.

Dito nabanggit ni Danica na mas natakot si Marc kay Dina nang makaharap ng dating PBA player ang mga magulang niya sa unang pagkakataon.

Tanong ni Toni kay Marc: “Bakit ka kinabahan kay Ms. D [Dina]?”

Sagot ni Marc, “Siya yung tipong lahat talagang kakalkalin niya sa iyo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Rason naman ni Toni, “E, host kasi yun, e. Host kasi si Ms. D.”

Ang tinutukoy ni Toni ay ang pagiging talk show host noon ni Dina sa programang Ms. D! (1996-1999) sa GMA-7.

Sunud-sunod daw ang tanong noon ni Dina kay Marc.“Ilan kayong magkakapatid? Bunso ka ba? Panganay? Saan ka nag-aaral? Anong trabaho mo? Anong name ng mother mo?"

Pagpapatuloy ni Marc, “Lahat iyon, lahat… ‘Anong name ng sister mo? Brother mo?’ Lahat iyon,” pagbabalik-tanaw ng baskebolista.

Natatawa pang ibinahagi ni Danica na nagdadasal noon si Marc na huwag mag-CR si Danica at maiwan si Marc kasama sina Dina at Vic.

Dugtong ni Marc, “E, yun yung time na [sabi ni Danica], ‘Ma, banyo lang ako.’”

Tuluy-tuloy raw ang pang-uusisang ginawa ni Dina kay Marc habang nasa banyo si Danica.

Naisip daw ni Marc, “Oh my gosh, gusto kong magbanyo,’ gumaganun na rin ako nung time na yun.”

Ang ginawa raw ni Marc ay isa-isang sinagot ang lahat ng tanong ni Dina.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And then, siya yung unang naging ka-close ko talaga sa family,” banggit ni Marc.

marc pingris dina bonnevie

DANICA ON MOMMY DINA

Inamin din ni Danica na masinsinan siyang kinausap ng ina ukol kay Marc noon.

Tanong ni Toni kay Danica: “Anong sabi ng mommy mo after niyang makausap si Marc?”

Sagot ni Danica: “Nung una siyempre, boyfriend-boyfriend pa lang, e, di pa siya takot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero nung parang sumeseryoso na, siyempre, wina-warningan na niya ako, ‘Magkakasundo kayo niyan, kaya? Kasi magkaiba kayo ng background.’

“Tsaka takot din si Mommy nung time na yun.

“Takot din si Mommy noon na, ‘Anong gagawin niya? Paano pag natapos na yung basketball?’

“Siyempre nanay, e. ‘Kaya ka niyang buhayin, ganito, ganyan?’

“Talagang diretso. Naiintindihan ko naman kasi nanay, e, di ba?”

Sa kabila nito, piniling magpakatotoo ni Marc kay Danica at sa mga magulang nito sa kabila ng kanyang simpleng pinagmulan.

MARC’S PREVIOUS INTERVIEW about dina

Samantala, consistent ang mga sinabi ni Marc kay Toni sa naunang interview sa kanya ni Pia Arcangel para sa YouTube channel ng GMA News anchor noong October 26, 2022.

Sabi noon ni Marc ukol kay Dina nang una silang magkaharap: “Si Mommy D, parang ano yan, pulis yan, e.

“Lahat itatanong sa yo, lahat-lahat! ‘Saan ka galing, ganyan, blah-blah,’ lahat.

“Kinabahan nga ako nung nag-CR si Danica, e, ‘O, tagasaan ka? Saan ka nag-aaral? Saan ka ganyan? Blah-blah-blah-blah-blah.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi pa ako sumasagot, may may tanong na.”

Mas pinagpawisan daw siya noon sa pang-uusisa sa kanya ng aktres.

“Si Mommy D dahil siya yung matanong, e. Kasi si Daddy [Vic], pa-relax lang.

“So, pag nakaupo ka doon, ‘Ah, di magtatanong to,’ so relax lang ako.

“Pag si Mommy D talaga, pulis talaga yan. Hindi lang pulis, sundalo talaga,” nangingiting kuwento ni Marc.

Sinabi rin niyang unang mas naging close sila ni Dina kaysa kay Vic.

MARC ON HIS HUMBLE BEGINNINGS

May magandang relasyon daw ngayon si Marc sa pamilya ng misis na si Danica.

Sabi ni Marc kay Pia, “Ako naman, since first day talaga, talagang sinabi ko yung buhay ko sa kanila, especially to Mommy D.

“Talagang hindi ako nagtago, na dito ako lumaki, ito yung trabaho ko, ito yung pamilya ng nanay namin.

“Sinabi ko rin kay Danica yan nung nanliligaw talaga ako, ‘Alam mo, ito lang ako. Laki akong palengke, kargador ako, mommy ko nagtitinda lang kami ng prutas sa palengke, ito ako.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, wala akong maitatago kundi ito yung pagkatao ko sa yo.”

Binanggit ni Marc na maraming nanliligaw noon kay Danica na mula sa mga maimpluwensiyang pamilya.

“Sabi ko, ‘Okay lang kung sino ang piliin mo sa kanila o sa amin. Basta ako, ito. Ako, wala akong itatago sa iyo, ito ako. Basta ang pramis ko lang sa yo, mamahalin kita.’”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marc Pingris on mother-in-law Dina Bonnevie: "Si Mommy D, parang ano yan, pulis yan, e. Lahat itatanong sa yo, lahat-lahat! ‘Saan ka galing, ganyan, blah-blah,’ lahat."
PHOTO/S: YouTube (GMA News), @dinabonnevie on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results