PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Billy Crawford reacts to friend Vhong Navarro’s temporary release

Billy: "Syempre, legal matters na ito, hindi tayo puwedeng makisawsaw lang."
by Bernie V. Franco
Published Dec 10, 2022
Billy Crawford Vhong Navarro
Billy Crawford (left) on Vhong Navarro's temporary release: “Sino ba naman ang hindi matutuwa sa balitang ito?"
PHOTO/S: YouTube (Ogie Diaz Showbiz Update) / Instagram

Sinabi ni Billy Crawford na may recent communication sila ng kaibigang si Vhong Navarro, na pansamantalang nakalaya mula sa pagkakakulong sa Taguig City Jail.

Kababalik lamang ni Billy sa Pilipinas, mula sa France, matapos niyang magkampeon sa Danse avec les stars, ang French edition ng Dancing With The Stars.

At masaya siyang nadatnan na nabigyan ng “temporary liberty” si Vhong mula sa kinahaharap nitong rape case na isinampa ni Deniece Cornejo noong 2014.

Nakalabas si Vhong ng Taguig City Jail noong December 6, 2022 matapos magpiyansa ng isang milyong piso.

Non-bailable ang kasong rape subalit pinayagan ng korte na makapagpiyansa ang actor-host.

Paliwanag ng korte, hindi kinakitaang may "great presumption of great guilt" si Vhong kaya puwede itong pansamantalang makalaya.

Read:

BILLY HAPPY FOR VHONG

Natutuwa si Billy dahil maagang regalo ito para kay Vhong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa magkaibigan, nagkasama rin sina Billy at Vhong sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime, bago lumisan si Billy noong 2018.

“Siyempre naman, sino ba naman ang hindi matutuwa sa balitang ito, especially itong Paskong to dapat magkasama ang mga pamilya, di ba?” bungad ni Billy nang ma-interview ni Mama Loi para sa Ogie Diaz Showbiz Update, nitong December 9, 2022.

Sundot ni Billy, “Actually, nag-text-an na kami ni Kuys [Vhong] and I’m just really happy sa kanya na, at least, makakasama niya yung anak niya, makakasama niya yung asawa niya, at magiging buo yung Pasko nila.”

Umaasa rin si Billy na magtuluy-tuloy ang pag-usad ng kaso ni Vhong sa maayos na paraan.

Saad niya, “Naging malungkot sa buong industriya at sa buong sa Pilipinas, actually, nung naikulong siya.

“Pero at the end of the day, sana ma-resolve nang tama at sana ipagdasal pa rin natin si Vhong kasi medyo mahaba-haba pa rin ang pagdadaanan niya.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pakli ni Billy, “Siyempre, legal matters na ito hindi tayo puwedeng makisawsaw lang.

“So, kung ako lang, natutuwa ako dahil sa kaibigan ko na nakabalik siya sa pamilya niya ngayong Pasko.”

BILLY CLARIFIES MOVING TO FRANCE

Nagbigay rin ng paglilinaw si Billy sa naunang pahayag niya ukol sa posibilidad na mag-home base sila ng kanyang pamilya sa France.

Hindi raw niya isinasara ang posibilidad na ito, pero nakabase ito kung saan may trabahong naghihintay sa kanya.

“If the chance is given para sa aming pamilya, e, bakit hindi pabalik-balik if possible, di ba?” sabi ng singer-host ukol sa pagtira sa Pilipinas at France.

“Pero it really depends on work, it really depends kung ano ba io-offer sa akin, if ever.

“Bahala na lang ang Panginoon. Yun na lang talaga ang kinakapitan naming pamilya. Bahala Siya mag-decide para sa amin.”

Sa ngayon ay balik muna si Billy sa pagho-host ng TV5 noontime show na Tropang LOL.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Billy Crawford (left) on Vhong Navarro's temporary release: “Sino ba naman ang hindi matutuwa sa balitang ito?"
PHOTO/S: YouTube (Ogie Diaz Showbiz Update) / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results