PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angeline Quinto comforts Jovit Baldivino mother at singer's wake

Angeline, Bugoy, Klarisse, Liezel pay last respects to Jovit Baldivino.
by Rose Garcia
Published Dec 14, 2022
Jovit Baldivino wake, Angeline Quinto and Bugoy Drilon
Jovit Baldivino's (left) fellow singers Angeline Quinto and Bugoy Drilon (right) attend last night of his wake in Rosario, Batangas. Seen on the inset photo is Jovit's mother being consoled by Angeline. The Pilipinas Got Talent Season 1 champ's remains were interred earlier today, December 14, 2022.
PHOTO/S: Courtesy of Jerry Telan via Rose Garcia

Bumisita ang mga kasamahang singers ni Jovit Baldivino sa huling gabi ng burol para sa pumanaw na singer.

Dumayo pa ang mga ito sa bahay ni Jovit sa Rosario, Batangas, Martes ng gabi, December 13, 2022.

Ilan sa nagbigay ng kanilang huling respeto kay Jovit ay sina Angeline Quinto, Bugoy Drilon, at Qeency Villanueva ng Daughters 5.

Angeline Quinto and Bugoy Drilon at Jovit Baldivino's wake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakilamay rin ang singers na sina Klarisse de Guzman at Liezel Garcia.

Klarisse de Guzman, Liezel Garcia, and Jerry Telan at Jovit Baldivino's wake

Naroon din ang nakasabayan ni Jovit sa Pilipinas Got Talent Season 1 (2010) na sina Alakim (Allan de Paz), Ruther Urquia, at Velasco Brothers.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Pilipinas Got Talent Season 2 winner na si Marcelito Pomoy ay nauna nang dumalaw.

Read: Marcelito Pomoy deeply mourns the loss of "parekoy" Jovit Baldivino

Pilipinas Got Talent Season 1 Grand Finalist 
Alakim (Allan de Paz), Ruther Urquia, and Velasco Brothers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Miyerkules, December 14, 2022, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Jovit na si Jerry Telan. Nasa daan si Jerry patungong sementeryo nang mga oras na iyon.

Saksi si Jerry at kasamahan na Elena dela Vega sa dami ng mga nakilamay sa huling gabi ng burol na ginanap sa tahanan ni Jovit sa Batangas.

May sampung local bands daw sa Batangas ang nag-perform bilang tribute sa pumanaw na singer.

Ilan sa mga sikat na kanta ni Jovit ang pinerform din ng mga banda kaya nagmistulang may pa-concert.

Mahigit sa libo raw ang tantiya nilang pumunta roon.

Ayon kay Jerry, “Mula kagabi, sobrang daming tao. Yung pila, umabot na hanggang sa Health Center.

"Ngayon din, sa homily ni Father, sinabi niya na yung buhay ni Jovit, naging isang magandang inspirasyon talaga sa lahat, lalo na sa mga taga-Batangas."

Dugtong ni Elena, "Nakakatuwa yung nangyari. Yung mga tao, may mga umiiyak. Hindi nauubos ang tao nung last night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung parents niya, okay naman, kalmado naman. Gayundin ang partner niya."

INTERMENT FOR JOVIT

Ngayong araw na ito, December 14, inihatid na sa kanyang huling hantungan ang kauna-unahang Pilipinas Got Talent grand champion na si Jovit.

Nagkaroon muna ng misa at ilang pag-alaala sa kanyang buhay at kontribusyon, lalo na sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at kababayan sa simbahan ng Most Holy Rosary Parish Church, Rosario, Batangas.

Jovit Baldivino interment in Batangas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naganap iyon bandang 11:00 a.m., at saka dinala ang mga labi ni Jovit sa Parish View Memorial Garden sa Padre Garcia, Rosario, Batangas.

Jovit Baldivino interment in Batangas

Nagbigay rin daw ng rekognisyon si Rosario Mayor Leovigildo K. Morpe kay Jovit. Nagpasalamat ang alkalde sa aniya'y malaking naiambag ng singer sa kanilang bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JOVIT'S MANAGER ON SINGER'S GENEROSITY

Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph kay Jerry, tinanong namin kung ano ang pinaka mami-miss niya ngayong wala na ang alaga.

Noon lamang daw December 2021 ay nasa Canada sila para sa series of shows.

“Alam mo, bilang manager, napaka-generous niya sa akin, sa amin.

"Hindi ko makakalimutan yung kung may show kami abroad, minsan may mga natutuwa sa kanyang mga kababayan, nagti-tip… Sa amin pa niya iyon ibibigay," balik-tanaw ni Jerry.

Generous din daw ito sa pagbigay-saya sa tao, ayon kay Jerry.

"Si Jovit kasi, sabihin mo na kulang sa height o sa looks, pero may charm siya.

"Yun talaga na hanggang sa ibang bansa, grabe yung makikita mong charm and camaraderie na meron siya.

"Kasi siya, para siyang walking videoke. Sabihin mo sa kanyang kanta ka naman ng ganitong kanta… kakantahin niya. Kaya tuwang-tuwa sa kanya ang mga tao."

JOVIT'S SUDDEN DEATH

Madaling-araw ng December 9, 2022, nang pumanaw si Jovit dahil sa aneurysm o pagkakaroon ng blood clot sa utak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya ay 29.

Kinumpirma ng pamilya ni Jovit na limang araw na-comatose ang singer sa Intensive Care Unit ng Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City bago ito bawian ng buhay.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jovit Baldivino's (left) fellow singers Angeline Quinto and Bugoy Drilon (right) attend last night of his wake in Rosario, Batangas. Seen on the inset photo is Jovit's mother being consoled by Angeline. The Pilipinas Got Talent Season 1 champ's remains were interred earlier today, December 14, 2022.
PHOTO/S: Courtesy of Jerry Telan via Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results