Patuloy na nagdadalamhati si Marcelito Pomoy sa pagpanaw ng kanyang kaibigang si Jovit Baldivino.
Sa Instagram post niya nitong Linggo, December 11, 2022, hindi naitago ni Marcelito ang lungkot at pangungulila sa pagkawala ng matalik na kaibigan.
"Sobrang sakit Parekoy! [cry emoji]," mensahe ng Pilipinas Got Talent Season 2 winner sa kanyang post, kalakip ang litratong nakabantay siya sa kabaong ni Jovit.
Madaling-araw ng December 9, 2022, nang bawian ng buhay si Jovit dahil sa aneurysm o pagkakaroon ng blood clot sa utak.
Siya ay 29.
Read: Singer Jovit Baldivino dies at 29
Kinumpirma ng pamilya ni Jovit sa publiko na sumakabilang-buhay na ang kauna-unahang Pilipinas Got Talent winner, limang araw matapos nitong ma-comatose sa Intensive Care Unit ng Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City.
Read: Jovit Baldivino’s family confirms singer was in coma five days before his death
Si Marcelito rin ang isa sa mga kauna-unahang celebrity na umalala sa kabutihan ni Jovit bilang isang kaibigan.
Sa kanyang Facebook post noong araw na pumanaw si Jovit, inalala ni Marcelito ang mga sandaling magkausap sila ng kapwa singer.
Mababasa sa kanyang post (published as is), "Parekoy…. 3:33AM this morning pinipilit ka pa naming kausapin at gisingin baka magmilagro pa… sobrang sakit mawalan ng isang kaibigan.. ikaw yong taong unang sumuporta sa laban ko sa PGT.. pahinga ka na… no more pain parekoy… isa kang tunay na kaibigan… hinding hindi kita malilimutan…
“From the day na tinakbo ka sa ICU… pinuntahan agad kita.. talked to the family if we can raise funds for you.. if we can do concert for a cause for you but its too late now… contacted all the generous and people with a big heart all over the world to help you parekoy… thank you so so much to all those who helped Jovit… thank you for being with us during Jovit’s fight…”
Read: Showbiz personalities, nagluluksa sa pagpanaw ni Jovit Baldivino
Nakatakdang ihatid sa huling hantungan si Jovit sa Miyerkules, December 14, 2022.
Read: Girlfriend ni Jovit Baldivino, lubos na nagdadalamhati sa pagpanaw ng singer
