Nadisgrasya ang minamanehong sasakyan ng Cebuana beauty queen na si Lou Dominique Piczon bandang alas kuwatro ng madaling-araw ngayong Biyernes, December 16, 2022.
Ayon sa ulat ng local daily ng Cebu na The Freeman, nangyari ang insidente sa may N. Bacalso Street, Barangay Sambag 1, Cebu City.
Naisugod daw kaagad ang beauty queen sa malapit na ospital.
Dagdag na ulat ng mga imbestigador sa insidente, nagda-drive mag-isa si Lou pa-southbound nang bumangga ang minamaneho nitong kotse sa center island ng kalsada.
Samantala, ayon sa update ng isa niyang kaibigan, nakalabas na ng emergency room si Lou.
Wala raw itong tinamong sugat sa aksidente. Kaunting chest pain lamang daw ang nararamdaman nito dahil sa impact ng airbag ng kotse.
Buong post ni Danny Booc: "For everyone's concern regarding Lou Dominique Piczon situation.
"She's already discharged from the ER and on her way home as of this moment.
"I would like to inform that, she's all good & just slight chest pain from the airbag impact.
"Thank you for all your love & concern to Lou and let's continue praying for her."
Si Lou ang representative ng Cebu Province sa Miss Universe Philippines 2022 noong April.
Nakapasok si Lou sa Top 16 at Top 10 ngunit hindi siya pinalad pang umabot sa Top 5.
Si Celeste Cortesi ng Pasay City ang nagwaging Miss Universe Philippines 2022.
Read: Pasay City's Celeste Cortesi is Miss Universe Philippines 2022
