Matagal-tagal na ring tahimik ang love life ng aktres na si Shaina Magdayao, 33.
Ilang beses na raw niyang sinabi sa sarili na handa na siyang umibig muli ngunit palagi itong nauudlot.
Anong edad niya nakikita ang sariling magsi-settle down with "the one"?
Pahayag ng Kapamilya actress, “Ang tagal ko na gusto, before sana mag-thirty, e. Pero nga like what I said, lahat ng plano ko, hindi siya natutuloy.
“I guess marami pa akong unfinished tasks.
"But I actually thought na paglabas ko ng Ang Probinsyano, I would have the time, and sabi ko, ‘A, okay, medyo ready na ako,’ kaya lang ito ang nangyayari.
“So, hindi naman siya naka-pause, it's just that siguro may mga kailangan lang akong gawin, but we’ll get there.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Shaina sa isang virtual mediacon ngayong Biyernes, December 16, 2022.
Wala pa rin daw siyang dini-date na guy sa ngayon.
Saad ni Shaina, “When I was younger, sabi ko, ayokong magkaroon ng distraction.
"But I guess, if it’s the right person, that person wouldn’t be a distraction but an inspiration, di ba? For me to become a better person, sa lahat ng bagay, sa lahat ng aspects sa buhay mo.
“So, wala… malalaman niyo rin naman. I have nothing to hide, and lahat ng nangyayari sa buhay ko naman nalalaman niyo naman.
“So time will come, sasabihin ko rin sa inyo, makukuwento ko rin sa inyo. But right now, wala pang certain person, like na iisang tao, wala, wala pa.”
Ang huling napabalitang spotted kasama ni Shaina sa Bohol ay si Piolo Pascual noon pang October 2021.
Read: Piolo Pascual on Bohol pics with Shaina Magdayao: “What you see is what you get.”
SHAINA MAGDAYAO: HAPPY TO HELP OUR KABABAYANS
Masayang-masaya naman si Shaina na marami ang natutulungang kababayan natin ng kanyang local lifestyle brand na Organized Chicas.
Sabi niya, “It’s our advocacy to support local, I’ve been supporting local, you know. This is our own little way of somehow helping our kababayans especially during the pandemic.
"Pandemic kasi kami nagsimula. This business started during the pandemic. This is a proudly women-led brand, I put this up with my childhood friend, who is a professional make-up artist.
“And ang nangyari nun, during the pandemic, nawala yung wedding industry.”
Kaya doon na raw nila sinimulang itayo ang mumunti nilang raket.
Aniya, “We started with the bags. And when we started with the bags and our bags are made in Bulacan. Nakapagbigay tayo somehow ng mga trabaho sa mga taga-Bulacan.
View this post on Instagram
“I did not expect na lalaki agad yung brand and mag-e-expand agad yung brand.
“From the bags, nagkaroon kami ng clothes and yung clothes namin are made in Pampanga.
View this post on Instagram
“And kasabay nung clothes ay naglabas din kami ng footwear kasi naghahanap din sila ng sapatos. So yung sapatos namin are proudly made in Marikina.”
View this post on Instagram
Hindi raw nila akalain ng kanyang business partner na ang kanilang pandemic business ay lumaki at isa na nga itong brand ngayon na in-demand lalo na sa mga nais magregalo ng local products.
Sa February 2023 ay magdiriwang ng kanilang ikalawang anibersaryo ang Organized Chicas.
READ MORE:
