PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jeric Gonzales to be part of GMA-7 "mega-serye" after Start-Up PH

Jeric shares unforgettable lessons he learned from Start-Up PH
by Rommel Gonzales
Published Dec 17, 2022
Jeric Garcia as viral TikTok dancing bear mascot Sam Cairo.
Jeric Gonzales is happy with all the blessings that have been coming his way. After starring in Start-Up PH, he is set to be a part of the GMA-7 "mega-serye" Urduja Jewels. Tonight, he will play the life of viral TikTok star Sam Cairo in Magpakailanman.
PHOTO/S: #MPK PR photo

Sa December 23, 2022, Biyernes, ang finale episode ng Start-Up PH, kaya tinanong namin si Jeric Gonzales kung ano ang nararamdaman niya ukol dito.

“Masayang-masaya siyempre. Kasi grabe yung mga nakasama ko dito, si Alden, si Bea, si Yasmien," simula ni Jeric at banggit pa niya sa co-stars na sina Alden Richards, Bea Alonzo, at Yasmien Kurdi.

"To be a part of this show, parang sobra-sobrang blessing yung dumating sa akin this year, kasi it’s global hit…

"This franchise na kinuha ng GMA, a Korean adaptation na ginawang Philippine adaptation, masuwerteng-masuwerte ako na mapasama dito.”

September 26 ng taong ito umere ang Filipino adaptation ng 2020 South Korean hit drama series na Start-Up. Orihinal na pinagbidahan ito ng South Korean actors na sina Bae Suzy, Nam Joo-Hyuk, Kim Seon-ho, at Kang Han-na.

Ang character ni Nam Joo-Hyuk na si Nam Do-san ang Korean counterpart ng character ni Jeric na si Davidson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang pinaka-hindi malilimutang eksena ni Jeric sa kanilang serye?

“Hindi ko makakalimutang eksena… siguro merong kanya-kanya., e. Kasi bawat aktor meron akong mga significant na scenes, e.

“Siguro ano na lang… pinaka-hindi ko makakalimutan, sa family ko, sa parents ko, kay Kuya Onin 'tsaka kay Ms. Lovely.”

Sina Niño Muhlach at Lovely Rivero ang gumanap na mga magulang ni Jeric sa Start-Up PH.

“Kasi ang ganda nung eksena na umamin na siya na hindi talaga siya magaling, parang ganun, yung pagka-impostor syndrome niya, inamin na niya sa magulang niya.

“All the while akala ng magulang niya CEO siya, parang siya yung CEO ng kumpanya niya. So, yun, memorable yun," lahad ni Jeric.

Ano ang lessons na natutunan ni Jeric sa pagkakasama niya sa cast ng Start-Up PH?

“Lessons… siguro magpakatotoo ka dun sa nararamdaman mo," sagot muna ng 30-year-old Kapuso actor.

"Yung si Davidson, tinuturuan siya ng magulang niya para… well, yung gawin kung ano yung gusto ng mga magulang niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Na siguro dapat sundin kung ano yung nasa puso niya, sundin niya yung mga pangarap niya.”

jeric's upcoming projects

May susunod na proyekto kaagad sa GMA-7 si Jeric.

“Eto na nga, suwerte, sobrang suwerte ko at blessed, kasi after Start Up-PH makakasama po ako sa upcoming series nila Kylie Padilla, si Sanya [Lopez], si Gabbi [Garcia], 'tsaka si Michelle Dee, si Arra [San Agustin], marami po kami dun, si Vin [Abrenica], and si Kristoffer Martin.

Ang tinutukoy ni Jeric ay ang Urduja Jewels na isang “mega-serye” ng GMA na punumpuno ng aksyon at fight scenes.

“Yes po, kaya nagpe-prepare na ako ngayon.”

Tinanong naman namin si Jeric kung ano ang pinakamagandang nangyari sa kanya sa taong 2022.

“Pinakamagandang nangyari..? Ang dami!

“Ang dami kong dapat ipagpasalamat, e. Kasi yung sa career ko, yung Start-Up PH, yung Broken Blooms, pero most especially yung ano natin, yung peace natin ngayon sa COVID, sa pandemic, kasi bumabalik na lahat sa normal, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So ang sayang makita ng mga tao, na eto lumalabas na, nagda-dine-in sa resto and then yung cinema natin bukas na uli, kaya…”

Palabas na sa mga sinehan ang Broken Blooms kung saan maraming beses na nanalong Best Actor si Jeric sa iba’t ibang film festivals abroad.

“So eto, sana magtuluy-tuloy na, maging… bumalik na tayo sa normal talaga,” ang nakangiting sinabi pa ng Sparkle actor.

Samantala ngayong Sabado ng gabi, December 17, 8:15 p.m. ay pagbibidahan ni Jeric ang episode ng Magpakailanman o #MPK na pinamagatang "I Bear For You: The Sam Cairo Story." Gagampanan ni Jeric ang title role bilang Sam.

Jeric Gonzales with TikTok celebrity dancing bear mascot Sam Cairo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makasama niya sina Jackielou Blanco (co-star din ni Jeric sa Start-Up PH) bilang Leonida, Therese Malvar (leading lady naman ni Jeric sa Broken Blooms) bilang Julie, Gardo Versoza bilang Miguel, at Angela Alarcon bilang Jen.

Sa direksyon ni Jojo Nadela na unang beses na magdirek ng isang #MPK episode.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Gonzales is happy with all the blessings that have been coming his way. After starring in Start-Up PH, he is set to be a part of the GMA-7 "mega-serye" Urduja Jewels. Tonight, he will play the life of viral TikTok star Sam Cairo in Magpakailanman.
PHOTO/S: #MPK PR photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results