PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrew Schimmer last moments with Jho Rovero

Andrew: "They did everything they could. Masakit lang."
by Arniel C. Serato
Published Dec 20, 2022
Andrew Schimmer last moment with partner Jho Rovero
Actor Andrew Schimmer announces the death of his partner, Jho Rovero, today, December 20, 2022.
PHOTO/S: Courtesy: John Andrew Schimmer on Facebook

Madamdaming ibinalita ni Andrew Schimmer sa kanyang followers sa Facebook ang pagpanaw ng partner na si Jho Rovero ngayong hapon ng Martes, December 20, 2022.

Read: Andrew Schimmer’s partner Jho Rovero dies

Ayon sa aktor, nasa GMA compound siya nang tinawagan siya ng doktor ni Jho dahil bigla na lamang daw itong nawalan ng pulso.

Panimula niya, “Ibabalita ko sa inyo ang pinakamalungkot tsaka pinaka-worst na balitang puwede niyong marinig.

“Kanina, habang nasa GMA ako, para sa taping supposedly ng Family Feud, tinawagan ako ng mga doctors niya dito sa St. Luke's na biglang nawala ang kanyang BP [blood pressure] and everything.

“Nawala lahat, pati yung oxygen saturation niya. So, kaya naman nagpaalam ako sa GMA.

"I want to apologize to the whole management of Family Feud, pasensiya na at hindi ko talaga natuloy yung kanina dahil kinakailangan ko pong tumakbo dito agad-agad sa St. Luke’s, dahil nga po nag-desat [desaturation] ang aking asawa kanina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nag-desat ang kanyang oxygen saturation and blood pressure and heart rate, so dali-dali naman tayong dumating dito.”

Naabutan pa raw ni Andrew na nire-revive ng mga doktor si Jho sa ospital. Ginawa raw ng mga ito ang lahat upang mailigtas si Jho.

“Inabutan natin siyang actually nire-revive ng ating mga doctors and nurses. They did everything they could. Masakit lang.

“Gusto ko lang ibalita sa inyo, so yun lang."

Kasunod nito ay nagpasalamat si Andrew sa lahat ng mga taong nagdasal at tumulong sa kanila.

Aniya, "Guys, maraming, maraming, maraming, maraming salamat sa mga nagdasal, sa mga taong hindi po nang-iwan sa amin, thank you. Thank you.”

Doble dagok raw ang pangyayaring ito kay Andrew at sa kanyang pamilya dahil kaarawan ngayon ng bunso nila. Kaso, hindi na raw nito naabutan na buhay ang ina sa ospital.

Aniya, “Ang sakit lang kasi birthday ng bunso namin mamaya, di siya inabutan ng bunso namin. So, we still keep you posted.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa bandang huli ng video, ipinakita pa ni Andrew ang wala nang buhay na si Jho sa hospital bed nito.

Paglalarawan ni Andrew, “Ito siya ngayon. Wala nang buhay yung kamay niya... Masakit.

"So, ipakita ko siya sa inyo one last time. Ito yung ating sleeping beauty, iniwan na tayo, mga kapatid."

Mensahe naman niya sa pumanaw na si Jho: “'Mommy, Mommy, mahal na mahal ka namin, love ko.

"Para sa mga followers mo, para sa mga nagdadasal sa ’yo nang paulit-ulit, hindi sila tumigil, Mommy. Mommy. Mommy...”

Nangako rin si Andrew na gagawa siya ng paraan upang masilayan ng kanilang mga tagasunod sa Facebook ang mga labi ni Jho.

Aniya, “So, for the meantime, yun lang po muna. Huwag kayo mag-alala mga kapatid, lahat kayo bibigyan ko ng pagkakataong makita siya.

“You deserve to see her...”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

November 2021 mula nang maratay sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig City si Jho.

Read: Andrew Schimmer seeks financial help for wife's hospital bills

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Andrew Schimmer announces the death of his partner, Jho Rovero, today, December 20, 2022.
PHOTO/S: Courtesy: John Andrew Schimmer on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results