Kay Maureen Wroblewitz na mismo nanggaling na mayron na siyang special someone ngayon, ilang buwan matapos silang maghiwalay ng dating nobyong si JK Labajo.
Sa kanyang TikTok account kagabi, December 20, 2022, naglabas ng isang short clip si Maureen gamit ang “Cards Against Humanity” filter.
Nakalagay ritong magkakaroon siya ng maraming lalake pagdating ng taong 2023.
Buong nakalagay sa filter: “More of this in 2023.” Tapos nag-flip ito at may nakasulat na “Men.”
Pero bawi niya sa caption: “i’m just kidding lol i already have someone [eyes emojis]
@mwrob i’m just kidding lol i already have someone ????????
? Mahnoor - mk
Sa comments section, may isang netizen ang nagkomentong ipakita na niya ang nasabing “someone.”
Tugon ni Maureen: “When the time is right.”

Ang “someone” kayang tinutukoy ni Maureen ay ang guwapong lalakeng kasama niya sa Siargao noong November 2022?
Matatandaang sa kanyang Instagram Story noong araw na iyon, ipinakita ni Maureen na may kayakap siyang lalake habang nasa duyan sa dalampasigan sa Siargao.
Pareho silang nakatalikod kaya hindi kita ang kanilang mga mukha.
May saliw itong kanta na ang lyrics ay ganito: “Mmm, so this is love, mmm, so this is love…”
Kasunod nito ay nag-post din si Maureen ng video habang nagpapa-acupuncture katabi ang isang guwapong lalake.
Hinihinalang ang lalakeng katabi ni Maureen ang siya ring kasama niya sa duyan.
Kasunod nito ang cryptic post ni JK sa kanyang Instagram. Hinala ng netizens, tugon ito ng singer sa post ng ex-girlfriend.
Read: JK Labajo posts cryptic message after ex-girlfriend Maureen Wroblewitz flexes new boyfriend
June 10, 2022, tinuldukan nina JK at Maureen ang kanilang relasyon.
Base sa kani-kanilang mensahe sa Instagram noon, mukhang maayos ang kanilang naging hiwalayan ngunit hindi nila idinetalye kung ano ang dahilan.
Ayon sa dalawa, para ito sa kanilang "personal growth" dahil mga bata pa sila. Si JK ay 21 lamang at si Maureen ay 24.
