PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jake Cuenca on daring love scenes with Sean de Guzman

Jake Cuenca: "Fearless ko siya na nagawa ngayon..."
by Melba R. Llanera
Published Dec 22, 2022
Jake Cuenca and Sean de Guzman on My Father, Myself
Jake Cuenca on love scenes with Sean de Guzman: "Sabi ko nga, kasi nagawa ko na noon, fearless ko siya na nagawa ngayon. Parang habang nasa eksena nakakapaglaro pa ako kasi di na ako takot sa unknown, e, nagawa ko na."
PHOTO/S: Sany Chua / Screengrab from My Father, Myself

Takaw-pansin ang matatapang na love scenes nila Jake Cuenca at Sean de Guzman sa Metro Manila Film Festival entry na My Father, Myself.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ikinuwento ni Jake na malaking tulong ang gay roles na ginampanan niya noon.

Ang batikang direktor na si Joel Lamangan ang nasa likod ng MMFF entry na pinagbibidahan niya.

"Kay Direk Joel walang take one-take one, so maraming mga multiple set-ups, multiple takes.

"Sabi ko nga, kasi nagawa ko na noon, fearless ko siya na nagawa ngayon. Parang habang nasa eksena nakakapaglaro pa ako kasi di na ako takot sa unknown, e, nagawa ko na.

"Kita ninyo kanina nadadagdagan ko na yung mga nuances of units kada may kissing scene man o love scene kasi nga kumportable na ako sa sitwasyon na yun, di na siya foreign or unknown for me.

"Na-enjoy ko kasi habang nga na pinapanood ko, at least, nakakapaglaro ako while it's happening."

jake cuenca sean de guzman kissing scene

Nakapanayam ng PEP.ph si Jake sa premiere night ng My Father, Myself noong December 16, 2022.

Nagbigay-pugay si Jake sa co-star na si Sean, na gumanap na adopted son niya sa pelikula.

Sa kuwento, gay man ang karakter ni Jake, pero nagdesisyong bumuo ng sariling pamilya.

Pero mahuhulog ang loob niya sa adopted son, na anak ng gay lover niya noon.

Sa parte ni Jake, naniniwala siyang nabigyan nila ni Sean ng hustisya ang mabigat na roles nila.

"Nakaka-proud si Sean, ka-text ko siya the whole time, sabi ko talaga sa kanya, 'We can be proud of this film.'

"Nakaka-proud kasi ang brave nung film. Kahit sabihin mong R-18 yung pelikula namin para magustuhan ng tao ng ganun, ibig sabihin maganda yung film.

"Yun lang talagang thank you, talagang nakakataba ng puso. Worth all the hard work, it's all worth it."

Marami ang nagsasabi na dahil sa husay na pinakita ni Jake sa My Father, My Self ay malaki ang tsansa na manalo ito bilang Best Actor sa 2022 MMFF Awards Night.

Di naman tinatago ng aktor na matagal na niya itong pangarap.

"I'm praying... Inaamin ko naman na inaasam ko yan, inaasam ko siya, pero so many times it comes so close pero di nangyari.

"No expectations. Sinabi ko sa sarili ko one thing at a time ang i-enjoy-in ko. Parang tonight, victory na ito for me.

"Tapos nung press conference, nung pinupuri ako ng mga tao na 'best actor,' victory na sa akin yun.

"Today nung papalabas ako ng cinema tapos nagsisigawan ang mga tao ng 'best actor,' nakakataba ng puso, nakaka-overwhelm.

"Parang one thing at a time naa-appreciate ko siya. Thank you lang sa mga tao na pumunta today. Thank you sa lahat ng press, sa lahat ng friends, and family, sa lahat ng mga aspiring actors, sa lahat ng mga batang artista na nanood today.

"Nakakatuwa kasi gusto ko lang naman makapag-inspire ng ibang mga artista, maging aktor."

JAKE CUENCA ON OWNING HIS CHARACTER

Isa sa eksena na lumutang ang husay nila Dimples Romana at Jake ay ang confrontation scene nilang mag-asawa kung saan nasampal ni Dimples si Jake.

Dumugo ang bibig ni Jake, pero tuluy-tuloy lang ang eksena at kitang-kita ang dugo sa bibig ng aktor habang nagda-dialogue.

"Totoo yun, tinuloy ni Direk [Joel Lamangan] yung eksena, tuluy-tuloy lang. Alam mo naman tayo, di tayo nagka-cut hanggang sa di nagpuputol ang direktor, tuloy lang yung eksena."

Kapansin-pansin din na binago ni Jake ang tono ng kaniyang boses sa pelikula.

Paliwanag naman ng aktor, binigay niya ito kanyang role.

"Actually, I changed it for the role, pinatanda ko para obvious na father and son kami ni Sean.

"May kaunting effort para mas maging matanda ako as Dad. Ch-in-ange ko ng kaunti yung accent kung paano ako mag-lines, yung delivery, tapos kaunting change sa voice..."

May peg ba siya sa pelikula?

"Actually, I was doing a play kasi before this. So tumayming talaga ng natapos yung play sa Taong Bayan, sa Inner Cafe, tumawag si Direk Joel.

"Yung preparation ko for the movie was the play, ang ginawa ko ang lahat ng ginawa ko sa play sa movie, dinown screen ko lang siya kaya ganun din yung delivery, parang very Repertory [theater] yung dating."

Pati kilos ng role ni Jake sa My Father, Myself ay inaral niya para maiba sa karakter niya sa ongoing Kapamilya series na Iron Heart, at pati sa mga karakter niya sa upcoming Kapamilya series na Cattleya Killer, Viu series na K-Love, at defunct Kapamilya series na Viral Scandal.

Bukod sa pagbabago ng boses, nagpapayat din si Jake para sa pelikula.

"Ayoko rin kasi siyempre maraming skin ang ipapakita. I don't wanna take away from the acting, ayoko nang madyadong hunk na hunk ang dating.

"I want to be lean, yung seseryosohin mo siya as a father, as a lawyer, parang ganun."

ON PRAISES FROM DIREK JOEL LAMANGAN

Absent si Direk Joel Lamangan sa premiere night ng My Father, My Self dahil sumailaim ito sa triple bypass operation kamakailan.

"Sabi ko nga sana nandito si Direk Joel, he will be very, very proud.

"Nung dubbing palang sinabi na niya sa akin na maganda yung movie, sinabi niya sa akin na, 'Congratulations.' Parang sinabi niya sa akin, 'You've become a fine actor.'

"Dun pa lang sa sinabi ni Direk Joel, yun parang kinikilig na ako, natutuwa na ako, at yun ang nagbibigay sa akin ng confidence na matino ang trabaho ko dito. I did it well at natuwa si Direk Joel."

Sensitibo at masalimuot ang tema ng My Father, My Self na tumatalakay ng temang LGBT (lesbian, gay, bisexual transgender) at kung paano ito nagdulot ng conflict sa pamilya dala ng sanga-sangang sirkumstansya.

Ayon kay Jake, "It happens yung ganitong mga pangyayari. And for me as an actor, ganito rin yung genre na gusto kong ginagawa.

"Siyempre hinahanap ko rin yung ganitong role na nakaka-challenge. I want something that I get out of bed five o' clock in the morning reading the scripts.

"Ito yung type ng movie na ganung klase ng challenge na kinakabahan ako papunta sa set, talagang naramdaman ko.

"And even nung pinapanood ng mga tao yung movie, I was so nervous. Di ko alam kung ano ang mararamdaman ng mga tao."

Ibinuhos daw niya ang sarili sa role na ito.

Kuwento pa ni Jake: "Kaninang umaga, nandun ako sa upuan ko, niyakap ako ni Dimps [Dimples Romana], niyakap ako ng producers.

"Yung last scene very personal sa akin, very, very personal, galing talaga sa puso ko yun.

"Saka pag nakikita ko, naaalala ko yung mga moments ng preparations for the scene, naaalala ko yung mga moments bago ko gawin yung eksena.

"Kanina nung nakita ko, lumabas ako ng kotse papunta dun, humahagulgol na ako kanina kasi nga it's a very, very personal scene for me."

ON MY FATHER, MYSELF'S R-18 RATING

Dahil R-18 ang ratings na binigay ng MTRCB sa pelikula ay di ito mapapanood sa mga SM theaters, na pinakapuntahang mall sa buong Metro Manila.

Aminado si Jake na Ikinalungkot niya ito.

Pero diin niya, "Natutuwa din ako kasi we're living in a time na na may buhay pa sa streaming platform, may buhay pa siya afterwards.

"So I'm just hoping na suportahan niyo yung movie kasi, siyempre pag naging successful ito, mas gagawa pa tayo ng mas maraming ganitong movies.

"I feel na di dapat tayo maging tahimik sa art. Dapat pagdating sa art we should explore, experiement, and challenge yourself. This is one of those films."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Cuenca on love scenes with Sean de Guzman: "Sabi ko nga, kasi nagawa ko na noon, fearless ko siya na nagawa ngayon. Parang habang nasa eksena nakakapaglaro pa ako kasi di na ako takot sa unknown, e, nagawa ko na."
PHOTO/S: Sany Chua / Screengrab from My Father, Myself
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results