PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vhong Navarro Christmas with family after release from detention

Vhong Navarro: "Thank you, Jesus! Happy Birthday!"
by Jojo Gabinete
Published Dec 25, 2022
Vhong Navarro spends Christmas with family weeks after getting out of Taguig City Jail.
Vhong Navarro on celebrating Christmas with his family after his ordeal at NBI detention facility and Taguig City Jail: "Blessed Christmas sa ating lahat!?????? Pinakamasayang Pasko kasama ang aking pamilya at mga kaibigan." He is seen with his wife Tanya Bautista and his sons Frederick and Yce Navarro. Frederick is his son with an ex-girlfriend, while Yce is his son with ex-wife Bianca Lapus.
PHOTO/S: Vhong Navarro Facebook

Winakasan ni Vhong Navarro ang tatlong buwan na social media hiatus sa pamamagitan ng pasasalamat sa Panginoong Diyos.

Ipinaabot ni Vhong sa lahat ang lubos at taos-pusong pasasalamat ngayong Pasko, December 25, 2022, ang araw ng kapanganakan ni Hesus Kristo.

Itinuturing ni Vhong na ang Pasko ng 2022 ang pinakamasaya para sa kanya dahil nakapiling niya ang mga mahal sa buhay.

Nagbigay din siya ng mensahe sa lahat ng mga nagbigay sa kanya ng hindi matatawarang suporta sa panahong hindi siya nakatitiyak sa kahihinatnan ng buhay at kapalaran niya.

"Napakarami kong pinagpapasalamat. Thank you, Jesus! Happy Birthday!

"Sa lahat ng nag dasal at umalalay sa akin, maraming maraming salamat. God bless!

"Blessed Christmas sa ating lahat! Pinakamasayang Pasko kasama ang aking pamilya at mga kaibigan."

Ibinahagi ito ni Vhong sa Facebook at Instagram nitong Linggo ng madaling-araw, ilang oras matapos ang Noche Buena na pinagsaluhan nila ng kanyang pamilya.

VHONG NAVARRO'S DETENTION

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang mental, emosyonal, at pisikal na kalbaryo na naranasan ni Vhong mula nang makulong ito sa NBI Facility sa Maynila noong September 19, 2022 hanggang ilipat siya sa Taguig City Jail noong November 21, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaugnay ito ng utos ng Court of Appeals, na may petsang July 2022, na sampahan siya ng kasong rape na inireklamo ni Deniece Cornejo laban sa kanya noong January 2014.

Noong December 5, 2022, nagdesisyon si Presiding Judge Loralie Cruz-Datahan ng Branch 69 ng Taguig Ragional Trial Court na pagkalooban si Vhong ng pansamantalang kalayaan, kapalit ang piyansa na isang milyong piso habang dinidinig ng korte ang kaso.

Lumabas si Vhong mula sa Taguig City Jail noong December 6, 2022 pero hindi siya nagbigay ng anumang panayam sa media, hanggang sa ngayon ngang Pasko ay binasag niya ang ilang linggong pananahimik ukol dito.

Sa comments section ng post niya sa Instagram, agad siyang binati ng Merry Christmas ng ilang mga kaibigan at katrabaho tulad ni Kim Atienza, Amy Perez, Jugs Jugueta, Randy Santiago, Nikki Valdez, at Ria Atayde.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vhong Navarro on celebrating Christmas with his family after his ordeal at NBI detention facility and Taguig City Jail: "Blessed Christmas sa ating lahat!?????? Pinakamasayang Pasko kasama ang aking pamilya at mga kaibigan." He is seen with his wife Tanya Bautista and his sons Frederick and Yce Navarro. Frederick is his son with an ex-girlfriend, while Yce is his son with ex-wife Bianca Lapus.
PHOTO/S: Vhong Navarro Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results