Sa Paris, France nagdiwang ng Pasko ang Kapuso actress na si Heart Evangelista, 37.
Ito ay sa gitna ng patuloy na espekulasyon sa estado ng relasyon nila ng mister na si Senator Chiz Escudero, 53. Hindi malinaw kung magkasama sila sa Paris ngayon.
Tikom-bibig man sa isyu, hindi naman binigo ni Heart ang masugid na tagasubaybay sa pagbibigay ng update ng kanyang Parisian experience.
Noong araw ng Pasko, December 25, 2022, nag-post si Heart ng Christmas tree at litrato ng paa niya sa tabi ng kanyang Louboutin heels at pair of shoes ng kasama niya ng mga oras na iyon.
May caption iyon na "Christmas dinner" at shoutout sa luxury shoes brand.
Sa hiwalay na Instagram Stories niya, makikitang may mga kaibigan si Heart na kasamang nag-celebrate ng Pasko.
Hindi niya pinangalanan ang mga kaibigan, pero isa rito ay matangkad na foreigner na tumitingin ng kanilang handa na nasa kitchen at isang babae na nagngangalang May Berthelot na naroon din sa apartment.

Nilagyan ni Heart ng white heart emoji ang video na iyon.
Sa mga sumunod na Instagram Stories ni Heart ay makikita ang festive food nila.

HEART'S RANDOM PHOTOS IN PARIS
Sa iba pa niyang Instagram Stories, ipinakita ni Heart ang Parisian flowers sa isang shop na nadaanan niya.

Nagpaunlak din si Heart ng photo-op sa isang kababayang Filipino na nakakita sa kanya sa isang Parisian restaurant.

Noong September 2022, ikinuwento ni Heart na naghahanap siya ng apartment sa Paris, France para may matuluyan siya sa tuwing naroon siya sa dinaduluhan niyang runway shows, photo shoots, at ibang work-related commitments.
Makalipas lang ang ilang linggo noon ay kinumpirma niyang nakahanap na siya ng apartment.
Mas efficient daw kasi iyon para mas marami siyang puwedeng matanggap na trabaho sa iba-ibang luxury brands.
Noon ding September unang pumutok ang balitang hiwalay na umano si Heart sa mister na si Senator Chiz.
Pero hanggang sa kasalukuyan ay walang direktang kumpirmasyon mula sa mga ito.
- PEP YEARENDER 2022: Tom-Carla, Moira-Jason, Chiz-Heart, Sunshine-Macky, Markus-Janella, other celebrity breakups that shocked showbiz in 2022
- Heart Evangelista no greeting post for Chiz Escudero’s birthday; Chiz still wears wedding ring
- GMA Network debunks report that it is confirming Heart Evangelista-Chiz Escudero "breakup"
- Heart Evangelista, naurirat ang private life sa eksena niya sa Bling Empire
- Cecile Ongpauco reacts to rumored marital problem of daughter Heart Evangelista and Chiz Escudero
