Muling nanalo ng international acting award si Joaquin Domagoso dahil siya ang hinirang na Best Actor sa Boden International Film Festival (BIFF) 2022 ng Sweden para sa kanyang pagganap sa That Boy In The Dark.
Ang karangalang ipinagkaloob kay Joaquin ng BIFF ang ikatlo sa kanyang tinanggap na Best Actor award para sa That Boy In The Dark.
Una siyang itinanghal na pinakamahusay na aktor sa 16th Toronto Film and Script Awards sa Toronto, Canada noong November 23, 2022.
Read: Joaquin Domagoso wins best actor at 16th Toronto Film and Script Awards
Pangalawa sa Five Continents International Film Festival 2022, ang online festival ng Venezuela, noong nakaraang Biyernes, December 23, 2022.
Read: Joaquin Domagoso wins Best Actor in Venezuela
Bukod kay Joaquin, nanalo rin sa BIFF 2022 para sa buwan ng November 2022 ang That Boy In The Dark director na si Adolf Alix Jr. ng Best Feature Film Director Award, samantalang ang kanilang pelikula ang hinirang na Best Feature Film.
Hindi makapaniwala si Joaquin nang magwagi siyang best actor sa 16th Toronto Film and Script Awards noong nakaraang buwan kaya parang nakalutang sa alapaap ang kanyang pakiramdam dahil sa magkasunod na parangal sa kanya mula sa mga international film festival sa Venezuela at Sweden.
Ang mga international acting award na kanyang napanalunan ang karagdagan sa mga biyayang natanggap ni Joaquin ngayong taon dahil nauna na ang pagiging ganap na ama niya noong April 2022.
Read: Joaquin Domagoso, may two-month-old son na sa kapatid ni Claire Castro
Si Joaquin ang bida sa That Boy In The Dark. Co-stars niya sina Aneeza Gutierrez, Kiko Ipapo, Glydel Mercado, at Lotlot de Leon sa pelikulang mapapanood sa mga sinehan simula sa January 8, 2023.