PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PEP YEARENDER 2022: 10 trending bloopers on live TV in 2022

Ano sa tingin mo ang pinaka-tumatak sa iyo?
by Khryzztine Joy Baylon
Published Dec 30, 2022
Trending Bloopers 2022
Remember the bloopers of (L-R) GMA-7 news anchor Mike Enriquez, PTV-4 reporter Louisa Erispe, Regine Velasquez, Vice Ganda, and Anne Curtis on live TV that went viral on social media?
PHOTO/S: MIKO DACANAY TIKTOK/GMA NETWORK YOUTUBE/PTV-4/ABS-CBN ENTERTAINMENT YOUTUBE
ILLUSTRATION: Igi Talao

Libangan pa rin ng mga Pilipino ang panonood ng telebisyon sa kabila ng pagsulpot ng mga streaming apps nitong pandemya.

Mapa-pelikula, balita, noontime show, o teleserye ay talaga namang inaabangan at tinututukan.

Dahil dito, hindi rin nakakalusot sa mata ng mga manonood ang mga nakakatawang tagpo ng mga iniidolo nilang personalidad.

Marami ang nakakapansin sa mga tila “mali” at “kakaiba” —o kung tawagin ay bloopers—habang live na umeere ang mga programang pinapanood nila.

Binalikan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilan sa mga nakakatawang bloopers on live television na nakuhanan ng kamera at agad nag-trending sa social media.

REGINE VELASQUEZ HOLDS MICROPHONE UPSIDE DOWN IN ASAP NATIN ‘TO

Noong July 30, 2022, nag-trending si Asia’s Songbird Regine Velasquez nang mag-perform siya sa Asap Natin ‘To.

Habang ka-duet si Jason Dy, agad napansin ng netizens ang mabilisang pagbaliktad ni Regine sa kanyang mikropono nang siya na ang kakanta.

Sa video ay mapapansing tila nagulat at natawa rin si Regine. Ngunit imbes na huminto ay pinagpatuloy niya ang kanyang pag-awit na parang walang nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Regine Velasquez pokes fun at herself on recent mic blooper on TV

Agad din niya itong tinuweet sa akalang walang nakapansin.

Mababasa sa kanyang tweet (published as is), “Wala naman nakapansin diba? [laughing emoji] #ehyungbaliktadmicko [laughing emoji] wag kayo maingay ha hay.”

Trending Bloopers 2022

MIKE ENRIQUEZ SAID, “MGA KAPUSO, UUWI NA PO AKO” IN 24 ORAS

Noon pa man ay suking-suki na ng mga trending bloopers ang beteranong Kapuso news anchor na si Mike Enriquez.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At ngayong taon, muling nagmarka sa mga netizens ang kanyang live report noong Eleksyon 2022.

Kinagiliwan kasi ng marami ang kanyang linyang “Mga Kapuso, uuwi na po ako” habang nagre-report sa 24 Oras.

Dahil dito, iba-ibang bersiyon ng mga nakakatawang sagot ang naglipana sa social media.

Read: Light moments during live reporting of 2022 Presidential Elections coverage

Ngunit kung papanoorin ang full video, ang linyang “Mga Kapuso, uuwi na po ako” ay hango lamang sa iuulat ni Mike na post ni Panfilo “Ping” Lacson na uuwi na siya sa kanyang pamilya matapos niyang matalo sa halalan.

Trending Bloopers 2022

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VICE GANDA "NASUBSOB" sa IT'S SHOWTIME STAGE

Noong July 27, 2022, naalarma ang lahat ng It’s Showtime hosts nang biglang masubsob si Vice Ganda sa kalagitnaan ng kanilang interview.

Nangyari ito sa segment na “Showtime Sexy Babe,” kung saan kasama niyang co-host sina Jhong Hilario, Vhong Navarro, at Ogie Alcasid.

Habang ini-interview nila ang contestant na si AJ Batitay, agad ginaya ni Vice ang pagrampa at pag-project nito, dahilan ng kanyang biglaang pagkasubsob.

Read: Vice Ganda "nasubsob" on It's Showtime stage; netizens touched by Ion Perez's concern

“Nasubsob ako, huwag kang magtitingkayad,” saad ni Vice sa video habang tinatayo siya ni Vhong at Jhong.

Trending Bloopers 2022

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PTV-4 REPORTER LOUISA ERISPE GOES VIRAL FOR TRYING TO HOLD LAUGHTER

Sino nga ba ang makakalimot sa PTV-4 reporter na si Louisa Erispe?

Siya ang reporter na natawa sa kalagitnaan ng kanyang live report noong March 2, 2022.

Agad na nag-viral sa social media ang video clip ng pag-uulat ni Louisa kung saan buena mano siyang nagbigay good vibes sa viewers ng PTV-4 morning news program na Rise and Shine Pilipinas.

Hindi napigilan ni Louisa ang humagikhik sa tawa sa kalagitnaan ng kanyang live report sa Quiapo Church, dahil imbes na "simbahan" ay "tindahan" ang kanyang nabanggit.

Read: PTV-4 reporter goes viral for trying to hold laughter after blooper

Umani ito ng iba-ibang reaskiyon sa mga nakapanood.

Agad ding nag-post si Louisa sa kanyang Instagram noong March 3, 2022, laman ang mensaheng hindi naman daw siya tinanggal dahil sa kanyang nagawang pagkakamali.

Post niya (published as is), “Yes, I'm that sabowg girl. LF: Tindahan na mapupuntahan. Chariz. Good vibes lang tayo [heart emoji] mahalaga employed pa rin ako [laughing emoji]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Trending Bloopers 2022

MIKE ENRIQUEZ MISTAKENLY REFERS TO SHARON CUNETA AS HELEN GAMBOA

Numero uno ang Eleksyon 2022 sa most searched sa Google Philippines, kaya naman hindi maikakaila ang pagiging trending topic ng usaping-halalan.

Sa kabila ng mainit na labanan sa iba-ibang posisyon, prinsipyo, at paniniwala ay may mga kuwela at nakakatawang tagpo pa ring nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang na rito ang blooper ng 24 Oras news anchor na si Mike Enriquez nang hindi niya sinasadyang matawag na Helen Gamboa si Sharon Cuneta.

Nangyari ito noong May 9, 2022, habang inuulat ni Mike ang update sa pagboto ni vice presidential candidate Kiko Pangilinan.

Makikita sa video na magkasamang dumating sa presinto ang dating senador at ang kanyang misis na si Sharon. Matiyagang naghintay sa pila ang mag-asawa hanggang sa makaboto sila.

Habang nagre-report si Mike ay napagkamalan niyang si Helen si Sharon.

Si Helen ay tiyahin ni Megastar at asawa ni dating Senate President Tito Sotto na kumandidato ring pangalawang pangulo.

Saad ni Mike sa kanyang report, “Mga Kapuso, inyo pong napapanood ay ang pagboto ni senador Francis Pangilinan, na isa sa mga kandidato para sa pagkabise-presidente ng Pilipinas.

“Tulad po ng naiulat namin kanina, kasama niya pong dumating diyan sa presintong iyan ay ang kanyang maybahay na si Ms. Helen Gamboa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad itong nag-trending sa social media at umani ng iba-ibang reaskiyon mula sa netizens.

Trending Bloopers 2022

VIRAL CAT KNOWN AS “KAPUSA” CAUGHT ON LIVE BROADCAST IN 24 ORAS

Kinagiliwan ng maraming netizens ang agaw-eksenang pusa na rumampa sa studio ng GMA-7 habang naghahatid ng balita si Mel Tiangco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binansagan tuloy ng netizens ang pusang ito na “Kapusa”— na hango sa salitang Kapuso. Pero ayon sa mga taga GMA-7 ay Whitey ang pangalan ng puting pusa.

Sa live broadcast kasi ni Mel sa 24 Oras, nahagip ng camera ang biglang pagsingit ng pusa, na dumaan sa likuran ng batikang news anchor.

Read: Pusang agaw-eksena sa live telecast ng 24 Oras, certified "Kapusa"

Instant celebrity naman si Whitey sa kanyang ginawa dahil agad ding nag-viral ang video clip ng kanyang pagrampa.

Trending Bloopers 2022

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANNE CURTIS MISTAKENLY TELLS VICE GANDA "PUMANGIT KA NA" oN IT'S SHOWTIME

Noong July 25, 2022, nagkaroon ng nakakatuwang moment ang dalawang It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis.

Magkasama sina Vice at Anne na host sa “Miss Q&A” segment nang aksidenteng ma-mispronounce ni Anne ang spiels na binabasa niya sa teleprompter.

Imbes kasi na sabihin niyang “pumagitna na” si Vice ang nasabi niya ay “pumangit ka na.”

Saad ni Anne, “Kaya sistarette, ito na, pumangit ka na.”

Read: Anne Curtis gets "strangled" by Vice Ganda after she told him, "Pumangit ka na!"

Agad namang nag-react ang kasama pa nilang co-host na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario, na mukhang nagulat sa sinabi ni Anne.

Ani ni Vhong, “Hindi pumangit!”

Paglilinaw naman ni Anne kay Vice, “Ay, mali pala yung pagkabasa ko.

“Pumagitna ka na. Mali pala yung pagkabasa ko!”

Trending Bloopers 2022

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SOFIA PABLO VIRAL “ARAY” BLOOPER ON PRIMA DONNAS

Pinagtawanan na lang ni Sofia Pablo ang sariling blooper sa isang eksena niya sa Prima Donnas.

Ito ay matapos niyang mag-trending sa TikTok noong February 2022, dahil sa pagkalat ng video clip kung saan makikita ang eksena niyang "Aray scene by the bike."

Ang video ay eksena nila ng kanyang Sparkle love team partner na si Allen Ansay.

Dito ay makikita si Donna Lyn, ang karakter ni Sofia, na bumagsak sa sahig at sumisigaw ng "aray" matapos mabangga ang bike ni Fonsie (Allen).

Kitang-kita sa video clip na hindi siya tinamaan ngunit bumagsak siya at napasabi ng aray.

Dahil dito, kaliwa't kanan ang reaksiyon ng netizens.

Sa PEP Live interview nina Sofia at Allen noong February 17, 2022, inamin nila na hindi rin daw nila agad napansin na ganoon pala ang kinalabasan ng eksena.

Read: Sofia Pablo reacts to her viral "aray" blooper on Prima Donnas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maski sila ay tawang-tawa rin daw nang mapanood ang video clip na nag-trending sa TikTok.

Pagbabahagi ni Sofia, "Tawang-tawa rin ako kasi ang nag-send sa akin, si Aki (Allen). Sinend niya yung link ng TikTok video.

"Sabi ko, 'Ano ito?' Akala ko naman iyong mga tipong ina-upload na episode sa TikTok kasi hindi namin napanood that day iyong mga scenes, so akala ko sinend-an niya ako ng puwedeng panoorin.

"Pagbukas ko, ang daming natatawa sa aray! Kasi totoo naman, hindi ako natamaan pero bumagsak ako!

"So, of course noong una, medyo nahiya ako na, 'Hala, ganun pala.'

"Pero sabi ko, bakit ako nahihiya? At least, napasaya ko iyong mga tao kahit ganun iyong kinalabasan ng eksena."

Trending Bloopers 2022

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MAVI LEGASPI’S “HOTDOG” ANSWER IN FAMILY FEUD

Sino nga ba ang hindi nakakaalam ng viral na sagot ng Kapuso actor na si Mavy Legaspi sa Family Feud?

Noong November 23, 2022, nag-viral sa Twitter ang sagot ni Mavy bilang celebrity player sa Family Feud, kung saan host si Dingdong Dantes.

Sa jackpot round, sumalang si Mavy at sinagot ang mga tanong ni Dingdong.

“Kapag nagbibiruan, anong kalokohan ang isinasagot ng friend mo kapag tinanong mo siya ng, ‘One plus one [1+1]," tanong ni Dingdong.

Sagot ni Mavi, “Hotdog.”

Dahil dito, maraming netizens ang natawa dahil ang karaniwang sagot sa naturang tanong, base na rin sa lumabas na survey, ay "Magellan."

Trending Bloopers 2022

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANNE CURTIS FORGETS TO REMOVE PRICE TAG IN HER CLOTHES IN IT’S SHOWTIME

Bago pa matapos ang taon ay may hatid muling good vibes ang Kapamilya TV host-actress na si Anne Curtis sa mga madlang pipol.

Ito ay matapos mabuking ng kanyang co-host na si Vice Ganda sa It's Showtime na hindi niya natanggal ang price tag sa suot niyang damit.

Nangyari ito sa "Sexy Babe" segment ng programa noong December 17, 2022.

Habang ini-interview nila ni Vice at Jhong Hilario ang isang contestant ay may napansin si Vice na nakaipit sa likuran ni Anne.

Nang kunin ni Vice ay bumungad sa kanila ang price tag na hindi natanggal sa damit ni Anne.

Pabirong saad ni Vice, "Diba nagmamadali ka, hindi mo ginupit.

"Huwag mo na tanggalin, itago na lang natin, para kung mali yun size maibabalik pa natin."

Nahihiyang sagot naman ni Anne, "Tanggalin mo. Mama [stylist] hindi mo tinanggal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Trending Bloopers 2022

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Remember the bloopers of (L-R) GMA-7 news anchor Mike Enriquez, PTV-4 reporter Louisa Erispe, Regine Velasquez, Vice Ganda, and Anne Curtis on live TV that went viral on social media?
PHOTO/S: MIKO DACANAY TIKTOK/GMA NETWORK YOUTUBE/PTV-4/ABS-CBN ENTERTAINMENT YOUTUBE
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results