Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na si Joaquin Domagoso tungkol sa pagiging ama niya.
Nangyari ito media conference ng kanyang launching movie na That Boy In The Dark, ngayong Biyernes ng hapon, December 30, 2022.
Scott Angelo Domagoso ang pangalan ng anak ni Joaquin at ng kanyang partner na si Raffa Castro, anak ng newscaster at dating aktor na si Diego Castro.
Isinilang si Scott sa FEU Medical Center noong April 28, 2022.
Read: Joaquin Domagoso, may two-month-old son na sa kapatid ni Claire Castro
Lahad ni Joaquin, “Opo. Me and my family were both happy na my son is eight months old,” umpisa ng pag-amin ni Joaquin tungkol sa bagong kabanata ng buhay.
“And mahirap po talagang umalis ng bahay. Mahirap ho kasi lagi ko siyang miss, tulad ngayon, at maraming feelings na hindi mo mararamdaman talaga.
“Hindi ko siya maisip kasi you were not a good father before, but now that you are, parang iba na yung mundo kaya po mahirap siya.
“There’s so much new feelings all the time na nakakaiyak at nakakatuwa.
“Yung mga nakita ko before, hindi ko naintindihan na sinasabi ng tatay ko or yung mama ko.
"Ngayon, parang nage-gets ko na kaya ito ginawa kasi gusto nila na ganito ang mangyari sa akin."
Ang ama ni Joaquin, si former Manila City Mayor Isko Moreno, ang nagkumpirma sa balitang lolo na siya sa isang panayam noong July 2022.
Read: Isko Moreno admits to being a lolo to son Joaquin Domagoso's child: “Ang pogi ng apo ko.”
Sinundan ito ng exclusive interview ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Diego Castro noong July 27, 2022.
Read: Diego Castro, "Lolo Pogi" ang gustong itawag sa kanya ng anak nina Raffa Castro at Joaquin Domagoso
Pinaniniwalaang masuwerte kay Joaquin ang anak nito dahil sa mga sunud-sunod na international acting awards na natanggap niya para sa mahusay na pagganap sa That Boy In The Dark, kaya nadagdagan ang inspirasyon ng 21-year-old actor para pagbutihin at mahalin ang kanyang propesyon.
Read: Joaquin Domagoso wins third international Best Actor award for "That Boy In The Dark"
Ipalalabas ang launching movie ni Joaquin sa mga sinehan simula sa January 8, 2023.