Hiningan ng opinyon si Heaven Peralejo, 23, kung bukas ba siya sa pagpaparetoke tulad nang ibang artista na gumagawa nito para sa ikagaganda nila.
Sabi ni Heaven, "Parang di ko naman kailangan, gifted naman yata ako.
"With my morals and values or my principles, it's against my principles.
"For other people who wants or needs to do that, I totally support. But for my own body, I feel like it's my own home, so I take care of my body."
Nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa special screening ng pelikulang Nanahimik Ang Gabi courtesy of BNY, na ginanap sa Director's Club theater SM The Block noong December 23, 2022.
HEAVEN'S AUNT RICA PERALEJO
Ang tiyahin niyang si Rica Peralejo ay dati nang umamin na siya ay sumailalim sa breast augmentation sa edad na 18 years old, pero pinagsisihan din niya kaya pinatanggal niya noong 2017.
Bukas din si Rica sa pagsasabing pinagsisihan din niya ang pagsabak sa sexy movies noong kabataan niya.
Ilan sa sexy movies na ginawa ni Rica ay Dos Ekis, Hibla, Tatarin, at Balahibong Pusa kunsaan mayroon siyang maseselang eksena.
Sa kanyang vlog noong 2021, sinabi ni Rica na pinasok niya iyon nang hindi pinagnilayan nang maigi ang desisyong mag-reinvent ng kanyang image sa show business.
HEAVEN ON HER LIMITATIONS FOR SEXY ROLES
Sa kaso ni Heaven, may mga nakapansin na may pagka-daring at sexy ang role niya sa Metro Manila Film Festival entry na Nananahimik Ang Gabi.
Pero paglilinaw ni Heaven, bagamat may love scene siya sa Metro Manila Film Festival entry niya ay di niya nakikita ang sarili na gagawa ng maseselang eksena.
"Yes, I guess, it's a big lesson for me and with the roles that I get or I pick, lahat yun pinag-isipan.
"Ako din di ko rin kasi kaya na ganun ka-daring, ibibigay ko na yun sa ibang tao."
Ano ang payo sa kanya ni Rica pagdating sa sexy roles?
Sagot ni Heaven, "We haven't talked yet regarding those usapan, pero alam na namin yun, alam ko rin naman.
"I have my limits also as a woman, I respect my body. Only if the movie requires some scenes like kissing, yun lang. Ayoko ng sobrang bold. I never... I cannot."
Ang mga naipakita niyang intimate scenes sa Nanahimik Ang Gabi ang limitasyon niya.
"Sa pacing ko with my career ngayon, parang okay na ako sa ganitong daring.
"Hanggang saan kaya? Hanggang saan din kaya ng nanay ko, kung ano ang sasabihin niya yun din ang gagawin ko.
"What matters most is the opinion of my parents, kung sa kanila okay yun, okay din sa akin."
ON HAVING HER OWN HOME AND RESTO BUSINESS
Si Heaven ay produkto ng ABS-CBN reality franchise show na Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016. Napanood siya sa mga teleserye tulad ng Bagong Umaga at A Family Affair.
Masaya ang aktres dahil sa pagsisikap niya sa kanyang showbiz career ay nakabili na siya ng property at nakapagtayo ng isang negosyo.
Ipinakita niya ang condo unit niya sa kanyang Instagram account noong October.

Noon namang November ay nilunsad niya ang bagong bukas na restaurant sa BGC at Alabang.

"Yes I'm happy kasi it's my first Christmas to hold, so nandun ang family namin. Nakakatuwa na all the hard work, result na niya.
"I also have a business, it's a restaurant in BGC and also in Alabang. My business's name is Food Market BGC. It's a gastro pub at night, pero sa morning naman it's a French waffle. It gives a lot of varieties din.
"I'm really learning how to handle my money well. [I am] learning to control my feelings also, handle the people around [me], be more sensitive with the world...
"That's what I'm going through and looking forward."
Sa pagtatapos ng taon, baon ni Heaven ang mga di malilimutang aral na natutunan niya.
"Grabe ang 2022 ko, para siyang roller coaster talaga. Nagsimula siya sa bottom, as in akala ko matatapos na ang aking career, pero naayos din.
"Itong 2022, I'm just full of gratefulness, of learnings, and a lot of maturing, and a lot of growth.
"[For] 2023, I really hope na itong Nanahimik Ang Gabi will open a lot of doors for me.
"I would like to take more challenging roles. I would love to have more businessnes, more houses. I would also like to have more movies and series."
READ MORE HOT STORIES ON PEP.PH
