Si Miss Universe 2012 Olivia Culpo at ang American television host na si Jeannie Mai-Jenkins ang mga main host ng Miss Universe 2022.
Backstage commentator naman sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at American Ninja Warrior co-host at Access Hollywood correspondent Zuri Hall.
"This organization had such an impact on my life and I’m so thankful for the experiences I had with my Miss Universe family.
“I have so much respect for the continuous evolution of the Miss Universe Organization, including the new female ownership for the first time in the company’s history,” pahayag ni Olivia sa Variety tungkol sa pagpili sa kanya ng Miss Universe Organization bilang isa sa mga host ng 71st edition ng Miss Universe.
Gaganapin ang grand coronation ng Miss Universe 2022 sa Ernest N. Morial Convention Center, New Orleans, Louisiana, USA, sa January 14, 2023 (January 15, 2023 sa Pilipinas).
Hopefully, isang masiglang Olivia ang mapapanood bilang emcee ng 71st Miss Universe.
Matatandaang umani ng mga batikos at sangkatutak na memes ang kumalat tungkol sa kanyang wala umanong kabuhay-buhay na hosting skills nang maging co-host siya ni Mario Lopez sa 69th Miss Universe noong May 16, 2021.
Read: Olivia Culpo deadma sa pamba-bash sa kanyang Miss Universe 2020 hosting
Si Olivia ang kinatawan ng USA sa Miss Universe 2012 na ginanap noong December 19, 2012 sa Las Vegas, Nevada. Ang Philippine representative na si Janine Tugonon ang kanyang pinakamahigpit na kalaban.
Si Olivia ang kinoronahang Miss Universe 2012 at si Janine ang first runner-up.

Sina Olivia at Jeannie ang ipinalit ng Miss Universe Organization (MUO) kay Steve Harvey bilang mga emcee ng Miss Universe 2022, na mapapanood sa kauna-unahang pagkakataon sa streaming site na Roku Channel.
Pahayag ni MUO CEO Amy Emmerich sa Variety, “With Culpo as a successful former titleholder and Jeannie’s work in redefining what it means to be a working mother, both women are true examples of the momentum the Miss Universe Organization is building.”
Sabi naman ni MUO President Paula Shugart tungkol sa kanilang desisyong ipagkatiwala kina Culpo at Jeannie ang hosting job sa 71st Miss Universe., “From our two multihyphenate female hosts to our female producer and new female ownership, this year’s show will truly be a celebration of women created by women."
"Like it?" naman ang caption ni Anne Jakrajutatip sa tweet nito ngayong Huwebes ng umaga, January 5, tungkol sa all-female hosts ng Miss Universe 2022.
Si Jakrajutatip ang Thai billionaire transgender woman na bagong may-ari ng Miss Universe Organization.