Sa gitna ng nakakagulat na balita tungkol sa hiwalayan nina McCoy de Leon at Elisse Joson, kanya-kanyang hinala ang netizens kung ano nga ba ang puno't dulo ng kanilang breakup.
Ayon kasi kay McCoy, na siyang nagkumpirma na wala na sila ni Elisse, walang ibang taong involved sa kanilang hiwalayan.
Salungat ito sa kumakalat na mga litrato ng naging pag-uusap nila umano ng non-showbiz girl na si Mary Joy Santiago.
Si Mary Joy rin ang itinuturong bagong karelasyon umano ni McCoy.
Sa sobrang curious na malaman ang totoo, pati tuloy ang mga kaibigan nina McCoy at Elisse ay pinagtatanungan na ng netizens.
Isa na rito ang former Hashtags member na si Jon Lucas.
Si Jon ay kilalang malapit na kaibigan ni McCoy nang magkasama sila sa all-male group na Hashtags sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime.
Sa Facebook post ni Jon nitong Miyerkules, January 4, 2023, ibinahagi niyang maraming nag-message sa kanya para tanungin ang dahilan ng hiwalayang McCoy at Elisse.
Mababasa sa Facebook post ni Jon (published as is): "Huwag niyo ko tanungin sa issue ng ibang hashtags.
"Ang issue lang na alam ko ay hindi kami sabay sabay sumayaw, at napatunayan din naman agad."
Umani ito ng libu-libong laugh reactions mula sa netizens, dahil mukhang hindi nila inaasahan ang naging sagot ni Jon.
MACOY: "BAKLA PO AKO"
Isa pa sa mga kinukuyog ngayon ng netizens ang content creator na si Macoy Dubs.
Bilang katukayo o kapangalan ni McCoy, maraming netizens ang pinagkakamalang siya ang tinutukoy na karelasyon ni Elisse.
Ibinahagi rin ni Macoy sa kanyang Facebook page kahapon, January 4, ang screenshot ng naging mensahe sa kanya ng isang fan.
Tanong ng netizen: "Macoy, hello beh. Totoo ba? Hiwalay na kayo ni Elisse?
Kuwelang sagot ni Macoy: "Bakla po ako. Ayaw ko po sa kiffy."
Katulad ni Jon, marami rin daw ang nagpapadala ng mensahe kay Macoy at idinadawit siya sa hiwalayan ng dalawang Kapamilya stars.
Sa kanyang post ngayong araw, January 5, 2023, hindi inaasahan ni Macoy ang pagdagsa ng mensahe mula sa McLisse fans.
Saad niya sa kanyang post na naka-gay lingo, "Good morning. Savog savog notifs and inbox ni watashimbels. Ba't akiz ang havs ninyey ng tagaytay eh wai-bels ako ng junakis. Nanyo mga miss! Hahaha! Bakarut mey, was sa kiffy. Pass!"
[Good morning! Sabog ang notifs and inbox ko. Bakit ako ang tinutukoy ninyo na tatay eh wala akong anak. In*niyo mga miss! Hahaha! Bakat ang gusto ko, ayaw sa pe*e. Pass!]
SHOT PUNO
May hatid ding good vibes ang isa pang former Hashtags member na si Nikko Natividad sa McLisse fans, na ngayon ay nalulungkot sa sinapit ng relasyon ng kanilang iniidolo.
Kasunod ng pag-amin ni McCoy na hiwalay na sila ni Elisse ay isang nakakatawang litrato naman ang ibinahagi ni Nikko sa kanyang Instagram.
Sa picture na in-upload ni Nikko ay tila kinopya niya ang look ni Elisse sa isa nitong photoshoot.
Kalakip pa nito ang caption na, "Mare, shot puno."
Hindi na ito bago sa netizens dahil kilalang kuwela at taga-gaya talaga ng looks at OOTD ni Elisse si Nikko.
Read: WHO DID IT BETTER? Nikko Natividad recreates Elisse Joson's swimsuit photos
Marami rin ang nakakaalam na malapit siya kay McCoy at Elisse.
MCCOY-ELISSE BREAKUP
Nagulantang ang marami sa kumpirmasyong hiwalay na sina McCoy at Elisse.
Nagsimula sa haka-haka na may pinagdaraanan silang problema nang mapansin ng netizens ang hindi na pagpo-post ang dalawa ng kanilang family picture.
Mas lalo pa silang naintriga nang mag-post si McCoy ng larawan nila ng kanyang anak na si Felize na may makahulugang caption at isang cryptic post naman ni Elisse.
Read: Did McCoy de Leon confirm breakup with Elisse Joson via open letter to daughter?
January 3, 2023, nag-trending sa TikTok ang video na makikitang may kasamang ibang babae si McCoy.
Sa litrato, makikitang tila sweet si McCoy at ang babae na kinilalang si Mary Joy.
Hinala tuloy ng netizens, nangaliwa ang aktor.
Read: McCoy de Leon's photo with non-showbiz girl goes viral; is he cheating on Elisse Joson?
Hanggang nitong Miyerkules, January 4, 2023, tuluyan nang inamin ni McCoy na nagwakas na ang mahigit dalawang taon nilang relasyon ni Elisse, mula nang magbalikan sila noong mid-2020.
Read: McCoy de Leon says "sorry" amid cheating issue
Sa kanyang sunud-sunod na Instagram Story, ibinunyag ni McCoy na wala na sila ni Elisse, kalakip ng kanyang mensahe ng paumanhin sa mga taong nadismaya sa mga pangyayari.
Itinanggi rin niyang third party ang dahilan ng pagtatapos ng relasyon nila ni Elisse.
Read: McCoy de Leon confirms breakup with Elisse Joson: "Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko."
READ MORE:
- Sofia Andres, Elisse Joson bond amid breakup rumors with their partners
- Sofia Andres celebrates holiday anew without boyfriend Daniel Miranda
- Belle Mariano spotted at Donny Pangilinan's New Year family reunion
- Netizens ask: Are Joshua Garcia and Bella Racelis in Japan together?
- Donnalyn Bartolome draws flak from netizens over "back to work" remarks
