PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

McCoy's Dad: I'm Ashamed of Breakup

Mark: "Sa ngayon, hindi po ako makakapagsalita. Hiyang-hiya ako sa nangyari..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 9, 2023
McCoy de Leon, Elisse Joson breakup
McCoy de Leon's (center) father Mark de Leon (leftmost) on son's breakup with Elisse Joson (right): "Sa ngayon hindi po ako makakapagsalita. Hiyang-hiya ako sa nangyari, pasensiya na po."
PHOTO/S: McCoy de Leon/Elisse Joson Instagram

Humingi ng paumanhin ang ama ni McCoy de Leon na si Mark de Leon na hindi pa raw siya makapagbibigay ng komento sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng anak na aktor.

Ilang araw na rin ang nakararaan nang kumpirmahin ni McCoy na hiwalay na nga sila ng girlfriend nitong Elisse Joson.

Ngunit puro haka-haka lamang ang alam ng publiko sa totoong dahilan ng kanilang breakup.

Ayon kasi kay McCoy, walang ibang taong involved sa kanilang hiwalayan.

Salungat ito sa kumakalat na mga litrato sa social media at screenshot umano ng pag-uusap nila ng TikTok personality na si Mary Joy Santiago.

Si Mary Joy rin ang itinuturong bagong karelasyon umano ngayon ni McCoy.

Sa vlog sa YouTube ni Ogie Diaz, kasama sina Mama Loi at Ate Mrena, ibinunyag ni Ogie na personal niyang tinanong ang ama ni McCoy tungkol sa isyu.

Ayon kay Ogie, malapit niyang kaibigan ang tatay ni McCoy kung kaya't ito ang kanyang nilapitan para usisain sa hiwalayang McLisse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit imbes na magsalita ay nagkibit-balikat lang daw ang ama ni McCoy.

Pagbabahagi ni Ogie, "Sabi ni Mark [sa text], pasensya na boss Ogs, sa ngayon hindi po ako makakapagsalita.

"Hiyang-hiya ako sa nangyari, pasensiya na po."

Hindi rin daw nito direktang kinumpirma kung may katotohanan ang akusasyon ng ilang netizens na nagloko ang kanyang anak.

MCCOY-ELISSE BREAKUP

Noon pang nakaraang taon nagsimula ang haka-hakang may pinagdaraanang problema sina McCoy at Elisse.

Ito'y matapos mapansin ng kanilang fans ang tila hindi na pagpo-post ng dalawa ng kanilang family picture.

Mas lalo pa silang naintriga nang mag-post si McCoy ng larawan nila ng kanyang anak na si Felize na may makahulugang caption.

Nasundan pa ito ng isang cryptic post naman ni Elisse.

January 3, 2023, nag-trending sa TikTok ang video na makikitang kasama ni McCoy si Mary Joy.

Read: McCoy de Leon's photo with non-showbiz girl goes viral; is he cheating on Elisse Joson?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

January 4, 2023, in-edit ng aktor ang original caption ng Instagram post niya patungkol sa paghingi ng tawad sa kanyang anak.

Read: Did McCoy de Leon confirm breakup with Elisse Joson via open letter to daughter?

Kinagabihan ng January 4 ay tuluyan nang inamin ni McCoy na nagwakas na ang mahigit dalawang taon nilang relasyon ni Elisse, mula nang magbalikan sila noong mid-2020.

Read: McCoy de Leon says "sorry" amid cheating issue

Sa kanyang sunud-sunod na Instagram Story, ibinunyag nitong wala na sila ni Elisse, kalakip ng kanyang mensahe ng paumanhin sa mga taong nadismaya sa mga pangyayari.

Read: McCoy de Leon confirms breakup with Elisse Joson: "Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko."

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag at komento ang panig ni Elisse.

Nito lamang January 6, 2023, ay masayang nagdiwang si Elisse ng kanyang ika-27 kaarawan kasama ang anak na si Felize sa Hong Kong Disneyland.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Elisse Joson explains "battle scars" post a month before McCoy de Leon confirmed their breakup

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
McCoy de Leon's (center) father Mark de Leon (leftmost) on son's breakup with Elisse Joson (right): "Sa ngayon hindi po ako makakapagsalita. Hiyang-hiya ako sa nangyari, pasensiya na po."
PHOTO/S: McCoy de Leon/Elisse Joson Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results