Mukhang hanggang co-parenting status na lang talaga ang relasyon sa pagitan ni Pokwang at ng kanyang ex-partner na si Lee O’Brian.
Kahapon, January 9, 2023, nagbahagi si Lee ng larawan niya kasama ng anak nila ni Pokwang na si Malia O’Brian habang nanonood ng Disney in Concert sa Solaire Resort, Parañaque City.
Sabi ni Lee sa caption, “Had a fun time on our Date Night to see The Disney In Concert show at Solaire.
“Miss Malia had a blast!! And they played all the hits!!
“#DaddyDaughterNight #DisneyInConcert #MissMalia”
View this post on Instagram
Isang netizen ang nagkomento rito. Umaasa raw siyang magkabalikan sina Lee at Pokwang.
Sabi pa nito, bakit daw ayaw ni Lee na pakasalan na lamang si Pokwang dahil baka ito lang ang hinihintay ng komedyana.
Buong komento ng netizen: “Wish you n pokwang will get together soon again, why don't you [m]arry her maybe that's what she's waiting for”
Kahit hindi naka-tag sa post, mukhang napansin ng TiktoClock host ang kanyang komento.
Maiksing sagot ni Pokwang, “[zany face emojis] ngek!”

Mukhang ginawang biro na lamang ng comedienne-TV host ang kanyang kasagutan.
Pero ang pagiging magulang nila kay Malia ay nagsisilbing tulay pa rin sa kanila para magkaroon ng komunikasyon.
Noong September 29, 2022, magkasamang ipinagdiwang nina Pokwang at Lee ang ika-47 kaarawan ng American actor.
Pero kahit si Lee ang may kaarawan, si Malia pa rin ang naging bida sa selebrasyon nila.
Read: Pokwang reacts to “sayang luha” comment on birthday video of ex-partner Lee O'Brian
November 2021 pa hiwalay sina Pokwang at Lee, pero kinumpirma ito ng entertainment columnist na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel noong July 8, 2022.
Ginawa ni Ogie ang rebelasyon matapos niyang sabihing marami ang nagtanong kamakailan kay Cristy Fermin sa show nito tungkol sa status nina Pokwang at Lee.
Maaaring natunugan ng netizens ang hiwalayan ng dalawa dahil wala nang mga post sina Pokwang at Lee na magkasama.
Nagpalit na rin ng packaging ang sauce-and-condiments business ni Pokwang na dati ay branding nila ni Lee, pero ngayon ay si Pokwang na lang ang nakalagay.
Read: Pokwang and Lee O’Brian broke up in November 2021—Ogie Diaz
July 10, 2022, kay Pokwang na mismo nanggaling na pitong buwan na nga silang hiwalay ni Lee.
Sabi pa ni Pokwang, nananatili silang co-parents sa four-year-old daughter nilang si Malia.
