PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang on Lee O'Brian birthday

Pokwang: "So ano pla gusto mo iyak ako buong buhay ko? Hahahahhahahhaha shunga?"
by Arniel C. Serato
Published Sep 29, 2022
Pokwang answers netizen criticizing her reunion with ex-partner Lee O'Brian
Pokwang throws birthday celebration for ex-partner Lee O'Brian. Joining them in their house party are their daughter Malia O'Brian and Pokwang's daughter Mae Subong.
PHOTO/S: Courtesy: @itspokwang27 on Instagram

Mukhang walang masamang tinapay sa pagitan ng dating magkarelasyon na sina Pokwang at Lee O’Brian.

Ngayong Huwebes, September 29, 2022, ibinahagi ni Pokwang sa Instagram ang masayang selebrasyon ng ika-47 kaarawan ng ex-partner niyang si Lee.

Ayon sa Kapuso comedienne, kahit selebrasyon ito ng kaarawan ni Lee, tila si Malia O’Brian, ang kanilang anak, ang totoong masaya sa party.

Makikita rin sa video na kasama nila sa kanilang house party ang panganay na anak ni Pokwang si Mae Subong.

Caption ni Pokwang, “Happy birthday Dada @leeobrian

“Pero ikaw @malia_obrian ang bida hahaahahaha ayan nanaman sya…”

Maraming netizens ang natuwa sa ipinakitang ito nina Pokwang at Lee.

Pero may isang netizen ang nagkomento kung bakit pa sila naghiwalay, sayang lang daw ang iniluha niya.

Ayon sa netizen: “Bakit naghiway pa. Tapos ok rin pala cla.. Sayang luha”

Sinagot naman agad ito ni Pokwang.

Aniya, “dahil pwede naman matapos ang isang bagay sa buhay mo ng masaya ka ulit at wag mabuhay sa dilim yun yon! so ano pla gusto mo iyak ako buong buhay ko? Hahahahhahahhaha shunga???”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pokwang claps back at basher

Halos sampung buwan na mula nang ianunsiyo nina Pokwang at Lee ang paghihiwalay nila noong November 2021.

Sinabi ni Pokwang na nananatili silang co-parents sa four-year-old daughter nilang si Malia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang throws birthday celebration for ex-partner Lee O'Brian. Joining them in their house party are their daughter Malia O'Brian and Pokwang's daughter Mae Subong.
PHOTO/S: Courtesy: @itspokwang27 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results