PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Universe 2022 Judge Olivia Quido-Co

Olivia Quido-Co promises to be a fair judge at Miss Universe 2022.
by Nikko Tuazon
Published Jan 12, 2023
Olivia Quido-Co, Miss Universe 2022
Olivia Quido-Co on the characteristics she's looking for in the next Miss Universe winner: "I'm looking for authenticity. I'm looking for somebody who has parang, you know, somebody with global substance. Kasi very important yung representation of the brand. So, yun yung titignan ko, in my end. So, alam mo yun, magaling magsalita, magaling magdala ng sarili, magaling magdamit."
PHOTO/S: @oliviaquido on Instagram

Hindi maitago ng Filipino businesswoman na si Olivia Quido-Co ang kanyang excitement bilang isa sa mga uupong hurado ng Miss Universe 2022.

Si Olivia ang founder at CEO ng O Skin Med Spa at Olivia Quido Skincare na nasa ika-apat nang taon bilang official sponsor ng Miss Universe pageant.

Agad nagpatawang ng digital press conference si Olivia nitong Miyerkules, January 11, 2023, ilang oras matapos pormal na ipinakilala ng Miss Universe Organization (MUO) ang mga hurado.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press, sinabi ni Olivia na ilang araw na niyang alam na kasama siya sa selection committee para sa 71st edition ng prestigious international beauty pageant.

Kuwento nito, "Actually, they told me this news early this year pa. Ganun kaaga... Ganun ko siya katagal kineep.

"Tapos ngayon, I'm very excited na finally in-announce na nila today na I'm one of the chosen judges sa Miss Universe competition."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap at nakilala na raw ni Olivia ang ilan sa mga huradong makakasama niyang pipili ng bagong Miss Universe.

"We had a meeting... briefing the other day. Nakapag-chika-chika ko na rin sila, nakapagkuwentuhan.

"More of, like, 'What are you doing? What's your line of business? What's your industry?' More of, like, getting to know each other."

MAINTAINING FAIRNESS

Aminado si Olivia na may kalakip ding pressure ang pagiging Miss Universe judge lalo na mula sa Filipino pageant fans.

Ngunit sinigurado niyang magiging patas siya sa bawat kandidatang kasali sa Miss Universe 2022 pageant.

Aniya, "Totoo yung pressure, e, kasi pagbasa ko pa lang ng mga messages, ang dami, sobra, mga Filipinos, 'Miss O, ikaw na bahala sa kandidata... ikaw na bahala...'

"Nakakatuwa din, nakakatuwa lang yung mga comments.

"But then again, I treat this as a job interview. So I look beyond the sash."

Ayaw rin ni Olivia na isipin ng pageant fans mula sa iba't ibang bansa na pinapaburan nito ang kandidata mula sa Pilipinas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Celeste Cortesi ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2022.

Sabi ni Olivia, "If tumaas ang score ng Philippines, I think it's because of kung ano yung kakayahan at kung ano yung trinabaho niya.

"I think yun yung maganda dun at yun yung gusto kong isipin ng mga tao na... pag mataas ang score ng Philippines, it's because maganda niya tayo ni-represent.

"Gusto ko yun i-emphasize."

MISS UNIVERSE CRITERIA FOR JUDGING

Ibinihagi rin ni Olivia na binigyan na sila ng president ng Miss Universe Organization na si Paula Shugart ng criteria para sa hinahanap nilang susunod na titleholder.

Lahad niya, "Kinausap kami ni Paula Shugart, the President, yesterday. Seven judges kami kinausap, pero actually nine talaga in total sa finals.

"Kinausap kami na, 'Ito yung mga criteria na hinahanap.'

"So, as a judge, ako, I'm speaking for myself that I will be a fair judge. I'm gonna look beyond the sash."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag nito, "I will look at the personality. Titingnan natin kung kamusta sumagot? Magaling ba ang stage presence? Ang communication skills, okay din ba magsalita?

"At saka pagdating din ba sa how she carries herself. So, pagka-check naman ang mga boxes, di ba? So, again, I will be a fair judge."

Meron ding personal characteristics na hinahanap si Olivia pagdating sa susunod na Miss Universe. At para sa kanya, malaking factor ang pagiging authentic ng isang kandidata.

"I'm looking for authenticity. I'm looking for somebody who has parang, you know, somebody with global substance. Kasi very important yung representation of the brand.

"So, iyon yung titingnan ko, in my end.

"So, alam mo yun, magaling magsalita, magaling magdala ng sarili, magaling magdamit."

Patungkol naman sa kanyang personal preference pagdating sa beauty, sabi ni Olivia, "Meron akong sariling criteria for beauty because I've been doing beauty for 20 years. So I have my own, like, standard sa beauty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And then, I also have my standard sa pagsasalita. Authenticity is very, very important to me. Ayoko yung memoryado yung sagot. Yung parang praktisado."

Bukod sa Miss Universe, naging hurado rin si Olivia sa Miss Universe Colombia at Miss Universe Chile noong 2022.

DOS AND DONTS

Isa-isa nang binabasa ni Olivia ang profiles ng 84 candidates ng Miss Universe 2022 sa handbook na ibinigay sa lahat ng hurado.

Sa ngayon, wala pa siyang personal na nakikilala o nakakausap na kandidata bilang isa ito sa mga restriction ng MUO sa kanila.

Kuwento niya, "This year, they don't allow me... I can't take pictures with the delegates, I cannot even see them.

"Pati national directors hindi ko puwede lapitan or kamustahin. Ganun ka-strict.

"Ibang-iba! So, from last year na chika lahat ng delegates sa lobby, ngayon, to the point na kahit mag-hi, ayaw nila ako tumingin or mag-wave back."

Ang ABS-CBN reporter na si MJ Felipe ngayon ang tumatayong "road manager" ni Olivia na pumipigil sa national directors o kandidata na nais kausapin si Olivia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni MJ, "It's in the rule book that she cannot engage, have photos, or talk with any national directors.

"So, pag national director yung lalapit sa kanya, parang kami yung nagsasabi sa national director na, 'I'm sorry, she cannot engage, she's a jduge.' Parang ganun."

MEETING ANNE JAKRAJUTATIP

Hindi man maka-bonding ni Olivia ang mga Miss Universe 2022 candidates, tila naging best friends naman sila ng new owner ng international pageant, ang Thai billionaire na si Anne Jakrajutatip.

Bago ang pageant, dalawang beses na raw nakasalamuha ni Olivia si Anne noong nakaraang taon.

"Actually, when I went to Thailand, I got invited already to see her.

"And then, after that, nagpunta ulit ako sa Thailand the second time 'cause she invited me.

"Sabi niya, 'Come, Olivia! I will do a gala night and an extravaganza party. I want you to be part of it.' Like, her announcing to the world that she's the new owner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, bumalik ako sa Thailand the second time."

Alagang alaga raw sila ni Anne at ng kanyang staff nang bumisita sila sa Thailand.

"Pick-up sa hotel, samahan niya kami kumain, super gracious, super generous.

"Tapos yung personality niya bubbly kaya nagkasundo kami. Mahilig lang magtawanan and all."

"Super sweet" din daw si Anne nang maka-bonding ito ni Olivia bago ang kanyang digital press conference.

Kuwento ni Olivia, inimbita siya mismo ni Thai trans woman billionaire na makasama sa city tour sa New Orleans.

"That's what we did. Nagpunta kami ng city tour. Pinuntahan ko siya sa hotel niya.

"And then, sabi niya, 'Come to my room!' So, nagpunta kami sa room niya, nag-chika-chika kami.

"After that, pagbaba namin, sabi niya, 'Okay, Olivia...' Ayun, holding hands na kami the whole... tapos hanggang sa kotse. Sabi niya, 'Come sit with me!'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ MORE:

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Olivia Quido-Co on the characteristics she's looking for in the next Miss Universe winner: "I'm looking for authenticity. I'm looking for somebody who has parang, you know, somebody with global substance. Kasi very important yung representation of the brand. So, yun yung titignan ko, in my end. So, alam mo yun, magaling magsalita, magaling magdala ng sarili, magaling magdamit."
PHOTO/S: @oliviaquido on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results