Hindi man pinalad ang pambato ng Pilpinas na si Celeste Cortesi sa katatapos lang na Miss Universe 2022 pageant, imbes na malungkot ay nakibahagi ang Pinoy fans sa pagkapanalo ng US na si R’Bonney Gabriel na half-Filipina.
Ang ama ni R’Bonney na si Remigio Bonzon “R. Bon” Gabriel ay isang Pilipino na nakipagsapalaran noon sa Amerika para makapagtrabaho at kalaunan ay doon siya nakapag-asawa ng isang American citizen.
Samantala, matapos makoronahang Miss Universe 2022, pinasalamatan ni R’Bonney ang kanyang Pinoy fans.
Sa kauna-unahang interview ni R’Bonney sa post-pageant press conference, hiningan ng mensahe si R’Bonney para sa kanyang Pinoy fans.
Si ABS-CBN reporter Dyan Castillejo ang nagbato ng tanong kay R’Bonney.
“Mabuhay, Philippines. Mabuhay, Filipino fans,” bungad ng Fil-American beauty queen.
“Maraming-maraming salamat sa lahat ng tulong ninyo.
“The support is everything. I feel it in my heart. I heard it in the room.
“It was such an amazing energy. The Filipino blood is so strong.
“We are hardworking, we’re fun, and we’re determined. And I’m so proud to be a half-Filipina.”
Sa isang short video na ipinost ng isang pageant vlog (@forthephilippines), makikita pa si R'Bonney na hawak-hawak ang little flags ng Pilipinas at US, bilang pagpapahayag ng pagiging proud niya sa kanyang pagiging Filipino-American.

r'bonney wants TO EAT ENSAYMADA
Hindi lang dito ipinakita ni R’Bonney ang pagiging proud niya bilang Pinoy.
Sa backstage interview sa kanya ng JKN18 TV matapos makoronahan, tinanong kay R’Bonney kung ano ang una niyang gagawin matapos manalo.
Dito binanggit ni R’Bonney na ang signature Filipino bread ang gusto niyang kainin.
Ani R’Bonney, “First thing I would like to do is sleep more than four hours, and eat some ensaymada, that’s my favorite Filipino treat.
“I would like to give my family and friends a hug and thank them so much for getting me here.
“They helped me so much.”
