PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janella Salvador Mourns Her Beloved Cat

Run free, Twinkie!
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 17, 2023
Janella Salvador, pet cat Twinkie
Janella Salvador on her beloved cat named Twinkie: Thank you for sharing 17 years of your life with us, Twinkie. You have a spot in my heart forever.”
PHOTO/S: Janella Salvador Instagram

Nagdadalamhati ngayon ang Kapamilya actress na si Janella Salvador sa pagpanaw ng kanyang 17-year-old na alagang pusa na si Twinkie.

Sa kanyang Instagram post nitong Lunes, January 16, 2023, ibinahagi ni Janella ang malungkot na balita kalakip ang pasasalamat at pangungulila sa alagang matagal na niyang kasama at itinuturing na "perfect cuddly gentle cat."

Espesyal si Twinkie para sa aktres, dahil ang inang si Jenine Desiderio ang mismong nagbigay nito bilang regalo noong kanyang 8th birthday.

Mababasa sa post ni Janella (published as is), “The hardest part about loving animals is knowing that you’re bound to outlive themwz.

“That’s 7 year old me in February ‘06, proud and ecstatic to be holding my advanced 8th birthday gift from my mama.”

Ikinuwento rin ng Darna star kung gaano siya na-love at first sight kay Twinkie nang una niya itong makita sa isang pet shop.

Lahad niya, “I found him at a petshop in Pasay and fell in love so fast that I didn’t want to leave him behind and wait for my birthday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“He was the perfect cuddly gentle cat anyone could ever dream of.”

Sa huli ay nagpasalamat si Janella sa pinakamamahal na childhood pet at nangakong hindi niya ito makakalimutan.

Aniya, “Thank you for sharing 17 years of your life with us, Twinkie.

“You have a spot in my heart forever.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataong namatayan ng alaga si Janella.

Noong July 8, 2022 ay ipinagluksa rin niya ang pagkamatay ng alagang aso na si Max.

Higit pa sa alagang aso ang turing ni Janella kay Max.

Ito raw kasi ang naging kanlungan niya sa mga pagkakataong binabalot siya ng kalungkutan kaya naman ganoon na lamang ang kanyang pagmamahal sa itunuturing niyang “partner in life.”

Read: Janella Salvador mourns loss of pet dog: "I didn’t just lose a pet—I lost a partner in life."

Samantala, hindi man binanggit ni Janella ang naging dahilan ng pagkamatay ni Twinkie, sa comments section ng kanyang post ay bumuhos ang pakikiramay ng ilang kapwa niya celebrities.

Komento ni Iza Calzado, “I am truly sorry for your loss, Jea.”

Saad ni Melai Cantiveros, “Jea, we will pray for your heart.”

“Hugs [cry and broken hearted emoji],” naman ang comment ni Arci Munoz at Alora Samsam.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

READ MORE:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador on her beloved cat named Twinkie: Thank you for sharing 17 years of your life with us, Twinkie. You have a spot in my heart forever.”
PHOTO/S: Janella Salvador Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results