Dalawang araw matapos kumalat sa social media ang video ni Alex Gonzaga kung saan nakitang pinahiran niya ng icing sa noo ang isang waiter, at makatanggap ng matinding batikos mula sa publiko, naglabas na ng public apology ang TV host/actress/vlogger ngayong Miyerkules ng gabi, January 18, 2023.
Read: Ika-35 kaarawan ni Alex Gonzaga, nabahiran ng isyu dahil sa pagpahid niya ng cake sa noo ng waiter
Sa pamamagitan ng Facebook, Twitter, at Instagram Story, humingi ng paumanhin si Alex sa waiter na si Allan Crisostomo at sa kanyang pamilya.
Aniya, sa araw mismo ng kanyang ika-35 kaarawan nitong nakaraang January 16, binigyan siya ng Diyos ng mabigat at importanteng leksiyon sa buhay.
Bukod sa paghingi ng kapatawaran sa waiter, humingi rin ng dispensa si Alex sa kanyang pamilya dahil sa naidulot niyang kahihiyan.
Umaasa naman daw siyang makakabangon siya sa delubyong ito.
Buong mensahe ni Alex: “On my birthday, God taught me a hard and important lesson. Humility, kindness and better judgment.
“I am truly sorry, Kuya Allan.
“To my family, I am sorry for causing you pain and embarrassment. I will rise from this a wiser and better person.”
Bago ang public apology ni Alex, inilabas din sa media ang handwritten statement ng waiter na si Allan kung saan sinabi nitong personal siyang pinuntahan ng TV host-actress para humingi ng apology.
Sabi ni Allan sa kanyang pirmadong sulat: “Last January 17, 2023 around 6:30 PM nasa work po ako. Pumunta po si Ma’am Alex kung saan po ako nagwowork.
“Then nag apologize and nagsorry siya saken tapos konting kwentuhan at sinabi ko po sa kanya na ok na po yung nangyari. Ok na po kami.”
Read: Alex Gonzaga personally apologizes to waiter after severe bashing online
Kinuwestiyon naman ng ilang netizens kung bakit si Allan ang naglabas ng pahayag samantalang ito ang naagrabyado.
Read: Handwritten letter ng waiter na pinahiran ni Alex Gonzaga, ipinagtaka ng netizens
Hindi rin tinanggap ng ibang netizens ang pahayag ng publicist ng pamilya Gonzaga na personal na kakilala at kabiruan ni Alex ang waiter na pinahiran nito ng icing.
Read: Alex Gonzaga camp breaks silence on viral video; says waiter is close to Gonzaga family
