PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

#FDCPISSUE NO.3: Liza Diño on how funds were spent during her term

Industry insiders: "Di ba, mapapanganga ka? Bakit ganito ang expenses?"
Text and Interview: Rachelle Siazon Interview: Jo-Ann Q. Maglipon Interview: Erwin Santiago
Published May 19, 2023
Liza Dino as FDCP chair
Sa mismong FDCP financial records, naitalang para sa Film Ambassadors' Night 2021 ay umabot ang expenses ng PHP3.23M. Sa sunod na taon, umakyat ito sa P4.92M. Film industry insiders complain that the bloated expenses of FDCP are a result of the lack of check and balance during Liza Dino's chairmanship. They say, "Di ba, mapapanganga ka? Bakit ganito ang expenses?"
PHOTO/S: @lizadino Instagram

#FDCPScandal Part 3

Nalula ang industry stakeholders at insiders ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa tingin nilang “lavish expenses" gamit ang “taxpayers' money” para sa iba-ibang proyekto ni Liza Diño nang nakaupo ito sa puwesto.

Si Liza ay naging chairperson ng FDCP mula August 2016 hanggang July 2022. Appointee siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

READ: FDCP Issue 1: Insiders troubled by ex-chair Liza Diño's "sole control" of millions for filmfests, events, grants

Ang alegasyon: Ginastusan nang husto ng FDCP ang maraming parties at events kahit walang guaranteed return of investment ang mga ito.

Inuna raw ang mga iyon kaysa mas paigtingin ang pagtulong sa filmmakers na magprodyus ng dekalidad na mga pelikula, na siyang pangunahing mandato ng FDCP.

Sa pagsisiyasat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nakausap namin ang ilang industry sources na nagbigay ng impormasyon tungkol sa budget issue, na kaakibat ng kawalan umano ng check-and-balance sa FDCP.

Dagdag pa rito, ayon sa sources, lumobo ang expenses ng FDCP dahil walang sapat na pagpaplano. Nakasalalay rin daw sa iisang tao ang final say para sa mga binungkal na proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng First Source:

"In summation, it's the usurpation of power, usurpation of taxpayers' money. It's bad.

"But it's worse, maybe, because of the condition of the industry.

"It really leaves a bad taste as to the kind of precedent it [FDCP today] has to inherit."

Hindi raw sana hinayaan ang maluhong paggastos ng FDCP budget dahil maraming independent filmmakers ang nangangailangan ng suportang maibibigay ng film council.

Dagdag ng First at Second Sources tungkol sa mga proyekto ng FDCP sa panahon ni Liza: "Kami napanganga. Yung pera winaldas…like there was no tomorrow."

Sinuri ng PEP.ph ang pertinent documents ng FDCP — provisions ng R.A. 9167, original and revised versions ng Implementing Rules ang Regulations, at FDCP financial reports — upang beripikahin ang mga impormasyon mula sa sources.

HOW MUCH IS FDCP'S ANNUAL BUDGET?

Ang FDCP ay isang film council na itinalaga ng gobyerno, alinsunod sa Republic Act 9167, upang palakasin ang film industry sa pamamagitan ng iba-ibang programa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kabilang dito ang pagbibigay ng incentives sa producers para gumawa ng mga dekalidad na pelikula, pag-organisa ng local at international film festivals, pagsasagawa ng activities na ikauunlad ng local film industry, at paghihinang ng expertise ng Filipino talents sa film industry.

Malaki ang responsibilidad ng FDCP na itaguyod ang pagpapahalaga sa pelikulang Pilipino. Kaakibat nito ay ang malaking pondo para sa mga programa ng film council.

Galing ang pondo ng FDCP sa national budget, alinsunod sa General Appropriations Act (GAA), ang batas na nagtatakda ng pondo para sa operating expenses ng iba’t ibang government agencies at entities.

Base sa datos mula sa annual GAA, narito ang budget na natanggap ng FDCP para sa mga taong si Liza ang chairperson:

2016 — PHP51,557,000

2017 PHP92,021,000

2018PHP119,242,000

2019PHP134,078,000

2020PHP265,068,000

2021PHP173,337,000

2022 — PHP280,881,000

Naka-specify na rin sa GAA ang pondong ia-allocate para sa manpower at sa operating expenses ng FDCP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(May dagdag na pondo rin ang FDCP mula sa amusement tax collection, ngunit natigil iyon alinsunod sa Supreme Court ruling noong December 2019.)

Sa madaling salita, malaki ang budget na ibinibigay ng gobyerno sa FDCP.

Pero ilang beses ipinunto ng sources na nakapanayam ng PEP.ph: "Malaking bagay ang wastong paghawak ng pondo dahil iyon ay 'taxpayers' money.'"

Dito na nagdetalye ang PEP.ph industry sources at council insiders ng sinasabi nilang "crazy" at "lavish expenses" ng FDCP nang pinamahalaan ito ni Liza.

FDCP'S "BLOATED" MANPOWER

Lumobo ang expenses ng FDCP sa panahon ni Liza bilang FDCP chair.

Maraming ipinasok na bagong personnel — may plantilla at contract workers na ginawang in-charge ng iba-ibang programang sinimulan ng pamunuan ni Liza.

Sabi ng First Source: "Doon sa istruktura ng FDCP ngayon, ipinapakita yung ambisyon niya, na di masama kung tutuusin mo.

"Pero parang minadali at di pinag-isipan, [basta lang] for the sake of expansion."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inusisa ng PEP.ph ang ilang FDCP insiders tungkol sa pagdami ng tauhan ng FDCP.

Ayon sa kanila, nang nagsimula ang termino ni Liza noong August 2016, ang FDCP personnel ay "50."

Pero nang bumaba si Liza sa puwesto noong July 2022, ang FDCP personnel ay nasa bilang na ng “150.”

Dahil hindi na nga raw kasya ang lahat sa tanggapan ng FDCP sa Ermita, Manila, nagsasalitan na raw ang staff sa pagpasok.

Paliwanag ng First Insider, “Originally, meron kang film industry support division, tapos merong grants division. Ang nangyari, nag-expand yun.

“Nagkaroon ng separate division for exhibition, separate division for distribution, separate division for international [events].

"Yung ginagawa mong isang division noon, dumami, ta's nagkaroon ng staff lahat. Doon siya dumami.”

Ipinagtaka ito nang husto ng sources na nakausap ng PEP.ph.

Sabi ng Third Source, "Sa manpower ako unang naguluhan. Ang alam ko, below 50 lang, yun pala more than a hundred.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko, 'Akala ko 50 lang ang tao ng FDCP?' Di ko pa nga na-figure out the cost. Ako, yung body count pa lang yung sa akin, 100 plus.

"Andaming sobrang sinusuwelduhan dito. Ba't nagkaganun? Sabi ko, 'Madami bang event? Madami bang trabaho rito?'"

Ang problema sa istruktura ng FDCP, ayon sa First at Second Sources, maraming proyekto ang "binungkal" nang hindi raw napag-aaralan kung paano ito patatakbuhin nang regular at kung meron bang "guaranteed return" ito para sa FDCP.

Komento ng Third Source:

"Pag sinalang mo, ang ganda tingnan. Pero pag pinag-aralan mo, paano nabuo yun? Anong function niyan? 'Hindi, basta aandar na yan.'"

Ang mga proyekto ay hindi raw na-review ng collective body ng Council at stakeholders ng film industry.

Diin ng sources, gawa ito ng "one-woman rule" ni Liza, na siyang nasusunod sa pagpapatakbo ng FDCP sa halip na Council, na isang collective body.

RECORDS OF THE GENERAL APPROPRIATIONS ACT

Ayon sa records ng General Appropriations Act (GAA), ito ang pondong inilaan para sa personnel ng FDCP mula 2016 - 2022: PHP13M noong 2016; PHP16M noong 2017; PHP19.9M noong 2018; PHP26M noong 2019; PHP24.7M noong 2020; PHP25M noong 2021; at PHP26.9M noong 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang itinakda naman ng GAA na pondo para sa maintenance and operating expenses mula 2016 to 2022: PHP35.6M (2016); PHP71M (2017); PHP87M (2018); PHP88.5M (2019); PHP240M (2020); PHP147.7M (2021); PHP253.9M (2022).

May mga piling taon ding nagtakda ang GAA ng pondo para sa capital outlays: PHP2.5M (2016); PHP4M (2017); PHP12.2M (2018); at PHP19M (2019).

Pagpapatuloy ng First Insider: "There's an allocated budget for personnel—specific from GAA na ito lang ang puwede mo gamitin for additional manpower.

"What happened is, pag nagdagdag ka ng ibang tao, kinukuha mo siya sa ibang budget."

Sabi naman ng Second Insider: "Siguro noon, kulang din ng taong iba. Pero di namin akalain na magba-balloon siya to 150."

Kinuwestiyon din ng sources kung ang idinagdag na mga empleyado ay kailangan talaga sa FDCP at kung angkop ba sa sila sa puwestong nakuha.

Komento ng First Source: "This is the first time there are managers with nobody under them."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagsang-ayon ng Third Source:

"May managers na walang mina-manage. May supervisor na walang sinu-supervise."

FDCP EXPENSES FOR FILM AMBASSADORS' NIGHT 2021

Isa pang kinuwestiyon ng film industry stakeholders at FDCP insiders na nakausap ng PEP.ph ay ang "excessive expenses" sa FDCP events.

Sa pamamalakad ni Liza, nagkaroon ng Film Ambassadors' Night—isang annual event ng FDCP kunsaan kinikilala ang filmmakers, filmworkers, at film projects na umani ng recognition sa ibang bansa.

Nagsimula iyon sa ilalim ng pamumuno ni Liza noong 2016. Noong 2020 at 2021, ginawa iyong virtual event dahil sa pandemic.

Saad ng First Source: "Alam mo, nabaliw ako nung nalaman ko how much was spent for one of those nights."

Bukod sa malaki ang gastos sa production ng ganitong event, may pagkakataong 150 katao raw ang pinarangalan ng film council kaya ang laki ng expenses.

Dagdag ng Second Source, "Tuwing kunyari nagpunta ka sa abroad, may film ka abroad, na-invite ka, paparangalan ka. So, mga 150 pala yun na awards."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tama naman daw na bigyang-pugay ang filmmakers at artists na nagdadala ng pride sa bansa, sabi rin ng First at Second Sources.

Kasama kasi sa layunin ng FDCP, alinsunod sa R.A. 9167, ang pagsagawa ng film festivals, exhibitions, at promotional activities para sa pelikulang Pilipino.

Pero dapat daw ay naging masinop sa resources, lalo na't sugal pa rin ang pagpoprodyus ng pelikula.

Mas marami na raw ang ipinapalabas na pelikula sa streaming platforms kaysa sa sinehan dahil sa challenges na hinaharap ng film industry.

Sabi ng Second Source:

"These useless and crazy expenses which should have been dedicated to aid in this present condition of Philippine movies... At ano yung return sa industry talaga? How much did the industry benefit with all this spending?"

film ambassadors' night 2021 EXPENSES detailed

Sa pagsusuri ng PEP.ph sa records ng FDCP, naitala na umabot ng PHP3.23M ang expenses para sa Film Ambassadors' Night 2021.

Ito ay ginawang online event noong kasagsagan ng pandemya.

Sa breakdown ng expenses, makikita ang items na nagtala ng pinakamalaking costing.

May nakatalang “cash advance” na ang halaga ay PHP1.64M.

Ang sumunod na malaking cost ay PHP481,600 at PHP104,160 para sa “rental of various equipments” na ibinayad sa isang kilalang sounds-and-lights company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May PHP120,000 para sa “video shoots for the livestream coverage” ng event.

May PHP146,289 para sa antigen test ng staff at crew.

May professional service fee rin para sa sampung tao, na ang range ay between PHP8,888.88 to PHP30,000.

May pitong "honorees" na filmmakers ang nakatanggap ng financial assistance na nagkakahalaga ng PHP33,333.33 hanggang PHP55,555.55 kada tao. Ang total expenses para sa honorees ay PHP296,666.66.

Sa website ng FDCP, 62 ang nakatalang awardees para sa taong 2021.

Kung titingnan ang RA 9167, naaayon sa batas ang pagsagawa ng FDCP ng events na makatutulong sa pag-promote sa likhang Pinoy sa loob at labas ng bansa.

Bukod sa mga pelikulang Pilipino, may ilan ding artista o proyekto sa telebisyon ang isinama sa pinarangalan sa Film Ambassadors' Night noong 2021.

Ayon sa sources ng PEP.ph, may pagkakataong umabot nga ng "150 ang pinaparangalan" sa Film Ambassadors' Night.

Maganda naman daw sana ang intensiyon sa pagkilala sa Filipino talent, pero puwede itong limitahan para hindi basta nagagasta ang pondo ng FDCP, pondong galing sa taxpayers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkalaki-laki raw ng gastos sa awarding ceremony, na tingin nila ay mas dapat napunta sa pagtustos sa pagproprodyus ng mga bagong pelikula.

FDCP EXPENSES FOR FILM AMBASSADORS' NIGHT 2022

Mas malaki ang ginasta sa Film Ambassadors' Night 2022 dahil face-to-face event na ito sa Metropolitan Theater sa Maynila noong February 2022.

Ayon sa financial report ng FDCP, ang ginasta sa Film Ambassadors' Night 2022 ay umabot sa PHP4.92M.

Pinakamalaking cost ang “professional services” para sa tatlong nakatalang production teams na ang bayad ay PHP1M; PHP240,555.55; at PHP141,111.11, respectively.

Ang total cost para sa “professional services” ng performers ay PHP436,296.30. Ang event director ay tumanggap ng PHP66,666.67.

Kinuwestiyon ng sources kung bakit madalas ay iisa ang production team na hina-hire ng FDCP para sa iba-ibang events.

Tingin ng sources, hindi dumaan sa tamang proseso ng bidding ang pagkuha sa serbisyo ng production team at ibang suppliers.

May partikular daw na mga taong laging kinukuha ang kanilang professional services, kahit hindi raw forte ng mga ito ang gagawing trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napapaboran umano ang mga ito sa ilalim ng pamumuno ni Liza.

Nakuha rin ng PEP.ph ang listahan ng iba pang ginastos sa Film Ambassador's Night noong 2022.

Ang charge ng kilalang sounds-and-lights company ay PHP965,440, plus equipment rental na PHP44,800.

Ang total cost ng cash gifts para sa lahat ng "honorees" ay PHP312,500.

Ang rental fee ng Metropolitan Theater ay PH231,125.77.

Ang costs ng nakatalang food packs ay PHP268,618.13 at PHP32,853.92. Mayroon ding expense para sa catering services na PHP76,160 at cocktails na PHP13,000.

Ang fees para sa antigen testing ay nagkakahalaga ng PHP139,895 at PHP24,000.

May cash advance na PHP240,000 para sa pre-event activities.

FDCP EXPENSES FOR GUANAJUATO INTERNATIONAL FILM FESTIVAL 2019

Malaki rin ang gastos sa international film festivals na nilahukan ng FDCP sa pamumuno noon ni Liza, ayon pa rin sa stakeholders at insiders na nakatrabaho niya.

Isa na rito ang Guanajuato International Film Festival (GIFF) na ginanap sa Guanajuato, Mexico, noong July 19-28, 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa FDCP website, naiulat noon ang pagpili sa Pilipinas bilang first Southeast Asian “Spotlight Country” ng GIFF, kunsaan may iba-ibang activities na kumilala sa pelikulang Pilipino.

Kasama rito ang pagpapalabas ng 30 short and full-length Pinoy films sa iba-ibang sections ng filmfest.

Pero sa kuwento ng insiders sa PEP.ph, hindi covered ng GIFF ang lahat ng gastusin para sa Philippine delegates.

Base sa financial report ng FDCP, umabot ng PHP590,849.37 ang FDCP expenses sa Guanajuato International Film Festival 2019.

Sa breakdown ng expenses, ilan sa pinakamahal na gastusin ay napunta sa unspecified expenses na PHP231,454.54; "airfare reimbursement" na PHP100,000, at "performer’s talent fee" na PHP100,000.

Hindi pa kasama sa PHP590,849.37 ang ibang airfare expenses.

Sa hiwalay na FDCP financial report na nakalap ng PEP.ph, umabot sa PHP1.33M ang airfare tickets para sa labing-isang (11) tao na sagot ng film Council.

Halos kalahati ng PHP1.33M—o eksaktong PHP503,028.80—ay para lamang sa dalawang tao na business class ang plane tickets to Los Angeles at connecting flights to Leon, Mexico.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyam sa delegates ay economy ang airfare tickets.

Hindi raw dapat sagot ng FDCP ang business-class plane tickets.

Sabi ng First Source sa PEP.ph: "Lahat kailangan mag-travel ng economy. Kung gusto mo i-upgrade yung sarili mo, you pay for it yourself."

Dagdag niya: "Isa pa, napansin namin wala talagang long-term planning for the year. So, expenses accrue tremendously.

"A simple example, you know you're going to Berlin [International Film Festival]. You know you're going to Busan [International Film Festival], you have to make plans months ahead.

"You have to book months ahead knowing the people you're gonna bring, [so that] it's gonna be cheap.

"Now, hora-horada. And there are so many na pinuntahang festival na useless! Why do we spend money for these?"

Ang tinutukoy ng First Source na "useless" festivals ay ang mga hindi kilala, hindi pinupuntahan ng malalaking bansa, at malamang daw ay walang maiaambag na kita para sa ating mga pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa libu-libong international film festivals, iilan lang daw ang kinikilalang major festivals: ang Cannes, Berlin, Venice, Busan, Toronto, at Sundance.

Sana raw ay piliin ang dadaluhang festival at limitahan ang ipadadalang delegates.

Dagdag ng Third Source: "Alam mo ba there are 1,000 festivals worldwide? Wag mo isipin lahat pupuntahan mo. And more than half of that, Cynthia, di ba?"

("Cynthia" ay gay lingó na ibig sabihin ay "Sino siya?" o isang pagtukoy sa mga tao o bagay na hindi kilala.)


WHY FDCP EXPENSES AT FILMFESTS ARE MIND-BOGGLING

Ikinalula raw ng industry stakeholders ang laki ng gastos para sa parties na inorganisa ng pamunuan ni Liza para sa iba-ibang international film festivals.

Ipinaliwanag ng insiders ang set-up ng tinaguriang "Philippine Night," o ang party sa bansang host sa international filmfest na dadaluhan ng Filipino delegates.

Sabi ni First Insider, "Ang malaking expenses, nung nagsimula gawing practice yung Philippine Night.

"Lahat ng puntahan [na filmfest], may Philippine Night, kahit maliit ang delegation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Usually, deal iyon, e. Like, maglalagay ang FDCP ng Philippine Night, magdadala ng ganito, and then sila [international filmfest] magpi-feature ng apat na Filipino films."

Kahit lumang Filipino films ay isinasama raw minsan sa deal.

Ngunit sabi ng sources, nakakadagdag sa gastos ang iba-ibang pa-dinner na ini-sponsor ng FDCP.

Kuwento ng First Source: "May isang artista isinama nila sa Tokyo Film Festival. Gulat na gulat yung artista. Every day nilalabas siya sa hotel, pinapakain, given the royal treatment.

"Nagtataka raw siya, 'Sino gumagasta nito?' Yun pala, reimbursed."

Sabi naman ng First Insider: "Sa Cannes [2022] araw-araw ang party."

Mayroon din daw malaking party para sa mga 150 katao na inorganisa ang FDCP para sa 2022 Cannes Film Festival.

"Iyan yung inumaga," kumpirma ng First Insider.

Komento ng First Source ukol dito: "Punta nang punta diyan, wala naman tayo ipinapalabas. Bihirang-bihira tayo magpalabas.

"May mga pelikula, pero it's not like in major competition. If you have an exhibition, it's fine."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi kaya ginagawa ang mga party para mas makilala ang Pilipinas sa Cannes?

Sagot ng Second Source: "Araw-araw? You stage a party as part of a PR per trip. Isang beses okay na yun."

FDCP EXPENSES FOR LOCARNO INTERNATIONAL FILM FEST 2021

Ayon pa rin sa sources, isa sa ginastusan nang husto ng FDCP ay ang Locarno International Film Festival, na ginanap sa Locarno, Switzerland, mula August 4-14, 2021.

May film entries ang Pilipinas para sa sa ilang kategorya ng festival.

Nanalo ang pelikulang Kun Maupay Man It Panahon ni Carlo Francisco Manatad ng Cinema and Youth Prize mula sa Concorso Cineasti del Presente Junior Jury.

Ang pelikulang Sam ni E del Mundo ay nanalo naman ng second prize sa Locarno Open Doors Development Grant (worth roughly PHP800,000) at naimbitahang makasali sa pitching ng Sørfond-Norwegian South Film Fund.

Nag-organisa ang FDCP ng Philippine Night bilang suporta sa Philippine delegates.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base sa record ng FDCP, binayaran ang party venue na Blu Restaurant ng halagang PHP351,104.

"Tipid" ang pagkain, ayon sa sources, pero "open bar" ang party na dinaluhan ng maraming Pinoy.

Liban sa party na iyon, may inilistang meal expenses para sa “meeting, panel session, at post-mortem meeting" kasama ang Philippine delegates.

May meal expenses din para sa "meetings" sa iba-ibang foreign personalities na tila para sa networking purposes ng FDCP.

May itinalang PHP463,205.87 na total expenses sa Locarno Film Festival 2021, base pa rin sa record ng FDCP.

Hindi pa kasama rito ang airline tickets na sagot ng FDCP kung mayroon itong pinamasahehan.

Ayon sa sources, may isang filmmaker-producer na hindi pabor na inuuna ang paggasta sa filmfests abroad.

Galit na galit umanong komento ng filmmaker-producer, ayon sa First Source: "Tigilan ang pagpa-party na iyan at gamitin ang pera para tulungan ang filmmaker!"

May mga international film festival daw kasing kahit walang content ang Pilipinas para sa major competition ay ginagastusan nang husto ang pag-organisa ng Philippine Night at ibang salu-salo na wala sa plano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

EXPENSIVE ACTING WORKSHOP WITH RAHYAN CARLOS?

Isa sa huling FDCP projects sa ilalim ng pamumuno ni Liza ay ang acting workshop series ng TV-and-film director na si Rahyan Carlos.

Si Rahyan ay kilalang coach at head ng acting workshop program ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Proponent si Rahyan ng acting technique ni Ivana Chubbuck, isang American acting coach na may drama school sa Los Angeles. Ilan sa Hollywood stars na tinuruan ni Chubbuck ay sina Halle Berry, Gerard Butler, Jim Carrey, Jared Leto, at Charlize Theron.

Base sa records ng FDCP, kinuha si Rahyan ng FDCP para sa tatlong series of acting workshops noong 2022.

PHP500,000 ang talent fee ni Rahyan para sa kanyang serbisyo, base sa pinirmahan niyang kontrata noong August 2022.

Pero ayon sa Insider na nakausap ng PEP.ph, masyadong malaki ang bayad na iyon.

Paliwanag niya: "Because the usual charge is about PHP10,000 to 20,000 per session of the tier acting..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base pa rin sa records ng FDCP, binigyan si Rahyan ng financial support para sa pagsulat ng libro, na magsisilbing acting manual base sa kanyang 23 years of experience sa industriya.

Bahagi raw ito ng layunin ng FDCP na magkaroon ng "better understanding" ng film industry kasabay ng selebrasyon ng Film Industry Month noong 2022.

Hinati sa dalawang tranches ang ibinigay na PHP300,000 grant kay Rahyan — una ay nang pumirma siya ng kontrata noong August 2022 at ang ikalawang tranche ay ibibigay kapag nasumite na ang draft ng libro.

Ang nakapirma sa mga kontrata ni Rahyan na inaprubahan ng FDCP ay si Liza.

Ayon sa sources, may mga nauna pang proyekto ang FDCP kunsaan nagsilbi itong publisher ng libro: Ang Daigdig ng mga Api: Remembering a Lost Film (co-published with DLSU Press) ng film scholar na si Clodualdo “Doy” Del Mundo Jr., at PH Movie Confidential ng entertainment editor na si Nestor Cuartero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong ng First Source: "Of late, I have nothing against it because it's a good project. But, still the question—does FDCP have the function of publishing books?"

Paano raw kaya ang proseso ng FDCP sa pagpili ng mga awtor na sinuportahan ng film council sa paggawa ng libro?

CANCELLED WORKSHOP WITH GUEST IVANA CHUBBUCK

Lahad pa rin ng sources sa PEP.ph, may isa pang magastos na proyekto ang pamunuan ni Liza na dapat sana'y naka-schedule noong September 2022.

Ang plano ay imbitahan si Ivana Chubbuck na maging mentor ng isang acting masterclass para sa select top Filipino stars.

Sa records ng FDCP, napirmahan na ang memorandum of agreement sa pagitan ng FDCP at nina Rahyan at Chubbuck noong March 15, 2022.

Nakatakda ang masterclass, presscon, at ilan pang events na dadaluhan ni Chubbuck mula August 25 to September 5, 2022.

Nasa kasunduan ding susunduin ni Rahyan Carlos si Chubbuck sa Los Angeles at sasamahan patungong Manila para maplano ng gagawing workshop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa sources ng PEP.ph, limang araw ang duration ng masterclass.

Certified A-listers ang ilan sa mga artistang binanggit ng First Source na kasali sa training.

Nakalista rin daw na participants ang FDCP chair na si Liza at ang asawa nitong si Ice Seguerra.

Sabi ng First Source, "Only 17 actors will be a part of this workshop and they will all be billeted at Novotel for five days.

"But the workshop is for two days. So I asked, 'What will they do with the three remaining days?'"

Ang sagot daw ng insider na kausap ng First Source, "It's for socials."

Gusto raw himatayin ng source nang malamang "PHP2.2M" ang proposed budget sa proyekto.

Ayon sa First Source, "hindi justified" na gastusan ng FDCP ang acting workshop na para sa mga kilalang artista "who can very well afford to pay for their workshops."

Hindi rin daw reasonable na limang araw ang schedule of activities, gayong puwede itong paiksiin pa para hindi lumobo ang expenses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala raw sanang kaso kung mas maraming talents ang makikinabang sa acting workshop kung ang budget ay PHP2.2M.

Sabi ng Third Source, "Ang daming magagaling din [na acting coach] for much less... Kaya magugulat ka pag nakikita mong ganun. Bakit?"

Hindi raw maatim ng sources ang magastos na mga proyekto, habang ang filmmakers raw ay hirap na hirap kumita sa mga ipinoprodyus na content.

FDCP EXPENSES FOR MEDIA TOKEN

Nakadagdag pa raw sa gastusin ng FDCP ang tokens para sa press na nagko-cover ng events ng FDCP.

Ayon sa sources, maraming iniimbita si Liza na press sa iba-ibang media launch ng FDCP events at "generous" daw ang cash tokens sa mga ito.

Nasuri ng PEP.ph, base sa mismong records ng FDCP, ang expenses sa cash tokens para sa media sa tuwing may presscon ang FDCP.

Noong 2021, may naitalang pitong (7) online presscon.

PHP552,500 ang kabuuang ginasta para sa token allocations sa media noong 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang breakdown ng cash tokens para sa 2021 presscons:

  • PHP129,000 para sa PH Film Industry Month 2021 na dinaluhan ng 80 press people at bloggers
  • PHP100,000 para sa Pelikulaya 2021 Online Press Conference na dinaluhan ng 63 press people
  • PHP118,500 para sa Film Ambassadors Night 2021 Online Presscon na dinaluhan ng 74 press, TV crew, at bloggers
  • PHP68,500 para sa Filipino Films and Eddie Garcia Retrospective at UDINE FEFF 2021 para sa 35 press, TV crew, at bloggers
  • PHP60,000 para sa 74th Locarno Film Festival Send-off para sa 35 na press, TV crew, at bloggers
  • PHP40,000 para sa 15th International Silent Film Festival para sa 27 na press, TV crew, at bloggers
  • PHP36,500 para sa Unsung Sariling Bayani presscon para sa 23 press people

Taong 2022, may 11 presscons ang FDCP.

PHP433,500 ang naitalang ginasta para sa cash token sa media noong 2022.

Ang breakdown ng cash tokens para sa 2022 presscons:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
  • PHP108,000 para sa Film Ambassadors' Night 2022 online at face-to-face presscon na dinaluhan ng 71 press at bloggers;
  • PHP33,500 para sa Film Ambassadors Night Awarding Ceremony na dinaluhan ng 20 TV crew at press
  • PHP80,000 para sa Pelikulaya 2022 na dinaluhan ng 54 press people
  • PHP49,500 para sa CineIskool Short Film Lab Festival Presscon para sa 32 TV crew, press, at bloggers
  • PHP25,500 para sa CineIskool Short Film Lab Festival Awarding Ceremony para sa 20 press
  • PHP49,500 para sa Healthy Pilipinas Short Film Festival Presscon para sa TV crew at 25 press
  • PHP34,500 para sa Healthy Pilipinas Short Opening Ceremony para sa 19 TV crew at press
  • PHP6,000 para sa Doy Del Mundo Ang Daigdig Ng Mga Api Book Launch para sa anim na press
  • PHP8,000 para sa Bubog at Karga: The Acting Showcase para sa walong press
  • PHP10,000 para sa Nick Deocampo Alternative Cinema Book Launch para sa 10 press
  • PHP30,000 para sa Philippine Film Industry Month para sa 16 press at bloggers
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa industry sources ng PEP.ph, masyadong malaki ang pa-presscon na 80 o 100 ang invited media.

Anila, "If you see the list of media people that she was inviting for the Philippine Film Industry Month, mas marami pa sa grand presscon ng pelikula."

Umabot daw sa "120" katao ang nasa recommended list of press people na may cash token na "PHP3,000" each.

"Can you imagine that? Sino itong mga ito?" tanong ng First Source.

Hirit naman ng Third Source patungkol sa pag-imbita ni Liza ng maraming press, "But, I'll give it to her, 120 magsusulat para sa yo."

Ibig niyang sabihin, sadyang marami ang iniimbita ang FDCP para mas ma-promote ang events nito.

Sa huli, idiniin ng sources na masyadong maluho ang ginawang paggasta sa budget ng FDCP sa pamumuno ni Liza.

Sabi ng First Source:

"Di ba, mapapanganga ka? Bakit ganito ang expenses? There are limited resources and there are so much that we are addressing. So you can't have all these excesses."

Tingin nila, epekto ito ng "one-woman rule" ni Liza sa FDCP.

Hindi raw dapat hinayaang nasa iisang tao nakasalalay ang pagdesisyon sa pondong galing sa buwis ng taong-bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento ng First Source, "Well, di ba nga, the road to hell is lined with good intentions...

"I guess, when you're enabled and nobody is saying 'no.' Power begets a certain degree of perversion."

Dagdag niya, "We want something which is deserving of the taxpayers' money and serving the mandate of the law."

READ: #FDCPISSUE NO.3: Liza Diño "surprised" by probe on her chairmanship; says expenses go through check and balance

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa mismong FDCP financial records, naitalang para sa Film Ambassadors' Night 2021 ay umabot ang expenses ng PHP3.23M. Sa sunod na taon, umakyat ito sa P4.92M. Film industry insiders complain that the bloated expenses of FDCP are a result of the lack of check and balance during Liza Dino's chairmanship. They say, "Di ba, mapapanganga ka? Bakit ganito ang expenses?"
PHOTO/S: @lizadino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results