PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang reveals ex Lee has new GF

Pokwang not jealous about Lee O'Brian dating again: "Ang cheap."
by Arniel C. Serato
Published Jan 19, 2023
Pokwang hints ex-boyfriend Lee O'Brian is dating anew
Pokwang (right) hints that ex-partner Lee O'Brian (left) is dating again: "Wala na po hahhahahaaahaa may nilalandi na sya hahahhahhahahaa hindi nag effort na lunukin ang pride chicken para kay tisay!!!"
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Tila may pinakawalang pasabog si Pokwang ukol sa ex-partner niyang si Lee O’Brian.

Sa kanyang Instagram post noong January 17, 2023, nagbigay babala si Pokwang sa mga tao tungkol sa dating pangalan ng negosyo nila ni Lee na Poklee Food Products.

Active pa rin kasi ang Facebook page ng Poklee Food Products at may mga umu-order pa rito. Ang resulta: nagrereklamo ang mga customer dahil na-scam daw sila.

Saad ni Pokwang, “PAALALA, One year na wala ang Poklee Food products sarado na po ito at wag na po kayo mag message or umorder ng aming produkto sa messenger, sa shoppee at Lazada dahil ibang brand po idedeliver sa inyo PLEASE!

“magbasa kayo tapos magagalit kayo kapag na scam kayo! matagal na wala yan po. @mamangpokwangs_gourmet na ang aming produkto yan po ang legit now sa FB at IG po maraming salamat po.”

Sa comments section, biniro si Pokwang ng kanyang TiktoClock co-host na si Kim Atienza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento ni Kim, “Pa order nga ng #poklee mamang? [face with open mouth, heart, raising hands emojis]”

Ang "Poklee" ay pinagsamang pangalan nina Pokwang at Lee.

Sabi naman ni Pokwang, wala nang "poklee" dahil may bago nang kinahuhumalingan si Lee.

Hindi man lang daw ito nag-effort na magpakumbaba alang-alang sa anak nilang si Malia O’Brian.

Buong sagot ng Kapuso comedienne-TV host: “@kuyakim_atienza wala na po hahhahahaaahaa may nilalandi na sya hahahhahhahahaa hindi nag effort na lunukin ang pride chicken para kay tisay!!! [laughing emojis]”

Pokwang reacts on Lee O'Brian new romance

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagitla naman ang ilang netizens na nakabasa sa tinuran ni Pokwang:

Pokwang reacts on Lee O'Brian new romance

Biro ng isang netizen, “@itspokwang27 parang may pagselos ng konti hahaha [peace sign emojis]”

Pokwang reacts on Lee O'Brian new romance

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi naman ni Pokwang, hindi siya nagseselos kundi natsi-cheap-an lang sa isyu.

Buong sagot niya: “hahahaa hindi rin!! natatawa nga ako ang cheap hahahhahaha”

Pokwang reacts on Lee O'Brian new romance

Komento ng isa pang netizen, “@itspokwang27 heheh nalaman na tuloy namin dahilan mamang [lauging emoji] hayaan mo na sya basta ikaw maganda ka at mas masaya [heart emoji]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilib naman sa kanya ang isa pa dahil sa kanyang pagiging prangka:

Pokwang reacts on Lee O'Brian new romance

November 2021 pa hiwalay sina Pokwang at Lee. Pero July 2022 lang ito naisapubliko.

Natunugan ng netizens ang hiwalayan nila dahil wala nang mga post sina Pokwang at Lee na magkasama.

Nagpalit na rin ng packaging ang sauce-and-condiments business ni Pokwang na dati ay branding nila ni Lee na PokLee, pero ngayon ay si Pokwang na lang ang nakalagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pokwang and Lee O’Brian broke up in November 2021—Ogie Diaz

July 10, 2022, kay Pokwang na mismo nanggaling na pitong buwan na silang hiwalay ni Lee.

Sabi pa ni Pokwang, nananatili silang co-parents sa five-year-old daughter nilang si Malia.

Read: Pokwang breaks silence on breakup with Lee O'Brian

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang (right) hints that ex-partner Lee O'Brian (left) is dating again: "Wala na po hahhahahaaahaa may nilalandi na sya hahahhahhahahaa hindi nag effort na lunukin ang pride chicken para kay tisay!!!"
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results