Pinagbigyan na nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang panawagan ng netizens na face reveal ng kanilang panganay na anak na Isabella Rose “Rosie” Tawille Manzano kahapon, January 29, 2023.
Kasabay nito ang unang buwan pagkatapos isilang ni Jessy ang anak nila ni Luis.
Read: Luis Manzano and Jessy Mendiola finally reveal Baby Rosie's face
Halos magkasabay na nag-post sa Instagram sina Luis at Jessy para batiin ang kanilang panganay na supling.
Kalakip nito ang close-up pictures ni Baby Rosie na makikita na ang kanyang buong mukha.
Simpleng caption ni Luis: “Happy 1 month our little Peanut [heart emoji].”
View this post on Instagram
Mensahe naman ni Jessy sa kanyang post, “Hello world, meet Isabella Rose Tawile Manzano [rose emoji].
“Happy 1 month, our little Rosie!”
View this post on Instagram
Kinagiliwan ng celebrities at netizens ang magandang mukha ng bata sa parehong post nina Luis at Jessy.





Pero, mukhang may naligaw pa ring netizen na walang magawa sa buhay.
Diretsahan nitong tinawag na "paarte" sina Luis at Jessy dahil pinaabot pa ng isang buwan bago ang face reveal ng anak.
Ayon sa basher (published as is), “Ni reveal din Dami png paarte”
Hindi ito pinalampas ni Luis. Pinuntirya ng TV host-actor ang profile pic ng basher sa Instagram.
Parang nalunok daw kasi nito si Mickey Mouse, ang animated cartoon character ng Walt Disney.
Pang-uuyam ni Luis sa basher: “salamat rin po sa pic niyo, parang kayo nakalunok kay Mickey Mouse”

Ilang araw nang binubomba ng netizens sina Luis at Jessy na ipakita na ang mukha ni Baby Rosie matapos nilang isapubliko ang mangilan-ngilang larawan ng bata na may takip o di kaya ay kalahating mukha lamang.
Sa panig ni Jessy, mahinahon niyang sinasagot ang bashers, lalo na ang nagduda sa hitsura ni Baby Rosie, na baka "may something daw" ito dahil kalahating mukha lamang ang ibinahagi nila.
Pero si Luis ay medyo may pagka-sarkastikong sumagot sa mga bashers.
- Luis Manzano’s sarcastic response to basher of his baby
- ROUND 2: Luis Manzano burns basher for comparing him and Jessy Mendiola to “walang arte” couple
- ROUND 3: Luis Manzano hits back at netizen over “masyado kayong ewan” comment: "Kayo po ba magpapadede?"
- Jessy Mendiola and Luis Manzano welcome their first baby, Isabella Rose
