PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang: Lee O'Brian not giving child support for 5 years

Pokwang: "Anak nga nya walang suporta, 5years!!!!"
by Arniel C. Serato
Published Jan 30, 2023
Pokwang drops bomb about Lee O'Brian's non support for daughter Malia
Kapuso comedienne-TV host Pokwang to women stalking ex-partner Lee O'Brian: "Manggagamit yang taong yan hahhahahaha, wa ka pera, tae ka! "
PHOTO/S: Courtesy: @niceprinphoto on Instagram

May panibagong pasabog si Pokwang tungkol sa kanyang ex-partner na si Lee O’Brian.

Sa lumang post ni Lee sa Instagram noong isang linggo, ibinahagi niya ang kuhang larawan ng five-year-old daughter na si Malia O'Brian sa Mind Museum.

Mensahe ng American actor sa caption, “Love this shot of you sweetheart, @malia_obrian !! Doesn’t matter how many mirrors, there’s only one of you!!

"Te quiero mi amor!! [I love you my love]

#Kaleidoscope #MissMalia #DaddysGirl #tisayngmasa

View this post on Instagram

A post shared by Lee O'Brian (@leeobrian)

Nagkomento rito ang isang tagapagtanggol nina Pokwang at Malia.

Sabi nito, “It’s just so sad how you break this lil kiddo in tears [loudly crying face emoji]”

Pokwang drops bomb about Lee O'Brian's non-support for daughter Malia

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nagkomento rin dito na sinagot ng nasabing fan ni Pokwang: “Gaga sino ka to say that anong paki mo vakla ka!”

Tugon ng tagahanga ni Pokwang: “haha. Affected much. Are you the home breaker? Dummy account so funny. Trolls”

Pokwang drops bomb about Lee O'Brian's non-support for daughter Malia

Kahapon, January 29, 2023, napansin ni Pokwang ang palitan ng komento ng netizens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa TiktoClock host, yung ibang babae na nagkokomento sa mga post ni Lee ay nagpapapansin lamang sa dating partner.

Ang akala raw kasi ng mga babaeng ito ay papansinin sila ni Lee.

Kasunod nito ay inilaglag ni Pokwang si Lee: "manggagamit" ito at kung wala kang pera ay "t*e" ka rito.

Pasabog pa ni Pokwang: wala itong ibinibigay na suporta sa kanilang anak.

Buong komento ni Pokwang (published as is), “______true akala siguro nila papatulan sila ng kano nayan kahit magpapansin ka araw araw _____sa post nya stalker ka manggagamit yang taong yan hahhahahaha wa ka pera tae ka! anak nga nya walang suporta 5years!!!! inyo nayan sak sak mo sa ngala ngala mo!”

Pokwang drops bomb about Lee O'Brian's non-support for daughter Malia

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Malia ay nagdiwang kanyang ika-limang kaarawan noong January 18, 2023.

Ibig sabihin nito ay mula nang isilang ni Pokwang ang anak ay siya lamang ang sumusuporta rito.

Taliwas ito sa sinabi ng comedienne noong July 2022 nang maisiwalat sa publiko ang hiwalayan nila ni Lee.

Matatandaang may mga komento ang netizens na diumano'y palamunin lamang niya sa Lee sa kanilang bahay.

Masakit daw para sa komedyana ang mga nababasa niyang ito sa social media at kung anu-anong klaseng espekulasyon pa tungkol sa kanilang hiwalayan nila ni Lee.

Pagtatanggol pa niyang umiiyak, “Una sa lahat, walang third party, wala, in all fairness kay Papang.

"Di rin pera kagaya ng mga lumalabas na pera, hindi ho, walang ganun.

“Siguro naano lang kami, ano ba tawag dun? Napagod.

"Sana alam ng tao na yung hinuhusgahan niyo na si Lee O’Brian ay mabuting tao naman po. Mabuting ama.

“Nasasaktan lang ako sa mga nababasa ko. Kesyo palamunin ko raw. Masipag po yung tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pokwang defends ex-partner Lee O’Brian from "palamunin" accusation: “Masipag po yung tao.”

Samantala, nagpahiwatig na si Pokwang nitong mga nakaraang araw na may bago nang kinahuhumalingang babae si Lee.

Read: Pokwang drops bomb about ex-partner Lee O’Brian: “May nilalandi na sya.”

Biro pa niya, sana ay hindi "chaka" or pangit sa kanya ang ipinalit ng dating boyfriend.

Read: Pokwang takes swipe at Lee O'Brian's new relationship: "Akala ko ba ako na ang chaka?”

November 2021 pa hiwalay sina Pokwang at Lee. Pero July 2022 lang ito naisapubliko.

Read: Pokwang and Lee O’Brian broke up in November 2021—Ogie Diaz

July 10, 2022, kay Pokwang na mismo nanggaling na pitong buwan na silang hiwalay ni Lee.

Sabi pa ni Pokwang, nananatili silang co-parents sa five-year-old daughter nilang si Malia.

Read: Pokwang breaks silence on breakup with Lee O'Brian

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso comedienne-TV host Pokwang to women stalking ex-partner Lee O'Brian: "Manggagamit yang taong yan hahhahahaha, wa ka pera, tae ka! "
PHOTO/S: Courtesy: @niceprinphoto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results