PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang reacts to Lee O'Brian's new relationship

Pokwang: "Ang cheap!!!!”
by Arniel C. Serato
Published Jan 20, 2023
Pokwang takes a swipe at ex-partner's new "nilalandi"
Pokwang spills the tea about ex-partner Lee O'Brian's new girl in her Instagram Story: "Huh? Akala koba ako na ang chaka? Bwahahahahhaa ang cheap!!!!”
PHOTO/S: Courtesy: @itspokwang27 on Instagram

Unti-unti nang naglalabas ng saloobin si Pokwang tungkol sa ipinalit sa kanya ng dating partner na si Lee O’Brian.

Sa Instagram Story kagabi, January 19, 2023, may patutsada ang Kapuso comedienne/actress/TV host sa diumano’y ipinalit sa kanya ng dating kinakasama.

Ani Pokwang: “Nang makita mo pinalit sayo ng ex mo. Huh? Akala koba ako na ang chaka? Bwahahahahhaa ang cheap!!!!”

Pokwang on Lee O'Brian new partner

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanya namang post sa Instagram ngayong araw, January 20, ibinahagi ni Pokwang ang regalo niyang aso para sa ika-5 kaarawan ng anak na si Malia O’Brian noong January 18.

Pokwang on Lee O'Brian new partner

May hugot din siya sa kanyang caption dito.

Saad ng TiktoClock host: “deleted some people from my life and we welcome this cutie na mas tao pa ang puso [face blowing a kiss, heart emojis]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa kanyang mga post na ito, obserbasyon ng netizens, malalim ang hugot ni Pokwang ukol sa ex-partner niya.

Ang bigat daw kasi ng caption niya.

Pokwang on Lee O'Brian new partner

Pokwang on Lee O'Brian new partner

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kaswal na palitan ng mensahe nina Pokwang at TiktoClock co-host na si Kim Atienza nitong nakaraang mga araw, nagbigay ng pahiwatig ang komedyana na mayroon nang bagong “nilalandi” si Lee.

Dagdag pa niya, hindi man lang daw ito nag-effort magpakumbaba alang-alang sa anak nilang si Malia.

Saad niya, “@kuyakim_atienza wala na po hahhahahaaahaa may nilalandi na sya hahahhahhahahaa hindi nag effort na lunukin ang pride chicken para kay tisay!!! [laughing emojis]”

Parang nagselos naman daw si Pokwang base sa tono ng kanyang rebelasyon ayon sa isang netizen.

Pero ayon sa komedyana, na-cheap-an siya sa isyu kaya natatawa na lang siya.

Read: Pokwang drops bomb about ex-partner Lee O’Brian: “May nilalandi na sya.”

November 2021 pa hiwalay sina Pokwang at Lee. Pero July 2022 lang ito naisapubliko.

Read: Pokwang and Lee O’Brian broke up in November 2021—Ogie Diaz

July 10, 2022, kay Pokwang na mismo nanggaling na pitong buwan na silang hiwalay ni Lee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Pokwang, nananatili silang co-parents sa five-year-old daughter nilang si Malia.

Read: Pokwang breaks silence on breakup with Lee O'Brian

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang spills the tea about ex-partner Lee O'Brian's new girl in her Instagram Story: "Huh? Akala koba ako na ang chaka? Bwahahahahhaa ang cheap!!!!”
PHOTO/S: Courtesy: @itspokwang27 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results