Ipinagtapat ni Jed Madela na naisipan niyang iwan ang kanyang singing career noong 2021 dahil naramdaman niyang hindi na siya kailangan sa industriya.
Pakiramdam daw kasi niya ay naiitsapuwera siya sa tuwing may bago at mas batang singers na ipinakikilala.
Si Jed ay kilala bilang singer ng ABS-CBN. Napapanood siya bilang judge ng "Tawag ng Tanghalan" sa It's Showtime at bilang performer sa ASAP Natin To.
Kuwento niya sa vlog ni Toni Gonzaga nitong January 29, 2023, “There are times pag may bago nang artist na dumating, everybody goes crazy over that artist, and then nasa-shove aside ako, or feeling ko lang.
“Minsan parang kinukuwestiyon ko ang sarili ko na, ‘Is it still worth it to stay and keep singing?’ na mukhang wala naman, e, wala namang pumapansin…
“Na parang mas pinapansin na nila yung mas bata, mga bago.”
Pakiramdam daw ni Jed ay hindi nasusuklian ang efforts na ibinibigay niya bilang singer.
“And for a while, I considered stopping na lang kasi hindi na ako masaya. Hindi na ako masaya how the industry was treating me…
“Na parang binibigay ko lahat. My entire life, I’ve given so much love and passion sa music industry.
“Siguro kahit tanungin ko yung sarili ko na may pagkukulang [ba] ako, feeling ko wala din. Kasi lahat ng hinihingi nila, ibinibigay ko naman.
“Na pag sinabing, ‘Jed, kanta ka naman dito,’ ‘Jed, tulungan mo naman kami dito.’ Go!
“And then there were times naman na bigla na lang I didn’t hear anybody call my name, or call me, or ask for me.
“So, dun na ako nagkuwestiyon na parang, ‘Ano ba? Itutuloy ko pa ba to o tama na?’
“Sometimes all I want din naman is 'thank you' or a certain appreciation. Konti lang naman, yun lang naman, mapa-feel lang na yung efforts ko were not in vain.
“But sometimes, wala, nakakalimutan ka na, parang pagkatapos ng isang event or isang favor na ginawa mo, that’s it. Wala na.”
Sinarili raw ni Jed ito dahil ayaw niya ng “gulo, isyu, at mang-hassle ng ibang tao.”
Paliwanag niya, “Ayokong isipin nila na, ‘Arte-arte naman nito,’ na parang, ‘Ang dami na ngang binibigay sa yo tapos hindi mo pa naa-appreciate… Kailangan mo pa ng thank you.’”
JED's next move is to be a mentor
Dalawang dekada na si Jed bilang singer ngayong taon at magkakaroon siya ng anniversary concert.
“Sobra akong blessed kasi andito pa rin ako. I am blessed that I am given the opportunity to share kasi sayang lang din kung may talent ka, wala kang opportunity to share the talent," saad niya.
Sabi rin ni Jed, ang susunod na landas na tatahakin niya ay maging mentor sa mga aspiring singers.
Si Jedy ay kasalukuyang national director ng World Championships of Performing Arts sa Pilipnas.
“That’s the next step,” sabi ng singer, na pagtutuunan ang pagdiskubre at pagtuturo sa mga baguhang talents.
