PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maja Salvador’s sister tries luck in Binibining Pilipinas 2023

Jessie Salvador says sister Maja convinced her to try pageantry.
by Bernie V. Franco
Published Feb 1, 2023
jessie salvador, maja salvador, reign parani and kiara gregorio
Jessie Salvador (center), Maja Salvador's (left) younger sister submits application to Binibining Pilipinas 2023 pageant. Other celebs who submitted application are ex-PBB housemate Reign Parani (right, top) and TFC host Kiara Gregorio (right, bottom).
PHOTO/S: @maja, @randygabinmakeup, @bettyna_boop, @bbpilipinasofficial on Instagram

Susubukan ng nakababatang kapatid ni Maja Salvador, 34, na si Jessie Salvador, 25, ang kanyang suwerte sa national pageant.

Isa si Jessie sa mga aplikante para sa Binibining Pilipinas 2023.

Ayon kay Jessie, noong nakaraang taon pa niya pinag-iisipan kung sasali siya ng pageant pero naghintay siya ng “perfect time.”

Buong-buo naman ang suporta sa kanya ng ate niyang si Maja, na sunud-sunod ang IG Story nitong Martes, January 31, 2023, para maghayag ng suporta kay Jessie.

jessie salvador pageant

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inamin ni Jessie sa video interview ng pageant vlogger na si Adam Genato na isa si Maja sa mga nagkumbinsi sa kanyang subukan ang suwerte sa pageantry.

“Siya din yung isa sa nag-push sa akin na mag-join ng pageant kasi nga siguro sa height and, di ba, yung ganda…” sabi ni Jessie, na may taas na 5'6".

Tinanong si Jessie sa interview kung ano ang advice sa kanya ni Maja.

Sagot niya: “Wag kang paghinaan ng loob. Kasi lahat naman nadadaan sa training. Napag-aaralan ang lahat ng bagay, and maniwala ka lang sa sarili mo na kaya mo.”

Dagdag ni Jessie, na nagsimula na ring sumabak sa showbiz, maraming mga kaibigan at pamilya ang naghikayat sa kanyang sumali sa pageant.

Gusto raw ni Jessie na ma-build ang kanyang kumpiyansa sa sarili at hangad niyang magkaroon ng achievement sa buhay.

“Alam naman natin dito sa Pilipinas big deal ang pageant and I am so happy joining Binibining Pilipinas this year,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Jessie ay nag-train sa ilalim ng Aces & Queens, isa sa mga kilalang pageant camps sa Pilipinas.

jessie salvador

Samantala, kabilang din sa celebrities na nag-apply sa Binibining Pilipinas 2023 si Reign Parani, dating Pinoy Big Brother teen housemate at segment host ngayon sa PIE Channel.

Nagpasa rin ng application si Kiara Gregorio, TFC host at first runner-up sa Miss Philippines Earth 2016.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Higit limampung (50) aspirants ang nag-submit ng application at iaanunsiyo ng organization ang official candidates sa February 6.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessie Salvador (center), Maja Salvador's (left) younger sister submits application to Binibining Pilipinas 2023 pageant. Other celebs who submitted application are ex-PBB housemate Reign Parani (right, top) and TFC host Kiara Gregorio (right, bottom).
PHOTO/S: @maja, @randygabinmakeup, @bettyna_boop, @bbpilipinasofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results