Halos hindi makapaniwala ang TV host-actress na si Kim Chui sa kanyang kauna-unahang award bilang host.
Nasungkit ni Kim ang Best Female TV Host award sa 35th Star Awards For Television ng Philippine Movies Press Club (PMPC) na ginanap sa grand ballroom ng Winford Manila Resort and Casino sa Maynila noong January 28, 2023.
Sa episode ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime noong Lunes, January 30, 2023, emosyonal na pinasalamatan ni Kim ang It’s Showtime family sa tiwalang ibinigay sa kanya upang maging isa sa mga host ng programa.
Mensahe niya, “Thank you, [It's] Showtime. Grabe, first award ko ito, legit na ako.
“Legit na ako, thank you so much. May resibo, I want to cry.”
Aminado si Kim na hindi niya forte ang pagiging host, ngunit dahil sa It’s Showtime ay binigyan daw siya ng pagkakataong mag-explore.
Saad niya, “Hindi ko naman strength ang hosting. Naglalaro lang naman tayo rito, feeling ko.
“Pero salamat sa It’s Showtime dahil binigyan niyo ako ng pagkakataon.
“Every day, binibigyan niyo ako ng endless chances and endless opportunity. At yung award na yan kasi first award ko.”
Read: Pagbabalik ni Anne Curtis sa It's Showtime, ginawang isyu ng bashers ni Kim Chiu
Bukod sa mga kasamahan sa programa, nagpasalamat din si Kim sa kanyang fans at mga masugid na tagasubaybay ng It’s Showtime.
Aniya, “Sa lahat po ng sumusuporta sa akin at laging tumatawa sa mga jokes ko kahit waley, salamat at mabuhay kayong lahat.”
Dagdag pa niya, “Lets share good vibes every day. Thank you [It's] Showtime, I love you all.”
"LEGIT HOST NA ako!"
Samantala, sa Instagram post ni Kim noong January 31, muli niyang inalala kung paano siya nagsimula sa hosting hanggang sa makamit niya ang Best Female TV Host award.
Kalakip nito ang mga litrato niya habang hawak ang kanyang Star Awards trophy.
Mababasa sa kanyang caption (published as is), “What a way to start the year! Thank you PMPC Star Awards for this recognition.
“From guest co-host to regular host, from face shield to no face shield.
“From bashing to brushing it off and using it as constructive criticism, I used those words not to put me down but used them as a weapon to do better in what I am doing.”
Ibinahagi rin ni Kim kung sino ang nag-udyok sa kanyang subukan ang hosting.
Saad niya, “Hosting is not my strength with my voice; years ago, when I started showbiz, Mr. M pushed me to attend series of workshops in voice modulation.
“Diko gets before but now nahilot naman ng konte. thank you po. Never have I thought na makakapag host ako.”
Ang "Mr. M" na tinutukoy ni Kim ay si Johnny Manahan, ang co-founder ng talent management arm ng ABS-CBN na Star Magic.
Sa huli, pinasalamatan ni Kim ang mga taong tumulong sa kanya kalakip ng pangakong mas pagbubutihin niya ang trabaho.
Aniya, “From the bottom of my heart, I feel grateful to my ABS-CBN Family, Star Magic Family, and, of course, my SHOWTIME family. For not giving up on me and for all the trust na binibigay nila sa akin.
“Every day is a learning experience, and every day is endless opportunities and chances. Thank you, fam. LEGIT HOST NA ako!!!!!!!
“First award as a host and Im over the moon. Lubos po akong nag papasalamat.
“Sa lahat ng nakikitawa sa jokes ko thank you po, sa mga di naman, ill do better and shmpre sa mga co-host ko SALAMAT sa laging pag alalay at pag gabay sa akin. Love you, fam!!!
“Salamat din po sa lahat ng nag mamahal at sumusuporta sa akin.
“Thank you sa lahat ng bumubuo ng PMPC Star Awards and SALAMAT ITS SHOWTIME FAM.”
Noong September 28, 2020, unang ipinakilala si Kim bilang regular co-host ng It’s Showtime kung saan nakasama niya ang resident hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Karylle, Amy Perez, Jhong Hilario, Ryan Bang, Jugs Julueta, at Teddy Corpuz.
Read: Kim Chiu joins It's Showtime as regular co-host
Maliban sa It's Showtime, naging host din si Kim ng iba't ibang Kapamilya shows kagaya ng ASAP Natin 'To, Pinoy Big Brother: Kummunity, at Dream Maker.
