Inamin ni former Manila Mayor Isko Moreno na hindi pa rin sila nagkikita o nagkakausap ni Diego Castro kahit matagal nang magkarelasyon ang kani-kanilang mga anak.
Magkarelasyon ang anak ni Isko na si Joaquin Domagoso at anak ni Diego na si Raffa Castro.
Sina Joaquin at Raffa ay mayroon na ring anak, ang nine-month-old na si Scott Angelo Domagoso.
“Hindi pa. Wala pa yatang opportunity. But anytime…” pahayag ni Isko tungkol sa hindi pa nila pagkikita ni Diego.
Nagsalita si Isko sa interview ni Ogie Diaz sa February 3, 2023 vlog nito.
Kapansin-pansin ding tinukoy ni Ogie si Diego bilang “balae” ni Isko. Hindi naman ito kinontra ni Isko.
Tinawag ding “mag-asawa” ni Isko sina Joaquin at Raffa.
Wala pa namang ibinubunyag si Joaquin sa publiko na kasal na sila ni Raffa.
Read: Is Joaquin Domagoso planning to marry Raffa Castro?
WHY ISKO AND DIEGO HAS NOT MET UP
Binanggit ni Ogie ang August 2022 interview niya kay Diego, kung saan sinabi nitong hindi pa sila nagkikita ni Isko dahil hindi nagtutugma ang kanilang schedules at ayaw nilang i-pressure ang isa’t isa.
Read: Diego Castro admits he has yet to meet "balae" Isko Moreno
Pakiwari raw ni Ogie ay naghihintayan sina Diego at Isko kung sino ang unang makikipag-usap.
Katuwiran naman ni Isko, dapat manggaling ang inisyatibo kina Joaquin at Raffa.
“Oo, kasi ang dapat kasi mag-initiate si Joaquin or si Ella [Raffa]. Sila yun, e, with all honesty.
“Gusto ko yon na, okay, may laya kayo. Just tell us when, where, what.
“Ayokong mangingialam sa ano man ang gusto nilang gawin bilang mag-asawa, kasi yun din naman yung ginawa ko dati.
“So those are the things that I don’t touch. Unless, asked,” paliwanag niya.
Sinubukan na bang mag-reach out ni Isko bilang anak niya ang lalaki?
“No, no, no, no. Wala pa naman, wala pa naman,” sagot ni Isko.
“But the mother, nagkita-kita na kami. 2021, I guess, if I’m not mistaken. Nagsama pa kami sa New Year.”
Ang tinutukoy na "mother" ni Isko ay ang ina ni Raffa na si Angela Lagunzad, na gaya ni Diego ay isa ring newscaster.
Darating ba ang araw na makikita kasama ni Isko ang kanyang mga balae?
“Of course, anytime. Anytime…” tugon niya.
Tahasang inusisa ni Ogie si Isko kung may isyu sila ni Diego.
“Wala… at all. As in, like, 100 percent,” sagot niya.
Giit pa ni Isko, hindi niya itinago noon na magkakaanak na si Joaquin.
Tinanong daw siya noon ng reporters kung bakit hindi niya ito isinasapubliko. Katuwiran ni Isko, hindi naman kasi siya tinanong.
“So it was never hidden. It’s just that by not saying, it’s giving respect to the person who did it, like Joaquin and Ella.
“Sila yung involved, e.
“Ang gusto ko kasi yung privacy nila, sila ang maglabas hangga’t maaari. Sila kasi yung mga dapat maging responsible dahil magulang na sila, e.”
Sinabi rin ni Isko na “retired” na siya sa politics pagkatapos magsilbi sa loob ng dalawang dekada.
“As far as I’m concerned, I’m happy now. I’m enjoying my life,” sambit niya.
