PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

NCCA officials on lineup of activities for National Arts Month

NCCA officials present lineup of activities for the National Arts Month.
by Jerry Olea
Published Feb 4, 2023
ncca presscon national arts month
NATIONAL ARTS MONTH MEDIACON: (top, left) Arts Ambassador Catriona Gray was welcomed by cultural dancers at the Metropolitan Theater; (top, right) Sindaw Philippines Performing Arts Group; (bottom, left) renowned singer Bayang Barrios also performed at the mediacon; (bottom, right) soprano Myramae Meneses singing her rendition of "Sa Kabukiran" and "Leron Leron Sinta."
PHOTO/S: National Commission for Culture and the Arts Facebook

Lubos ang kasiyahan ni Dr. Arvin Manuel R. Villalon sa face-to-face mediacon ng National Arts Month (NAM) 2023 nitong Pebrero 1, 2023, Miyerkules, sa Metropolitan Theater ng Manila.

Si Dr. Villalon ay Commissioner ng Subcommision on the Arts ng NCCA (National Commission for Culture and the Arts), at incoming head ng National Committee on Music.

dr. arvin manuel villalon ncca

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dr. Arvin Manuel Villalon

“For the past years, dahil sa pandemic, panay online ang ginagawa. Ito po’y hindi ordinaryo itong presscon sa amin,” lahad ni Dr. Villalon.

“For the first time, tayo pong lahat ay nagkasama-sama dito. Kaya celebratory ito, Arts Month, na gagawin.

“Pero gusto kong banggitin dito, doon sa aming research na ginawa. Doon sa cultural response and resiliency plan, may tinanong kami sa madlang Pilipino. It was a survey.

“Mahalaga ba ang sining sa panahon ng pandemic? Kasi pag tiningnan mo, iyon yung real test. May nagsasabi kasi na, ‘Wala naman siyang halaga. Hindi siya essential.’

“Pero noong nag-survey kami nationwide, merong limang bagay. Top 5 answers na gusto kong ibahagi ngayong hapon na ito.

“Akala natin, una is yung entertainment. Iyon ang pangalawa. Ano ang sagot ng Pilipino? ‘Dahil ang sining ay isang paraan para magbuklud-buklod ang bayan.’

“So, kung ang sining ay nandiyan, merong pagsasama. Kaya nami-miss natin ang sining, kahit ano mang porma ng sining.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Yung pangalawa, dahil ito’y mae-entertain ka. Naaaliw ka. Iyong pangatlo, palagay ko, very timely.

“Sagot ng Pilipino, ‘It promotes mental health and well-being.’ Lalo na pag malungkot ka, may problema. Ang sining ay yung pinupuntahan mo.

“At yung pang-apat, ito yung talagang very timely — siya ang transmitter of values. Sa pamamagitan ng sining, may ipinapahayag kaming mga pagpapahalaga.

“At ang panlima na palagay ko, matindi ito. Ito ang humuhubog sa atin sa pamamagitan ng identidad bilang kung sino tayo.

“Kaya naalala ko noong ginawa namin ang heritage mapping sa Oas, isinama si Catriona [Gray] bilang icon ng Oas, Albay.

“Noong tinanong ko yung mga tao, ‘Bakit niyo siya sinama, hindi dahil siya ay isang beauty queen?’

“Alam nyo ang sinagot nila, ‘Because Miss Catriona makes us proud.’ So, ang gusto natin sa sining is that we will be proud. And we would like to encourage more people to go into the arts.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Catriona Gray, pang-Miss Universe ang speech bilang arts ambassador ng NCCA

Ang tema ng pagdiriwang ng NAM 2023 ay “Ani ng Sining, Bunga ng Galing.”

ani ng sining poster

MUSIC

Nag-segue si Dr. Villalon sa mga proyekto ng National Committee on Music kaugnay sa pagdiriwang ng National Arts Month.

Aniya, “Marami po kaming activities sa buong buwan. Hindi lang siya February, kundi even extends until April. Biro mo, sobrang dami!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa amin po sa Music committee, meron po kaming konsepto ng eight living cultures. Sinimulan po ito ni Prof. Felipe de Leon wayback on 2015 at iyung eight living cultures, we’ll talk about the music cultures, sa musika at sa sayaw.

“We’ll talk about the indigenous peoples, the Moro peoples, the lowland folk cultures, the popular Filipino culture. Kasama din yung academic, classical na minsan akala natin, ganun iyung musika.

“Yung violin, yung classical singing like opera. O pati yung pop Western at ang music of social concern.

“Kumbaga, gusto nating maghimok sa bayan kung ano ang mga pagbabagong kailangan, at siyempre the music of nationhood.

“Kaya pinili ng Music committee, tatlong sites para sa taong ito. Aming gagawin ang Musikapuluan: Mga Bagong Tugtugin natin, iyon po iyung konsepto, at ito po ay gaganapin sa February 28, sa katapusan ng buwan ng Pebrero sa Silliman University at pinamagatang Handulantaw.

“So isang handog, lantaw, pagbabalik, pagtingin, at kung saan ito ay ipapakita ang mga sining ng Visayas. Hindi lang Central Visayas, kasama ang Eastern at Western Visayas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na dadaluhan ng mga koro, ng mga rondalla groups na kung saan meron pong mga expressions ng iba’t ibang music forms.

“At meron din po kami sa March 2 sa Tacurong City. Ito naman po iyong ambag namin. Aming imi-meet up o bibigyan po namin ng espasyo ang ating mga kapatid na Moro, kung saan magtatanghal sila ng iba’t ibang music forms, mga kulintangan.

“Gusto naming abangan ito, pati na po ang iba’t ibang mga lumad, at ito po’y sponsored ng local government unit of Tacurong City.

“At yung panghuli naming activity, sa March 27, at gaganapin mismo dito sa Metropolitan Theater, ito po’y sa gabi samantalang iyong mga binanggit ko kanina ay sa hapon para madaluhan talaga ng mas maraming tao.

“Ito naman po ay ang celebration ng iba’t ibang mga ani mula sa mga nanalong symphonic band, meron din po kaming choral groups, new works and compositions.

“Lahat po ito ay mga ani ng sining na gusto naming ipahayag, iparamdam sa inyong lahat. Kaya lahat tayo, may puwang sa sining. Halina at maki-Sining!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ARCHITECTURE AND ALLIED ARTS

Saan Ka Lulugar (SKL) 2023: Resiliency in the Built and Designed Environment ang flagship project ng National Committee on Architecture and Allied Arts (NCAAA) at United Architects of the Philippines.

Ito’y sa pakikipagtulungan ng Philippine Institute of Interior Designers, Philippine Association of Landscape Architects, at Philippine Institute of Environmental Planners.

Gaganapin ang webinar na SKL 2023 sa Pebrero 27 sa Metropolitan Theater, at sa Marso 3 sa University of San Carlos sa Cebu City.

Pahayag ni Dr. Cathe Desiree S. Nadal, na Head ng National Committee on Architecture and Allied Arts, “Ang mga activities na ihinanda po namin ay nagpapakita ng natatanging galing ng mga landscape architects, architects, environmental planners at interior designers.

“Ito po yung form of arts na nais po naming ibahagi sa ating kapwa Pilipino. Lahat ng ito ay makatutulong dahil dala-dala po ng aming activities ang mga kuwento at ang mga istorya na mula sa ating mga arkitekto at allied arts, at para matuto rin po ang ating mga kapwa Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaugnay nito, sa ika-12 ng Pebrero, ang komite ay naghanda ng isang walking tour sa Rizal Park. Ito po ay gaganapin sa opening ng National Arts Month.

“Ang title po ng walking tour ay Bagong Bayan Tourism: A Historic Walking Tour.”

ncca presscon

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(From left) Ms. Kaye Oyek-Daya, NCCA National Committee on Visual Arts vice head; Dr. Cathe Desiree Nadal, Head of the National Committee on Architecture and the Allied Arts; and Dr. Arvin Manuel Villalon, NCCA Commissioner for the Arts and Head of the National Committee on Music.

Related Stories:

CINEMA

Ang Cinema Rehiyon ang flagship project ng NCCA-National Committee on Cinema. Nasa ika-15 taon na ito.

“Taun-taon po ito ay iniikot sa Luzon, Visayas and Mindanao,” pahayag ni Butch Ibañez, Vice Head ng National Committee on Cinema.

“For this year, Luzon po. It’s Luzon’s turn, at ang napili po natin ay ang City of Baguio. Doon po sa Baguio, we plan to bring in a hundred filmmakers, 20 major regional film festivals, converging in Baguio City from March 26 to April 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At ang pinakasentro po ng activity is the Baguio Convention Center. Lahat po ng screenings ng Cinema Rehiyon ay libre sa public.

“Aside from the face-to-face screenings, kasi two years po tayong nag-online. This year po kami babalik sa onsite screening. Itutuloy po natin ang pagkakaroon ng online component.

“At may dagdag pa po kami, meron po kaming on-air component. Meron din po tayong free TV screening through SolarFlix. Ito po ay para naman doon sa mga mahina or walang internet connection.

“So, wala pong excuse para hindi makanood ng Cinema Rehiyon ngayong Marso.”

butch ibanez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Butch Ibañez

DANCE

Labimpitong taon na ang touring dance concert na Sayaw Pinoy, na itinatag ng pinuno ng National Committee on Dance na si Dr. Shirley Halili-Cruz.

Kaugnay sa NAM 2023 ay itatanghal ito sa Zamboanga (Pebrero 2 at 3), Concert at the Park sa Luneta (Pebrero 19), San Fernando at Mabalacat, Pampanga (Pebrero 27), Bulacan, Tarlac at Baguio (Marso 1 at 2), at Negros Occidental (Marso 27 at 28).

Salaysay ni Dr. Halili-Cruz, “We have toured 300 cities and municipalities, and we were able to engage 536 dance groups.

“We take pride with the fact that we have always on average 5,000 audience in every Sayaw Pinoy concert.”

dr. shirley halili-cruz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dr. Shirley Halili-Cruz

Nang mag-migrate online ang Sayaw Pinoy dahil sa paglaganap ng pandemya, umabot sa 5M ang kanilang manonood sa tatlumpong (30) pagtatanghal nila.

Dagdag ni Dr. Halili-Cruz, “We make sure that the different genres are presented. So we have folk dance, traditonal dances from indigenous communities, classical ballet, neo-classical, contemporary, ballroom and hip-hop.”

sindaw philippines performing arts group

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sindaw Philippines Performing Arts Group

LITERARY ARTS

Panitikan ng Panumduman ang iko-conduct ng National Committee on Literary Arts (NCLA) kaugnay sa NAM 2023.

“In standard Filipino, Panitikan ng Alaala,” paliwanag ni Niles Jordan Breis, ang pinuno ng NCLA.

“It is an on-site conference that will delve into the Literature of Memory within and along the strands of Klima, may mga pagtatalakay tungkol sa klima; Kuwerpo, body or katawan; and Kronika, chronicle or history of prose.

“The conference will serve as a discursive and reflective space to deeper our understanding of memory or alaala, and to heighten our awareness of some of its most pertinent studies, insights, and possibilities relative to old and new writings.”

niles jordan breis

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Niles Jordan Breis

Ang public plenary event ay gaganapin sa Marso 23-25 sa Sison Auditorium sa Lingayen, Pangasinan.

Keynote speakers ang National Artists na sina Resil Mojares at Jimmy Abad. Pagpupugayan ang literary stalwarts ng Pangasinan na sina National Artist F. Sionil Jose, Carlos Bulosan, Maria Magsano, at Juan Hidalgo.

VISUAL ARTS

Ikatlong taon nang ginagawa ng National Committee on Visual Arts (NCVA) ang Bagong Biswal na may tatlong parte — Sineng Sining, Sining Sinag, at Sining Biswal.

“Gusto po nating ipakita ang nagbabagong anyo ng sining biswal dala ng pandemya at ng mga kaganapan sa ating bansa at sa buong mundo,” pahayag ni Kaye Oyek-Daya, vice head ng NCVA.

“Ang Sining Sinag ay face-to-face exhibition sa Pebrero 24-26 sa isang art fest. Isa po itong art hub kung saan magsasama-sama ang mga alagad ng sining biswal sa paggawa ng murals, installations, pagpapa-workshop at pagpe-perform ng art.

“Meron din po tayong Sining Sinag ngayong taon sa Visayas at sa Mindanao. Mga pocket exhibitions po iyan na iho-hold natin sa regions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bukod po doon, meron din tayong Sining Biswal series ng webinar na ipinapalabas namin nang live sa Facebook page ng National Committee on Visual Arts, at nasa-simulcast din po ito sa PTV and sa NCCA Channel.

“March 1-13, mga art talks po ito at mga interviews sa ating mga visual artists. Susunod po doon, meron naman tayong Sineng Sining from March 15 to 17.

“Ina-announce po natin ngayon na pinagsa-submit natin ang mga artists sa regions ng kanilang mga video para maiparating nila sa atin kung ano ang kanilang mga pinagkakaabalahang project sa communities nila, mga exhibitions nila, at para maipalabas din po namin ito sa NCVA Facebook Page.”

OPENING CEREMONY AND DRAMATIC ARTS

Ang opening ceremony ng National Arts Month ay sa Pebrero 12, Linggo, 2:00-8:30 p.m., sa Rizal Park Open Air Auditorium.

“May dalawang bahagi po ang ating palatuntunan,” pagsisiwalat ni Edward Perez, ang pinuno ng National Committee on Dramatic Arts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“From 2:00 to 4:00 p.m., there will be parallel workshops ng seven committees. Then after that, there’s going to be a parade by 5:00 o’clock, and proceed to the 6:00 o’clock performance.”

edward perez

Edward Perez

Iba’t iba ang workshop ng pitong art forms. Merong kantahan, sayawan, walking tour, tula at pasiklaban sa paglikha ng spoken words, sine-cellphone at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyong parada ay upang ibando sa publiko na magkakaroon ng pagtatanghal pagsapit ng 6:00 pm.

Tatlong bahagi ang pagtatanghal na iso-showcase ang galing ng mga sining-Pinoy.

Dagdag ni G. Perez, “Naniniwala tayo na ang sining ay maaaring tuntungan para sa mas maunlad na bukas. Ibig sabihin, maaaring pagsimulan, lalo na ngayon na pinagtibay na ang tinatawag na Creative Industry Bill.

“Pagkakataon ito para mapag-isipan natin, paano nga ba makakatulong ang sining hindi lamang sa pag-unlad hindi lamang sa kalagayan o katayuan ng mga alagad ng sining sa Pilipinas, bagkus makakatulong ang sining sa pag-unlad ng bansa.”

May maikling monologo si Fernando Josef, at may tatlong awit si Joey Ayala at ang Bagong Lumad.

Punong-abala rin ang National Committee on Dramatic Arts sa 17th Tanghal: National University and Community Theater Festival.

Pambansa ang pagdiriwang nito, subalit regional ang operation.

Paliwanag ni G. Perez, “Magkakaroon tayo ng apat na Tanghal, apat na festival. Iyong lahat po ng grupo sa Mindanao ay magkikita-kita sa La Salle Ozamiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iyong sa Visayas ay magkikita-kita naman po sa Cebu. Iyon pong sa Luzon ay magkikita-kita naman po sa Laguna. At iyon pong sa NCR ay magkikita-kita po sa Malabon.

“Magsisimula po ito nang Pebrero 24-28 pero aabot po ito ng Marso para sa gayon, lahat po ng mga piling pagtatanghal sa bawa’t rehiyon ay pagsasamahin para ipakita sa online.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
NATIONAL ARTS MONTH MEDIACON: (top, left) Arts Ambassador Catriona Gray was welcomed by cultural dancers at the Metropolitan Theater; (top, right) Sindaw Philippines Performing Arts Group; (bottom, left) renowned singer Bayang Barrios also performed at the mediacon; (bottom, right) soprano Myramae Meneses singing her rendition of "Sa Kabukiran" and "Leron Leron Sinta."
PHOTO/S: National Commission for Culture and the Arts Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results