Nagpakilig si Fabio Ide sa NET25 romantic drama series na Ikaw Ay Akin (Book 2) noong 2021, kung saan katambal niya si Meg Imperial.
Kapagkuwan ay nagpainit si Fabio sa dalawang Vivamax project last year, ang pelikulang Purificacion at four-part series na AN/NA.
“Kasi, Viva artist ako,” napangiting sambit ni Fabio nang makatsikahan ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) nitong Pebrero 8, 2023, Miyerkules ng gabi, sa The Grid ng Power Plant mall, Rockwell Center, Makati City.
May next project na ba siya sa Vivamax?
“Right now, I’m still waiting. Sabi ni Ms. Veronique [del Rosario] na meron, so I’m just waiting for the next project,” tugon ng 39-anyos na Brazilian-Japanese model-turned-actor.
“Kasi medyo parang bakasyon pa rin yung isip e, di ba, January. So now, pag magsimula ulit, excited na ako.
“Kasi I’m just like, you know, getting to the work mode again. Pero as of now, I’m just working out, trying to keep myself fit para maganda ang katawan tsaka super-focused din ako sa mga business ko.”
Part-owner si Fabio ng ilang bar at restaurant, kagaya ng Mexican restaurant sa Siargao na Zicatela, Xylo at The Palace sa BGC, Yes Please, among others.
“We have just opened a new club now which is called Clubhouse sa BGC, where The Palace is,” sambit ni Fabio.
Nagko-conflict ba sa showbiz career niya ang pag-aasikaso sa mga negosyo?
“Hindi naman. Kasi pag wala akong taping, dun na ako gustong mag-focus. Pero pag walang taping, business. Pag sa business, walang taping.
“So ganun, medyo sabay ang focus ko.”
THE VIVA EXPERIENCE
Kumusta so far ang Vivamax experience niya sa pelikulang Purificacion at seryeng AN/NA?
“OK naman. Siyempre medyo nagulat ako noong first time, di ba, na nakahubad, tapos ano may plaster,” pagtatapat ni Fabio.
“Pero sobrang professional talaga yung mga direktor, yung mga co-actors ko, yung mga staff.
“Everybody made me very comfortable kahit nakahubad. So OK naman. Professional, super-professional sila. So they made me feel na, ‘O sige, kaya ko to!’”
Siya ba mismo ang gustong mag-plaster? O ni-require, ni-request iyon ng kaeksena niya?
“Actually ano, yes. Nag-require yung mga co-stars ko. So, para mas komportable at saka first time na ano, di ba, like yung medyo malakasan na eksena na may sex scene.
“So OK naman, walang problema sa akin basta maganda yung script, maganda yung direktor, maganda yung story.
“So I’m game to do another project for Vivamax. I’m a Viva artist so sana, malapit na. Ha! Ha! Ha!”
Nagulat ba ang mga kaibigan at kakilala niya nang mapanood ang mapangahas niyang pagganap?
“Actually, yung mga kaibigan ko, sinabi nila na, lalo na yung Purificacion, sobrang ganda yung story,” lahad ni Fabio.
“Maganda yung story, e. Hindi basta-basta yung puro sex scene, di ba? So, tingin ko, pag maganda ang story, then walang problema.
“And yung mga kaibigan ko, they’re gonna support me naman.”
Ang Purificacion ay nag-streaming umpisa Agosto 5, 2022, Biyernes. Idinirek ito ni GB Sampedro, at pinagbidahan nina Josef Elizalde at Cara Gonzales.
Kasama rin sa cast nito Ava Mendez, Rob Guinto, Kat Dovey, Quinn Carillo, at Stephanie Raz.
Ang first episode ng AN/NA ay nagsimulang mag-streaming noong Setyembre 25, Linggo. Idinirek ito ni Jose Javier Reyes, at title role dito si Janelle Tee.
Nasa cast din ng AN/NA sina Rob Guinto, Migs Almendras, Nico Locco, Micaella Raz, at Greg Hawkins.
TAMED SEX SCENES AND NUDE SCENES
Nagbawas ang Vivamax ng matitinding eksena sa ilang pelikula nila, lalo na iyong erection or masturbation scenes ng lalaki, kahit pa prosthetic iyon.
Read: Hubadero 2022 Edition: Male stars who did frontal nudity (real or prosthetic) in movies
Tinanggal ang ilang eksena sa 2022 Vivamax movies na Silip sa Apoy, Alapaap, Bata Pa Si Sabel, at Bugso — bago pa magpirmahan ng memorandum of agreement ang Vivamax at MTRCB noong Enero 27, Biyernes.
Read: Vivamax, partner ng MTRCB sa Responsableng Panonood campaign
“Ahh talaga? Hindi ko alam, e,” pakli ni Fabio.
Kapansin-pansin sa online promo ng Vivamax projects na nakadamit ang mga artista. Pero sa pelikula o serye naman ay umaatikabo pa rin ang hubaran at harutan.
Meron pa ngang dalawang lalaking ekstra na nag-frontal sa party scene ng “Girl 11,” ang ikalawang episode ng four-part anthology na Erotica Manila, na nag-streaming noong Pebrero 5, Linggo.
“Ahh yung sa promo, pero pag sa pelikula, OK lang.”
Hanggang saan ba ang kaya niyang gawin o ipakita?
“Ahh yung ginawa ko. Yung like normal sex scene tapos may plaster. Yun lang. Ayaw ko na todo ano, nakahubad,” pagsisiwalat ni Fabio.
“Siyempre may anak ako, e. May daughter ako. So I wanna be respectful also. Pero like I said, professional din ako and kung maganda ang story, game na game.”
So, mas OK para sa kanya na nag-tone down relatively ang Vivamax, at hindi na siya ire-require just in case na mag-frontal?
“Yung mga project na ginawa ko, I didn’t have to do frontal. Puro butt exposure only. So kung ganun, walang problema sa akin.”
What if may requirement na mag-frontal siya?
“No, no. I think I wouldn’t do it! For respect to my daughter,” bulalas ni Fabio.
“Kaya may limitation ako. Yung ngayon, sakto sa akin. Feeling ko pag ano, pag frontal or something more like that, then it becomes a little bit more than what I’m looking for.”
Eight years old na ang daughter ni Fabio. Hindi pa siya married, pero meron siyang girlfriend.
“My girlfriend understands naman, e. Sumuporta siya sa akin.”
Ano ang balak nila ng kanyang girlfriend for Valentine’s Day?
“Actually aalis na siya Friday ng umaga for Bangkok, Thailand. Business trip, company call. She’s going with ten people there,” sabi ni Fabio.
“So yung Valentine’s, I’ll be alone in Manila. So feeling ko, I’m just gonna do gimik-gimik kasama yung mga single friends ko! Ha! Ha! Ha!”
