Cesar Montano hopes Sunshine Cruz and Macky Mathay will reconcile

Cesar Montano on Sunshine and Macky: "Sana sila na."
by Melba R. Llanera
Feb 10, 2023
Cesar Montano on Sunshine Cruz and Macky Mathay's breakup
Cesar Montano on Sunshine Cruz's ex-boyfriend Macky Mathay. "Ang bait-bait nung tao, ang guwapo-guwapo pa. Na-meet ko, e. Sana sila na." Seen on the center is a photo of Macky and Cesar shaking hands when they met at the 18th birthday of Cesar and Sunshine's daughter.
PHOTO/S: @MACKYMATHAY / @CESARBUBOYMONTANO / @SUNSHINECRUZ718 INSTAGRAM

Nakarating kay Cesar Montano ang payo ni Sunshine Cruz na magpakabait ang aktor sa partner na si Kath Angeles.

Ex-wife ni Cesar si Sunshine, at tatlo ang anak nilang sina Angelina, Samantha, at Chesca.

Current partner ni Cesar si Kath, at tatlo rin ang anak nila na sina Samuel, Liam, at Kristen.

Ani Sunshine, base sa panayam ng aktres sa Fast Talk With Boy Abunda: "Sabi ko nga kay Cesar, 'Magpakabait ka na diyan kay Kath. Napakaganda, napakabait, napakasuwerte mo. Mag-behave ka.'

"Kung hindi, makakaaway niya kaming lahat ng mga anak ko."

Read: Sunshine Cruz tells ex-husband Cesar Montano “mag-behave ka” with his current partner

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hiningan si Cesar ng reaksiyon sa mensahe sa kanya ni Sunshine.

"Oo nga, e, mayroon siyang advice. Advice ko rin sa kanya, sana si Macky na," hirit ni Cesar.

Ang tinukoy ni Cesar na "Macky" ay ang ex-boyfriend ni Sunshine na si Macky Mathay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Cesar, "Ang bait-bait nung tao, ang guwapo-guwapo pa. Na-meet ko, e. Sana sila na."

Pero nilinaw ni Cesar na wala siya sa posisyon para pangunahan si Sunshine sa love life nito.

Diin ni Cesar: "Wala akong kinalaman diyan, buhay niya yan, e. But my prayer for them, of course, is maging maayos."

Nakapanayam ng PEP.ph si Cesar sa grand conference ng pelikulang Martry Or Murderer ng Viva Films, na ginanap sa Podium Hall ng The Podium kahapon, February 9, 2023.

WHEN CESAR MONTANO MET MACKY MATHAY

Nakilala ni Cesar si Macky sa 18th birthday ni Samantha noong August 2022.

Matatandaang nag-post pa si Macky ng litrato nag pagkakamay nila ni Cesar nang magkita sila sa okasyon.

Naghayag din noon si Macky ng suporta para sa pagkakaayos nina Sunshine at Cesar.

Read: Macky Mathay posts handshake photo with Sunshine Cruz's ex-husband Cesar Montano

Nang sumunod na buwan, September 2022, nabalita ang usap-usapang hiwalay na sina Sunshine at Macky.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong February 2, 2023, kinumpirma ni Sunshine ang breakup nila ng boyfriend of four years.

Read: Sunshine Cruz finally breaks silence on breakup with Macky Mathay

CESAR MONTANO ON GOOD TERMS WITH SUNSHINE CRUZ

Sa kaso naman nina Cesar at Sunshine, masaya si Cesar na tuluy-tuloy ang maayos na pakikitungo nila ni Sunshine sa isa't isa.

"Of course, I thank God for it. It's everybody's prayer, I think, na maayos ang isang pamilya.

"Marami tayong kaibigan na nagpe-pray for us. Ako, wala ngang effort, e.

"Prayer lang yun, constant prayer lang. Hindi lang ako, pati mga kaibigan namin."

Kontrobersiyal man noon ang sanga-sangang legal battle kaugnay ng kanilang hiwalayan, ngayon ay may co-parenting set-up na sila.

"Siyempre, alam niyo naman na sobra siya as a mom sa mga anak niya. Siyempre, sino naman ang pipigil? Tatay nila ako," simpleng saad ni Cesar.

CESAR MONTANO ON TERESA LOYZAGA

Umiwas naman magbigay ng komento si Cesar sa pahayag ni Teresa Loyzaga na hindi pa rin sila on speaking terms.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Teresa ay dating karelasyon ni Cesar. Sina Teresa at Cesar ang mga magulang ng aktor na si Diego Loyzaga.

Kamakailan ay inamin ni Teresa na pinapadaan niya kay Diego kung anuman ang gusto niyang ipasabi kay Cesar.

Ito ay sa kabila ng pagsuporta ni Teresa sa pagkakaayos ng mag-amang Diego at Cesar, pati na rin nina Sunshine at Cesar.

"Basta gusto ko lahat maayos," sabi lang ni Cesar ukol sa gap nila ni Teresa.

Pagdating sa anak na si Diego, ibinahagi ni Cesar na masaya siya na bukod sa bonding moments nila ni Diego ay nagkatrabaho pa sila sa pelikula.

Saad ng actor-director, "Of course, I thank God, I praise God, and only God can do that. Only a great God can do that, na maayos lang ang pamilya mo.

"Ako naman I just waited for it and I kept praying for this situation to happen."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cesar Montano on Sunshine Cruz's ex-boyfriend Macky Mathay. "Ang bait-bait nung tao, ang guwapo-guwapo pa. Na-meet ko, e. Sana sila na." Seen on the center is a photo of Macky and Cesar shaking hands when they met at the 18th birthday of Cesar and Sunshine's daughter.
PHOTO/S: @MACKYMATHAY / @CESARBUBOYMONTANO / @SUNSHINECRUZ718 INSTAGRAM
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results