PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Celeste Cortesi trends on Twitter after appearing on Darna finale

Celeste is Queen of Marte in Darna finale.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 11, 2023
Celeste Cortesi trends on Twitter after appearing at Darna finale
Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi surprises netizens as she made a special appearance as Queen of Marte in the finale episode of Mars Ravelo's Darna on Friday night, February 10, 2023.
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube

Usap-usapan ngayon sa Twitter Philippines ang special appearance ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi sa finale episode ng Mars Ravelo’s Darna.

Gumanap si Celeste bilang reyna ng Marte, ang planetang pinanggalingan ng nanay ni Darna/Narda (Jane De Leon) na si Zorra/Leonor (Iza Calzado).

Read: Jane de Leon on how Darna changed her life: "Nakaahon po kami, guminhawa po yung buhay namin."

Ikinatuwa at ikinagulat ng maraming tagahanga ni Celeste ang kanyang paglabas sa serye, dahilan para mag-trending ang kanyang pangalan sa Twitter.

Celeste Cortesi trends on Twitter after appearing at Darna finale

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tweet ng isang netizen, “Kaya pala hindi nanalo si Celeste Cortesi sa Miss Universe kasi Queen of Marte pala siya. First alien contestant of Miss Universe.”

Hindi makapaniwalang tweet ng isa, “Super unexpected on a Super Finale. Just wow! Very Queenly! The Queen of Marte-Celeste.”

Marami rin ang humanga sa Filipino-Italian beauty queen dahil sa ipinakita raw nitong galing sa pagsasalita ng tagalog.

Bilang pinuno ng planetang Marte, pinasalamatan ni Celeste si Darna dahil sa ginawa nitong kabayanihan para sagipin ang kanilang planeta.

Sabi niya kay Darna, “Nagtagumpay ka sa misyon mo. Tunay kang anak ng magiting na mandirigmang si Zorra, matapang at maaasahan. Nararapat kang maging protector.

“Maraming salamat sa mga sakripisyo mo. Dahil sa ginawa mo, nailigtas mo hindi lang ang mundo mo, kundi ang buong kalawakan.

"Ang tahanan ng bato ay sa Marte, pero dahil ang daigdig na ito ang tahanan mo, mananatili ang bato dito kasama mo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ang kapangyarihan ng bato ay hindi lamang para sa Marte, kundi para sa buong kalawakan."

Ang mga linyang ito ang lalong nagpahanga sa kanyang fans.

Mababasang tweet ng isang netizen, “MUPH2022 Queen Celeste Cortesi plays the Marte queen in the episode finale of Darna tonight! Kudos on her tagalog lines! Wonderful acting debut.”

Saad ng isa, “Celeste Cortesi fluently speaking in tagalog. Love it!”

Bago ang kanyang paglabas sa Darna, ginulat ni Celeste ang maraming Pinoy pageant fans nang irampa niya sa national costume segment ng Miss Universe 2022 ang iconic costume ng Pinay superhero na si Darna sa preliminary competition ng international beauty pageant noong January 12, 2023.

Read: Mars Ravelo's Darna shows support for Celeste Cortesi

Si Asia's Songbird Regine Velasquez ang unang napabalitang magge-guest sa Darna ngunit dahil sa hindi nagtugmang schedule nila ng bidang si Jane ay hindi natuloy ang singer-actress.

Read: Jane de Leon clarifies cancelled Regine Velasquez cameo in Darna

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi surprises netizens as she made a special appearance as Queen of Marte in the finale episode of Mars Ravelo's Darna on Friday night, February 10, 2023.
PHOTO/S: Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results