Nagkaroon ng kalituhan sa netizens ang “senior” post ni Ogie Alcasid sa kanyang social media accounts kahapon, February 12, 2023.
Inakala kasi ng mga nakabasa nitong discounted na ang Kapamilya singer-songwriter.
Sa nasabing post, ibinahagi ng ASAP Natin ‘To at It's Showtime mainstay ang dalawang identification cards niya sa dalawang asosasyon ng larong golf na kanyang kinabibilangan.
Ito ay ang Federation of Philippine Amateur Senior Golfers, Inc. at Federation of Golf Clubs Phils., Inc.
Saan ni Ogie sa caption, “Yep, senior na po talaga. [smiling face with three hearts, praying hands emojis]”
View this post on Instagram
Biro ng kaibigang si Gary Valenciano sa comments section, “Huh? Nauna ka pa sa akin [laughing emoji] baka naman Señor at di senior”
Tugon ni Ogie, “@garyvalenciano hahaha senior golfer bro [laughing emojis]”

Tanong naman ng kapatid ni Ogie na si Gigi Alcasid, “why are you senior?”
Sagot ng singer-comedian, “@gialcasid senior golfer is at 55 ate”

Hindi naman makapaniwala ang isang netizen na "senior citizen" na si Ogie.
Saad niya, “Wow looking gorgeous at 60! [thumbs up emoji]”
Paglilinaw ni Ogie, “@myjaneb 55 lang po”

Ang inakala ng ordinaryong mamamayan ay senior citizen na si Ogie.
Maituturing na “senior citizen” sa Pilipinas ang isang tao kapag tumuntong na ito sa edad na sixty (60).
Kapag isang senior citizen na ang isang Pilipino, maaari na siyang makapag-avail ng 20 percent discount sa maraming establismyento.
Si Ogie ay ipinanganak noong August 27, 1967 kaya siya ay 55 years old pa lamang.
