PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gwyneth Dorado's Global Singing Ambitions

Gwyneth Dorado overwhelmed by her first big concert.
by Jojo Gabinete
Published Feb 13, 2023
gwyneth dorado
Gwyneth Dorado on experiencing discrimination: “May couple of times na may ganoong reaksiyon at circumstances, pero I think normal po yon kapag baguhan talaga when it comes to live gigs. Siyempre, makiki-jamming po kayo so parang, 'Sino ba ito?' Honestly, hindi ko po masyadong pinansin. My goal lang naman talaga was to sing, to tell a story."
PHOTO/S: AXN / @gwynethdorado1 Instagram

Sampung taong gulang lamang si Gwyneth Dorado nang maging finalist siya at makilala sa unang season ng Asia’s Got Talent noong 2015.

Ngayong 18 years old na siya at kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto pa rin ni Gwyneth na subukan ang kanyang kapalaran sa mga international singing competition tulad ng America’s Got Talent at Britain’s Got Talent.

“If ever, given the chance, I would really audition, maski sa ibang bansa, America, Great Britain, other parts of Asia,” pahayag ni Gwyneth nang makausap siya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) tungkol sa mga plano niya para sa kanyang music career.

Kahit finalist siya noon sa Asia’s Got Talent, naging biktima si Gywneth ng diskriminasyon dahil sa pagiging baguhan niya pero hindi siya nagpaapekto.

“May couple of times na may ganoong reaksiyon at circumstances, pero I think normal po yon kapag baguhan talaga when it comes to live gigs.

“Siyempre, makiki-jamming po kayo so parang, 'Sino ba ito?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Honestly, hindi ko po masyadong pinansin. My goal lang naman talaga was to sing, to tell a story.

“If I do focus on them, mas madi-distract ako kasi hindi ko po sila mai-impress so that’s what I just did and still doing,” kuwento ni Gwyneth, na positibo ang mga pananaw sa buhay kaya hindi niya hinahayaang maapektuhan siya ng mga natikmang diskriminasyon.

Si Yeng Constantino ang isa sa mga mang-aawit na hinahangaan ni Gwyneth kaya ikinagalak nito nang magsama sila sa isang production number sa ASAP noong 2015.

“After Asia’s Got Talent, lahat ng Filipino finalists ng Asia’s Got Talent, in-invite sa ASAP and, surprisingly, naka-duet ko po si Yeng Constantino.

“Super idol ko po siya, almost same song genre po kami. Pareho kami na naggigitara so very fun experience.”

Nangangarap din si Gwyneth na magkaroon ng collaboration kina Moira, Lea Salonga, Sarah Geronimo, at Darren Espanto.

Naranasan ni Gwyneth na magkaroon ng pre-Valentine concert sa RJ Bistro, Dusit Hotel noong February 4. Ito ang nagbukas ng pinto para mabigyan siya ng once a month show sa naturang lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya, “This is my first big concert. Ang daming tao po na nagpunta. It was pretty overwhelming.

“I really enjoyed it kasi feeling ko, parang nagja-jamming lang ako. It’s a different feeling kahit so nervous noong una so you just get to enjoy once you’re there.

“Yung first concert ko, parang launch ko na rin dahil magkakaroon na ako ng once a month show sa RJ Bistro at sa Take Over sa Quezon City.

“There are acting projects too, may mga script ako na binabasa and I still do write songs, but mostly ang focus ko yung live gigs.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gwyneth Dorado on experiencing discrimination: “May couple of times na may ganoong reaksiyon at circumstances, pero I think normal po yon kapag baguhan talaga when it comes to live gigs. Siyempre, makiki-jamming po kayo so parang, 'Sino ba ito?' Honestly, hindi ko po masyadong pinansin. My goal lang naman talaga was to sing, to tell a story."
PHOTO/S: AXN / @gwynethdorado1 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results