Inalmahan ni Ryza Cenon ang akusasyong wala siyang utang na loob sa kanyang former home network na GMA-7.
Si Ryza ay homegrown talent ng Kapuso network at produkto ng artista search na StarStruck Season 2, pero pumirma siya sa Viva Arists Agency at lumabas sa mga programa ng ABS-CBN noong 2017 matapos ang 13 taon sa GMA-7.
Minasama ng mga kritiko ni Ryza ang pag-reshare niya ng kanyang meme ng ginampanang role noon sa GMA-7, at latest role niya sa ABS-CBN primetime series na FPJ's Batang Quiapo.
May netizens na ginawang katuwaan ang mga eksena ni Ryza sa dalawang teleserye na mula sa magkabilang networks.
Si Ryza ay gumanap bilang kontrabidang si Georgia sa Kapuso afternoon drama series na Ika-6 na Utos (2016-2018).
May special participation naman siya sa Batang Quiapo bilang si Olga, isang kontrabida role.
Ginawan ng memes ng netizen ang dalawang roles na ito ni Ryza.
Pinagdikit ang larawan niya mula sa Ika-6 Na Utos na may hawak na water gun, at larawan niya sa Batang Quiapo na may hawak na baril.
Caption sa meme: “Naka luwagluwag na si ante [clapping emojis]”
Nais tumbukin ng meme na mula sa water-gun scene ay nag-evolve na si Ryza na seryosong gun-shooting scene sa Batang Quiapo.
“Yun nga!!! [smiley with stick-out tongue emoji],” pabirong pagsang-ayon ni Ryza sa joke ng netizen.

Minasama ito ng ilang supporters ng Kapuso network. Pakiwari nila ay inalipusta ni Ryza ang kalidad ng show na dating kinabibilangang TV network ng aktres.
“Ingrata never kana makakabalik sa GMA,” tweet ng isang kritiko laban kay Ryza.
Sinagot ito nang mahinahon ni Ryza, na naglinaw na walang malisya ang sagot niya sa birong nakakaluwag-luwag na siya.
“Move on na tayo. Freelance po ako, ano issue natin?” tweet ng aktres, na binati pa ng Happy Valentine’s Day ang kritiko.
Komento ng supporter ni Ryza, toxic ang network war.
“True, hindi naman kailangan mag away away. Love and support lang dapat sa lahat,” pagsang-ayon ni Ryza.


Pero hindi pa rito tumigil ang batikos kay Ryza.
May nagpadala sa kanya ng private message at tinukoy nga ang meme na ni-reshare ng aktres.
Nag-trigger daw ito para mag-away-away na naman ang fans ng magkabilang network.
Supporter ng GMA-7 ang nag-message na netizen kay Ryza.
Sumbat nito kay Ryza (published as is): “As far as I know, walang sinabing masama sayo ang gma pati na rin ang mga kapuso fan.
“ngayon ka na nga lang namin naramdaman, tas ganun pa ginawa mo? Insensitive.
“Ang laki ng improvement ng GMA sa mga teleseryes tas babalikan pa yung dati. Pwee!!”

Ipinagtanggol ni Ryza ang sarili sa akusasyon.
Nilinaw niyang wala siyang masamang sinabi sa pagsi-share ng meme. Bagkus, sa pagsi-share niya ng meme ay sarili niya ang pinagtatawanan at hindi ang GMA-7.
Buong sagot ni Ryza: “KJ yarn? Una sa lahat mukha ko pinagtatawanan nyo sa mga memes nyo.
"Wala rin akong sinabi masama sa GMA. Kesa mastress ako, kagaya mo e maki ride nalang ako para happy lang.
“Wala naman akong tinatapakan, sa totoo lang sarili ko nga tinatawanan ko e. Kasi ako yung nakalagay.”
Pahabol ni Ryza: “Uy 2023 na ibahin mo na mind set mo.”
Recently ay naging visible si Ryza sa Kapamilya network, pero isa na siyang freelance artist.

