PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Universe 2018 Catriona Gray and Sam Milby are now engaged

"I (FINALLY) put a ring on it! I love you my forever koala... now my fiancé."
by Arniel C. Serato
Published Feb 16, 2023
Sam Milby, Catriona Gray engagement
After news broke out a few weeks back about their rumored engagement and secret wedding, Miss Universe 2018 Catriona Gray and Kapamilya actor-singer Sam Milby announce their engagement today, February 16, 2023.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Tinapos na nina Sam Milby, 38, at Miss Universe 2018 Catriona Gray, 29, ang usap-usapan tungkol sa diumano'y engagement at secret marriage nila.

Ngayong Huwebes, February 16, 2023, sabay na inanunsiyo ng dalawa sa pamamagitan ng social media ang kanilang enagement.

Sabi ni Catriona sa kanyang post: “Living in an answered prayer with my best friend. I love you, fiancè (eeeeee) [smiling with three hearts, ring emojis] @samuelmilby"

Hindi naman maitago ni Sam ang kanyang kasiyahang nahingi na niya ang kamay ng nobya para sa pagpapakasal nila.

Ayon sa Kapamilya actor: "I (FINALLY) put a ring on it! [grinning face with smiling eyes emoji] I love you my forever koala... now my fiancé [heart emoji]"

View this post on Instagram

A post shared by Sam Milby (@samuelmilby)

Sa isang panayam kay Sam nitong nakaraang linggo, nakangiti niyang inaming si Catriona na ang nais niyang makasama habambuhay.

Sabi niya, "Yes, I do believe so."

Pangako pa niya noon na kapag siya ay magpu-propose na sa girlfriend ay titiyakin niyang masusorpresa ito. At hindi naman daw nila ipagdadamot sa publiko at kaagad nilang ipapaalam ang kanilang engagement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung lampas na ba siya sa kanyang ideal age para mag-asawa, sabi ni Sam: "You have to be ready na life never goes the way you planned it.

"Yung sinabi ko dati, my ideal age was 35 to get married. Lahat ng mga kaibigan ko may asawa at anak na.

"And it's not because of that na I should be pressured na mag-asawa. No.

"I think the right time is worth the wait."

Hindi rin daw problema para sa kanila ang kanilang nine-year age gap.

Marami raw silang differences at similarities, pero ang mahalaga ay swak sila.

"We just get along," nakangiti pa ring paglalarawan ni Sam sa relasyon nila ni Catriona.

"Honestly, wala kaming malalaking away. We're just able to be understanding of each other.

"How supportive we are of each other's career, I just know, yeah."

Diin pa ni Sam, "Parang they say you should marry your best friend. She's my best friend. Vice versa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Are Sam Milby and Catriona Gray secretly married? Sam speaks up

SAM-CATRIONA RELATIONSHIP

Noong May 23, 2020, isinapubliko nina Catriona at Sam ang espesyal na relasyong namamagitan sa kanilang dalawa.

Ito'y matapos i-post ni Sam sa Instagram, sa mismong araw ng kanyang 36th birthday, ang larawan nila ni Catriona habang magkayakap.

Mababasa sa kanyang caption: "Worth every second of the wait. Most special birthday yet (heart emoji.)

Read: Sam Milby confirms relationship with Catriona Gray

Pero bago ito, early as December 2019, usap-usapan na ang sightings ng mga bonding nila.

Sa panayam ng PEP.ph kay Sam noong June 2022, proud niyang ibinahagi na si Catriona ang isa sa nagbibigay-inspirasyon sa kanya.

Ayon sa Kapamilya actor-singer, malaking bagay ang pagkakaroon nila ng mature na mindset pagdating sa pag-ibig kaya going strong ang kanilang relasyon.

Laking pasasalamat din daw niya kay Catriona dahil sa pagiging maunawain nito pagdating sa kanyang trabaho.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad niya, "We try to keep our relationship very private, and the one thing with her, naintindihan niya.

"Kahit hindi siya actress, we had a few talks and she's very, very understanding. I think that's hard to find, you know, obviously with someone that's not in the business.

"Just having that understanding na trabaho ko ito, and that the trust is there.

"Hindi siya selosa. I'm thankful that I have someone like that."

Read: Sam Milby opens up about dynamics with girlfriend Catriona Gray

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After news broke out a few weeks back about their rumored engagement and secret wedding, Miss Universe 2018 Catriona Gray and Kapamilya actor-singer Sam Milby announce their engagement today, February 16, 2023.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results