Handang-handa na sa panghabambuhay na commitment si Miss Grand International 2020 first runner-up Samantha Bernardo.
Ito'y matapos niyang ianunsiyong engaged na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Scott Moore.
Sa kanyang Instagram reels nitong Lunes, February 20, 2023, buong pagmamalaking ipinasilip ni Samantha ang video na kuha sa photo shoot niya suot ang kanyang engagement ring.
Read: Samantha Bernardo hailed as first runner-up in Miss Grand International 2020; Miss U.S.A. wins crown
Mababasa sa kanyang caption (published as is), "Turn the page. [ring emoji] start a new chapter [infinity symbol emoji]."
Read: Samantha Bernardo shows bare face: "This is me and This is my reality"
Nauna nang ipinost ni Samantha ang balitang engaged na sila ng nobyo noong February 14, 2023.
Ayon sa post ng beauty queen-TV host, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ay nag-propose sa kanya si Scott habang nasa bakasyon sila sa Japan.
Saad niya sa caption, "My ride or die and forever [V]alentine.
"We're officially engaged. I can't believe!"
Samantala, bumaha naman ng congratulatory messages ang comments section ng post ni Samantha.
Pagbati ng Pinoy Big Brother (PBB) Kumunity Season 10 co-housemate niyang si Alyssa Valdez, "Congrats."
Read: Alyssa Valdez bids farewell to PBB; Samantha Bernardo replaces her in celebrity Top 2
Komento ng kapwa niya beauty queen na si Megan Young, "Roomie!!!!!!! I'm so happy for you!!!!!!!!! Congratulations."
Sabi ni Vickie Rushton, "Congratulations again babe!!! So happy for you and Scott [red heart emojis]."
Saad ni Sunshine Garcia, "Sammmmmmmmmy!!! Congrats!!! Happy for you."
Ilan pa sa mga bumati kay Samantha ay sina Miss International Philippines 2022 Hannah Arnold, Miss Grand International 2016 first runner-up Nicole Cordoves, Miss Universe 2013 third runner-up Ariella Arida, Miss Grand International Philippines 2021 Samantha Panlilio, at Reina Hispanoamericana Pilipinas 2021 Emmanuel Vera.



