Handa na si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo lumagay sa tahimik dahil nais na niyang maranasan na maging ina.
Pero mangyayari lamang ito kung aalukin na siya ng kasal ng kanyang kasintahang si Jeric Gonzales.
Read: Jeric Gonzales, kinumpirmang nagkabalikan sila ni Rabiya Mateo
Si Rabiya ang bisita ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Martes ng hapon, February 21, 2023.
"Yes!" ang kanyang sinabing isasagot kung sakaling makatanggap siya ng marriage proposal mula kay Jeric.
Piwanag ng beauty queen, “Kasi iba din na ngayon. Siguro, during that time, I was just 23.
"And ngayon, Tito Boy, parang feeling ko na-fulfill ko na yung pangarap ko for my family.
"Nabilhan ko na ng bahay si Mama, nabigyan ko na sila ng... yung savings, nakapag-ipon na po ako.
“Siguro hindi agad-agad, pero siguro in two years, kasi gusto ko rin maging nanay na. I can see myself.
"Pero hindi lang naman kasi yun ang desisyon na ako yung gagawa. Kaming dalawa dapat ng partner ko."
Unang nakatanggap ng marriage proposal si Rabiya mula sa kanyang ex-boyfriend na si Neil Salvacion noong 23 years old at reigning Miss Universe Philippines siya.
Tinanggihan ni Rabiya ang alok na kasal ni Neil dahil bukod sa bata pa siya noon, marami pa siyang pangarap para sa sarili at sa kanyang pamilya.
Read: Neil Salvacion confirms breakup with Rabiya Mateo: "The real thing is, we're not together anymore."
Saad ni Rabiya, “I think this is the first time na sasabihin ko sa TV, but he [Neil] proposed to me and I was so young that time. I wasn’t ready. I have a lot of dreams for my family.
"And during that time, he was ready to settle na because, feeling niya, okay na siya sa buhay. Pero ako, I wanna aspire to be more.
"So, dun kami nagkaroon ng conflict. Feeling ko din, hindi ko na maibigay yung hundred percent sa relationship kasi maraming nangyayari.
"And yung engagement na yon, parang for me, it was a big step."
Itinanggi ni Rabiya na may kinalaman ang korona ng Miss Universe Philippines sa kanyang desisyong makipaghiwalay kay Jeric.
Saad niya, “Hindi naman kami agad naghiwalay. Parang during that time, galing din ako sa walang-wala.
“Tapos nakita ko, when I won Miss Universe Philippines, sabi ko ito na yung time ko para makapag-ipon. Para mabilhan ko yung nanay ko ng bahay. Para maipagpatuloy ko kung gusto pa ng kapatid ko na mag-aral.
"So, parang ako po yung breadwinner. And dahil wala akong dad, parang nasa akin ang lahat ng responsibilidad na yon.
"So, hindi ko pa kayang iwan yon para mag-asawa."
Read: Did Neil Salvacion just confirm Rabiya Mateo dumped him in favor of her crown?
Tumagal ng pitong taon ang relasyon nina Rabiya at Neil. Naghiwalay man sila, nananatiling magkaibigan ang dalawa.
Pero naputol na ang kanilang komunikasyon dahil, ayon sa dating beauty queen, nagseselos si Jeric.
Ani Rabiya, “We are friends kasi mabait siyang tao. Mabait siya.
"Kaya mo naman maging kaibigan with your ex, e. Kaya! Without feelings. Ako kaya ko.”
Sundot na tanong ni Boy, “What about Jeric, does he mind?”
“He does!” natawang sagot ni Rabiya.
“[Nagseselos] Of course! So, parang ngayon, I have my limits na.
"Siyempre, iba na yung priority ko."
Inamin ni Rabiya na seloso si Jeric at patas ang pagseselos nila sa isa’t isa.