PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Awra Briguela Responds to Homophobic Insults

Awra: “Unattractive men are the homophobic ones."
by Bernie V. Franco
Published Feb 21, 2023
Awra Briguela two piece
Awra Briguela retaliates to body-shaming and homophobic comments of bashers, who are mostly men: "Akala mo ang popogi at ang ganda nila. Jusko."
PHOTO/S: @awrabriguella on Instagram

Pinatamaan ni Awra Briguela ang bashers na nanlait at inalipusta ang kanyang beach photos.

Ginawa kasing katatawanan ng bashers sa social media ang posts ni Awra na naka-two-piece sa kanyang trip sa La Union.

Ipinost ni Awra ang kanyang mapangahas na swimsuit photos sa Instagram at Twitter accounts nitong February 18, 2023.

Nagsunud-sunod na ang pangungutya at panghihiya sa kanyang hitsura at pagiging member ng LGBTQ community.

Pero hindi pinalampas ng Kapamilya celebrity ang homophobic comments ng bashers. Ibinalik niya sa mga ito ang panlalait sa kanya.

Kapansin-pansin ding halos mga lalaki ang nanlait kay Awra.

Ilan sa mga panghihiya kay Awra ay mga komentong “bato-bato” ang katawan, pagtawag sa kanya ng “Raul” na pangalan ng lalaki, panlalait sa kanyang body parts tulad ng puwet at kili-kili, at pagtawag sa kanya ng “baktol,” “daks” at “oten.”

Ginawang basehan sa pangungutya kay Awra ang isang art card ng isang digital media outlet, na inihambing siya kay Nadine Lustre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganito ang headline: “Awra may pa-puwet, pinagkamalang si Nadine.”

Pagkontra ng isang basher (published as is): “Wow naman Nadine talaga he he wag naman malayo e.”

AWRA FIRES BACK AT HER BASHERS

Tweet ni Awra sa panlalait sa kanya: “kaya hindi na ako nagamit ng facebook e, apaka daming perfect na akala mo ang popogi at ang ganda nila. Jusko.”

awra tweet

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May isang basher na sinimulan ang panghihiya kay Awra ng “The design is…” na sinundan nito ng panlalait.

Nagsunuran ang iba pang pamba-bash tulad ng “The design is very maitim ang kili kili,” “The design is very baktol,” at marami pang iba.

Tweet ni Awra: “NALAMAN LANG YUNG WORD NA ‘THE DESIGN’ APAKA DAMI NILANG DESIGN SA BUHAY.”

netizens bashing

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inilabas ni Awra ang screenshots profile pics ng kanyang bashers, na karamihan ay kalalakihan, at mga pang-iinsulto sa kanya.

“APAKA POGI NAMAN TALAGA,” hirit ni Awra.

“BUGSH HEARTTHROB NGA,” balik-puna niya sa bashers.

awra bashers

Maanghang ang banat ni Awra via tweet ngayong gabi.

Animo’y nais niyang ipahiwatig na ang insecurities ng ibang tao ay itinatago nila sa pamamagitan ng panlalait ng iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tweet niya (published as is), “Unattractive men are the homophobic ones.. I asked why?!

“maybe because they will never accept truth.. TRUTH that i look good – hmm GREAT and BETTER than they will ever be.”

awra tweet

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Awra Briguela retaliates to body-shaming and homophobic comments of bashers, who are mostly men: "Akala mo ang popogi at ang ganda nila. Jusko."
PHOTO/S: @awrabriguella on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results