PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sharon Cuneta recalls being snubbed by ABS-CBN stars

Sharon Cuneta: "Parang Lopez kung umarte, daig pa yung mga Lopez."
by Arniel C. Serato
Published Feb 23, 2023
Sharon Cuneta on attitude of young celebrities
Megastar Sharon Cuneta: "Tayong old school, kaming mga nagsimula nung araw pa, pagka merong senior sa aming artista, kahit di kami kilala, lalapitan namin. ’Magandang hapon po. Ako po si Sharon,’ ganyan, ganyan, ‘Bago po akong singer.’"
PHOTO/S: Courtesy: Sharon Cuneta on YouTube

Hindi maiwasang ikumpara ni Sharon Cuneta, 57, ang mga nakagawian ng mga baguhang artista ngayon at noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

Sa kanyang vlog na lumabas kahapon, February 22, 2023, napag-usapan ni Sharon at ng kanyang panauhing si Ogie Diaz ang tungkol sa pagtataguyod ng acting workshop ng huli.

Dito ay ibinahagi ni Ogie ang kanyang sinasabi sa mga nais mag-artista kung sila ba ay nararapat.

Sinabi rin ni Sharon na dapat itinuturo rin sa mga ito ang tungkol sa attitude.

Saad ng Megastar, “Tayong old school, kaming mga nagsimula nung araw pa, pagka merong senior sa aming artista, kahit di kami kilala, lalapitan namin.

"’Magandang hapon po. Ako po si Sharon,’ ganyan, ganyan, ‘Bago po akong singer.’

“Kasi nai-starstruck ka rin, pero paggalang yon.”

Kasunod nito ang pag-alala ni Sharon sa ilang nakakalungkot na pangyayaring naranasan niya sa mga baguhan habang nasa ABS-CBN.

Saad niya, “Meron kasing nakakalungkot, minsan nasasalubong namin noon sa ABS-CBN corridor. Pagdaan, feeling ko, ‘Kamag-anak kaya ni Boss Gabby yon?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang Lopez kung umarte, daig pa yung mga Lopez. Si Don Geny nga bumabati kahit sa janitor.”

Ang tinutukoy ni Sharon na “Boss Gabby” ay ang dating chairman ng ABS-CBN na si Gabby Lopez. Si “Don Geny” naman ay si Geny Lopez, ang dating chairman emeritus ng Kapamilya network na tinatawag din nilang “Kapitan.”

Puna pa ni Sharon, “Yung mga bata ngayon, makasalubong mo lang, face to face, parang dinaanan nila, poste lang.

“Hindi naman ako nag-i-expect ng anything, just a little [pagtango at ngiti]. Yung parang kahit walang hello, kahit smile lang.

“Parang minsan talaga, ang feeling ko tuloy, ‘Pader ba ako? Pumayat na ako, di ba?'

“Kasi kami nga, hindi ganun.”

Nang tinanong ni Ogie ang clue sa tinutukoy niyang mga young stars, tugon niya, “Marami. Over the years, totoo.”

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Megastar Sharon Cuneta: "Tayong old school, kaming mga nagsimula nung araw pa, pagka merong senior sa aming artista, kahit di kami kilala, lalapitan namin. ’Magandang hapon po. Ako po si Sharon,’ ganyan, ganyan, ‘Bago po akong singer.’"
PHOTO/S: Courtesy: Sharon Cuneta on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results