PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Netizens ask: Are Kim Molina, Jerald Napoles expecting baby No. 1?

Plus 1 na ba ito ng Team KimJe?
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 28, 2023
Kim Molina pregnancy rumors
Netizens couldn't help but wonder if real-life celebrity couple Jerald Napoles (left) and Kim Molina (right) are expecting a baby together.
PHOTO/S: Kim Molina Facebook

"Buntis ka na Ms. Kim?"

Ganito ang tanong ng karamihan ng netizens sa singer-actress na si Kim Molina.

Ito'y matapos niyang mag-post sa kanyang social media accounts na tila pahiwatig sa diumano'y "new blessing" na dumating sa kanila ng long-time boyfriend na si Jerald Napoles.

"#NEWBLESSING is coming! Abang abang sa aming mga post! Lablab, KimJe [heart sign] #NewChapter #NewTeam," mababasa sa caption ng post ni Kim, kalakip ang litrato nila ni Jerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, ilan sa kanilang mga tagahanga ang naintriga at napatanong kung anong "new blessing" ang tinutukoy ni Kim.

Sa comments section ng kanyang Facebook post, maraming netizens ang pumansin sa hinihinalang pagdadalantao ni Kim sa una nilang anak ni Jerald.

Read: Kim Molina, may nadiskubre kay Jerald Napoles nang mag-live in sila

Wala man siyang sinabi na ibang detalye, agad na bumuhos ang congratulatory message mula sa kanilang mga kaibigan at fans.

Komento ni Joross Gamboa (published as is), "May baby na kayo??!!! Yahooo!!! Congrats."

Saad pa ng isang netizen, "Preggy na si Ms. Kim halata sa face niya. Congratulations to both of you, KimJe."

Sabi pa ng isa, "Hala meron nang little KimJe. I'm happy for the both of you. Congratulations in advance."

Sabi pa ng isang fan, "New team daw at blessing so ibig sabihin buntis nga. Congrats po."

Hirit pa ng isa, "Nako huwag mo kaming pinapaasa Miss Kim, baka baby dog yan or what ha. Pero sana baby #1 na hehe."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero posible ring ang post na ito ni Kim ay para sa isang endorsement o proyekto na pagsasamahan nila ni Jerald.

ON JERALD NAPOLES BEING "THE RIGHT ONE"

Maliban sa mga nanghuhulang buntis na si Kim, may iilan ding nagsasabing baka naman engaged na ang dalawa.

Anila, hindi raw ito imposible dahil walong taon nang magkasintahan sina Kim at Jerald.

Read: Kim Molina reveals last fight with Jerald Napoles was in 2020

Sa panayam ni Kim sa PEP Live noong January 17, 2023, diretsahan siyang tinanong ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kung handa na ba siya sa pagpapakasal.

Sagot ni Kim, "Hay, kayo talaga PEP, kayo talaga hindi ko mawari. Pero ano kasi... abangan."

Dagdag pa niya, "Abangan at ipagdasal."

Video: Rommel Llanes (video), Neil Cruz (edit).

Sa panayam ding iyon ay buong pagmamalaking sinabi ni Kim na ang nobyong si Jerald ang itinuturing niyang "the right one" para sa kanya.

"Do you think Jerald is the right one?" tanong sa Girlfriend Na Pwede Na lead star.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mabilis na sagot ni Kim, "Yes, walang kaabog-abog, yes.

"Because we're building our dreams together so, I really felt he's the one."

Read: Jerald Napoles, saludo sa paniniwala ni Kim Molina na di dapat maging problema ang pera sa relasyon

Malaking bahagi raw si Jerald sa kung sino siya ngayon at naniniwala si Kim na si Jerald ang taong nakalaan para sa kanya.

Sabi ni Kim, "Si Jerald ay boyfriend na sobra-sobra pa.

"Si Jerald ang boyfriend na inilaan para sa akin."

Read: Kim Molina in tears after meeting idol Regine Velasquez again

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens couldn't help but wonder if real-life celebrity couple Jerald Napoles (left) and Kim Molina (right) are expecting a baby together.
PHOTO/S: Kim Molina Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results